Chapter 4
Ang sakit.
Pinahiran ko ang luha ko...
"Nalulungkot kasi ako para sayo, ang effort effort mo tapos direktang busted agad"
Napatulala na naman siya. Ganun ba ka epekto sayo Tan si Bea? Infatuation lang yan.
Kinausap ko na lang ang sarili kong konsensya dahil pati ako wala akong masabi sa problema niya dahil mahirap sabihing Tan okay lang, syempre parang pinagdaanan ko rin ung effort na ineffort niya. Kaya I take silence.
"Umuwi ka na"
Huh? Pinapauwi na niya ako? Bakit?
"B-but --"
"No buts. Iwanan mo muna ako mag-isa"
Di ko siya sinunod. Tumayo lang ako sa harap niya at yumuko.
Tumahimik na ang atmosphere namin. Yumuko lang ako. Nasasaktan ako, ang sakit.
Hindi ko na naman mapigilan hindi umiyak. Gusto ko ng umalis sa pwesto ko pero napako na yung paa ko sa lupa. Ayokong nakikita niyang umiiyak ako. Ayokong malaman niyang siya yung iniiyakan ko hindi yung tungkol sa kanila ni Bea.
"Ang sabi ko umalis ka na!"
Hindi talaga ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa nagsalita na lang ako ng hindi inaasahan...
"Mahal kita..."
Napatigil siya. Halata sa mga mata niya ang gulat.
Anong nangyayari? Bakit nasabi ko iyon? ano bang kahihiyaan tong ginagawa ko.
"Uhhm, ano, kalimutan mo na un."
Tumakbo na lang ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan man ako dinadala ng mga paa ko.
Bakit ako ganito? Anong nangyari sakin at bakit umamin ako sa wala sa oras?
---
"Miss, okay ka lang?"
Huh? Anong nangyari?
"Miss nahimatay ka kasi, okay ka lang ba?"
"Okay lang ako, salamat"
Kaya pala bigla na lang nag-pause ang lahat.
"Ako nga pala si Carlo."
Ay ganun? Sabay pakilala? Haha pero infairness gwapo tong sumalo sakin. Ang landi ko naman parang kanina si Tan lang ako ngayon may Carlo na.
"Miss, umiiyak ka"
Huh? hinawakan ko ung pisngi ko at ayun basa dahil sa kakaiyak. Si Tan kasi eh.
"Uuhhh, w-wala ito, okay lang ako"
Tumakbo na ko at ngayon alam ko kung saan ako pupunta, sa bahay. Maliligo ako ang dungis-dungis ko na. Nahiya ako dun sa sumalo sakin, kagwapong nilalang tapos ako mukhang galing halloween party.
Pag kadating ko sa bahay, 7:00 na ng gabi. Wala na naman ang parents ko, business na naman yun. Wala na silang oras sakin ang masama pa nun nagiisa lang ako. Bakit kaya hindi sila gumawa ulit para naman hindi ako loner dito sa bahay, mga maid na tropa ko eh.
After ko ayusin ang sarili ko nagbasa muna ako ng libro. Kaso every line, bigla bigla na lang magppop up sa utak ko ung nangyari kanina. Paano pa ko makakapagbasa niyan? Binitawan ko na muna ang libro at nilipat ang tingin sa phone.
*Ringing*
Kinuha at sinagot ko kaagad ang phone ng hindi binabasa ang pangalan sa screen.
[Hello?]
"Sino to?"
Anubayan. Akala ko si Tan na. Pssh.
[Si Carlo.]
"Ah. Nga pala thank you kanina ha."
Saan naman niya nakuha ang number ko? Tss sayang gwapo nga siya kaso mukhang stalker naman eh.
[Walang anuman, ah miss anong pangalan mo? at tsaka kasi ung keychain mo naiwan kahapon]
Hinanap ko ung lucky charm na keychain kong bunny, HALA?! Ngayon ko lang napansin napakahalaga sakin nun eh.
"Pakibalik naman sakin."
[Sige sa school]
Huh? Sa school, ng alin?
"Holands University ka din ba?"
[Oo. Nakikita kita palagi]
Di ko siya napapansin. Haha sorry na TAN lang ako.
"Sige. Bye na keychain ko po ha!"
[Sige. Bye na rin. Wag ng mangopo. Teka wait anong panga---]
Napatay ko na. Haha ang bad ko. Inaantok na kasi ako nakakapagod ang pagiyak at pagtakbo ko kanina.

BINABASA MO ANG
Whatever it takes
Ficção AdolescenteTheres a girl who wants a guy, but she doesn't know what to do when he is around. She take too many things to see this guy. - The love of hers.