Chapter 5

561 4 0
                                    

CHAPTER 5

Cha's POV

"Chandria.." nabawi ko ang ulirat ko sa boses na iyon, isa lang ang tumatawag sakin nun. Mula sa pagtunganga ko sa bintana, humarap ako sakanya.

"Lance? A-anong ginagawa m-mo dito?" mautal-utal kong tanong sa kanya. Hanggang dito ba naman? Kaya pala napaka-ingay kanina ng mga kaklase ko na hindi ko na inatubili pang usisain.

"Hi." Bati niya sa akin kasama ng matamis na ngiti.

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Hindi mapakali ang sarili ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Parang lalabas na yung puso ko sa lakas nang tibok nito.

Mukhang napansin niya ang katagalan nang pagtitig ko sa kanya kaya't lumapit siya sakin para sabihing "magiging good boy ako, Chandria. Don't worry. Mag-aaral lang naman ako at...." mas lalo siyang lumapit sa akin at bumulong "....sisikaping bawiin ka." Lumayo siya at nginitian ako.

Nanghihina ako pero hindi ako papadaig, hindi ako magpapatalo kahit na alam kong nasa delikadong sitwasyon ako.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang lahat ng mga titig ng kaklase ko, lalo na ng mga kababaihan. Gusto ko na lang na mapairap sa kaloob-looban ko sa inaasal nila pero hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ko.

"Good morning class!" napahinga ako nang malalim at laking pasalamat ko sa pagdating niya. Niligtas niya lang naman ang nanganganib kong puso.

"GOODMORNING" sagot ng mga kaklase ko kahit 'di naman nagtatanong si ma'am. Okay, hindi ko alam kung saan pa ako nakahugot nang lakas para mag-joke kahit ang corny naman.

"Class, may new classmate pala kayo. Hijo, please introduce yourself." Mukhang napansin niya si Lance bilang bago sa klase na 'to pero hindi na naman kailangan na magpakilala siya dahil kilalang kilala na siya!

Tumayo na si Lance na nasa tabihan ko at pumunta na sa harap, napairap na lang ako.

"Hi." Pagbati niya sa buong klase at maririnig mo ang mga hiyawan ng kaklase kong babae at sa muli ay napairap na naman ako.

"Ayieeee!"

"Crush ko talaga si Lance!'"

"Pogi mo Lance!"

"NO! Lance is mine girls!" entrada naman ni Nics, papansin!

"I'm Lance Patrick Garcia. Call me Lance, 18. Pwede niyo 'kong gustuhin at mahalin pero hindi 'ko na maibabalik pa ang kagustuhan niyo. I'm taken na girls." WHAT? SABI NIYA LANG SAKIN KAHAPON AT KANINA, BABAWIIN NIYA KO TAPOS GANITO?!

Tsk. Nagpapakipot lang naman talaga 'ko sakanya eh! You know girls be like? Mahal ko pa rin yan kahit sira ulo yan 'no! Nakaka-badtrip ha!!!!!!!

Tumayo si Nics, die hard fan siya ni Lance. "And who the hell is that girl? Huh?" pagtataray na tanong niya kay Lance habang naka-pameywang pa. Leche na 'to akala mo kung sinong maka-utos. Ang sama talaga ng bunganga pero sino nga ba yung /@?! na yun?!

"That's too personal na class. Sorry hijo but you can now take your sit." masama na kung masama at wala nang respeto kung wala pero ang epal din ni ma'am. Crap!

Umupo na ulit sa tabi ko si Lance dahil wala naman akong katabi at dulo kasi ang pwesto ko kaya ganun pero asar padin ako!

Nagtatatalak na si ma'am at itong katabi ko patuloy sa kakalabit sa akin paano ako makakapag-concentrate sa klase?!

"Uy, pansinin mo naman ako." Bahala ka diyan!

"Uy, Chandria." Hindi kita papansinin.

"Nagseselos ka ba?" tanong niya sa akin kasabay nang mahinang pagtawa kaya't 'di ko napigilan ang pag-irap ko sa kanya. Selos your face!!!

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon