Chapter 1

36 1 0
                                    

Chapter 1

Ang payong

Ang lakas ng ulan. Wala atang planong tumila. Gusto ata ako patirahin dito sa eskwelahan? hay buhay nga naman may dala nga akong payong kaso baha naman na sa daraanan ko.

"Nakakainis kang ulan ka!" naputikan ang palda ko! Ugh! Ipapalaba ko na nga lang to sa katulong sa bahay.

Pinilit kong makatawid sa malaking bahang iyon dahil gustong gusto ko ng umuwi. Bakit kasi kamalas malasan?!

"Miss, pwede bang makisukob?" napatigil ako sa pwesto ko. Nanghina ang mga tuhod ko , feeling ko may mga paru-paro sa tiyan ko ng malaman ko kung sino ang nasa tabi ko...

Si Tan.

Yan talaga ang pangalan niya , akala niyo apelyido akala ko din eh. Pangalan ng crush ko.

Nagtaka ako, bakit sa payong ko pa? Marami akong katabing mga babae na nakapayong at maayos ang mga damit walang dungis di tulad ko, feeling ko napapahiya ako sa itsura ko.

Hindi ako makaimik , tanging sa utak lang ako nagsasalita kasi hindi naman kami close.

"Hawakan ko na yang payong mo, itaas mo na ang yang palda mo para hindi ka maputikan" nagulat ako ng bigla niyang hinablot yung payong ko medyo nabasa ako , ang dungis ko na talaga.

Sinunod ko na lang yung sinabi niya, grabe nagffeeling highschool ako dahil may crush crush pa akong nalalaman. Hindi naman masama ang magkacrush ah!

"Ihatid na kita pero magsalita ka naman, masyado kang tahimik eh. Ako nga pala si Tan for sure alam mo na naman kasi blockmates naman tayo" ngiti nito sakin

"Uhhm , ako nga pala si May." yun na lang sinabi ko kasi nahihiya ako, syempre crush ko tong kaharap ko edi mababarahan yang lalamunan mo.

Pero tama ba pagkakarinig ko , ihahatid niya daw ako? Namalayan ko malapit na kami sa village namin ewan walktrip lang naman ang village namin eh at papuntang bahay.

Teka paano niyang nalaman na taga-dito ako? Nagkaroon tuloy ako ng malaking question mark sa isip ko.

"Paanong? P-paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" nagulat ako sa tanong ko pero curiousity kills me!

"Aah simula dito sainyo tatlong bahay pa bago ang bahay namin , lagi kitang nakikitang naglalakad pero hindi mo naman ako makikita kasi may service ako , ngayon lang ako hindi nagpasundo kasi a-ano may sakit yung driver" sabi nito

Tumango na lang ako sa kanya at nagpaalam na hihiramin muna niya yung payong ko kaya bukas na lang niya ibabalik.

--

Natapos din ang ilang klase buti at vacant na, ginugutom na ako.

"Bea, tara kain tayo" pag-aya ko sa matalik kong kaibigan.

"Osige"

"Alam mo ba Bea , kapit bahay ko lang pala yung crush ko" excited kong binanggit sa kanya ang nangyari kahapon kinuwento ko sa kanya lahat as in na detalye ng ayos.

"Swerte mo May, haha, wag ka ng magdalawang isip na akyatin yung bahay nila at gapangin siya" sabay tawa niya.

Nabatukan ko nga, makapagisip tong babaeng to! Grabe!

"Tama na nga yang gapang na yan, ang gapangin mo ay ang mga grade mo" sabi ko na lang , hindi naman siya ganun kahina sa pag-aaral, ang masama lang sa kanya ay tamad siya.

Pumasok na kami, sa susunod na klase ng makita ko sa kinauupuan ko ang payong ko na may note

Salamat sa payong, sabay ulit tayo kapag umuulan.

Napatili ako sa loob looban ko, grabe ito! Crush ko na mismo ang lumalapit sakin.

This is it! Haha kahit friends na lang muna wag biglain ang mga bagay bagay baka maudlot.

Habang nagkaklase hindi ko maiwasan ang mapangiti at mapatingin sa side niya , ang ganda lang sa view habang nag-aaral kagwapong nilalang.

"Miss Asaron! Listen first before daydreaming" sh!t nahuli pa akong nagtutulo laway sa crush ko, sorry hindi ko naman maiwasan eh, kakaadik na drugs.

After ng nakakahiyang klase dahil lumingon siya sakin at napaiwas ako syempre , nag-init bigla ang pisngi ko. Kakahiya!

Naglunch kami ni Bea pero naantala iyon dahil

"Pwede maki-upo?" ngiti ngiti pa itong tanong, ang pabango niya, palong palo! Hindi pa masakit sa ilong!

"S-sure" utal utal ko pang sagot nahahalata ako nito eh.

Pinakilala ko si Bea kay Tan dahil kahit blockmates kami nyan hindi palaibigan itong si Tan, paano ko nalaman? eh loner yan pero minsan naman may mga umaapir sa kanya pero yung kasama everyday , kausap everyday , wala , weird...

Hindi ko nakita ang reaction niya nung pinakilala ko sa kanya si Bea, dahil nahihiya ako at tsaka baka mahalata niya akong nakatingin sa kanya, magtanong pa siya.

Habang kumakain, ang nag-uusap lang ay si Bea at si Tan KO lang, anyway wala lang un sakin pero OP ako ha..

Natapos ang lunch...

"Friend, ang cool pala ng crush mo eh" tssss.... medyo badtrip ako pero hindi ako nagpahalata

"Naman!" sabi ko ng normal at hindi nagpapahalatang badtrip.

"Kanina ka pa tahimik, napapansin ko lang,bakit?"

KASI INO-OP NIYO KO NG TAN KO!!!

"May iniisip lang" sabi ko na lang imbis na magalit

"Ahh, maaga kang tatanda nyan sige ka" sabi nito arrgh nakuha pang mang-asar hah!

---

Umuulan na naman,binabagalan ko ang lakad ko na baka makisukob ulit sakin si Tan.

Pero nakarating na ako ng village wala siya.

May tumambad sa aking isang BMW , whoa! Tumigil ito sa harapan ko at tumambad sakin....

si Tan!

Sumukob siya sa payong ko at umalis na ung BMW niya, uy! rich kid tong kasama ko.

"Bakit sakin ka pa nakisabay? Kita mo mababasa ka nyan" gulat ko sa ginawa niya, baliw din ang isang to.

"Pwede ko ba makuha no. ni Bea? at tsaka yung iyo" kyaaaaa! hinihingi niya ang no. ko pero pati kay Bea hihinihingi niya?

©Copyright of iKilledThatSmile's Stories

Whatever it takesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon