Chapter 8
Crush ko.
Hindi ko alam ang isasagot. Napatulala na lang ako sa kanya.
"Oy, May natutunaw na ko. Ano na? Hindi na tanong un" sabay kindat niya.
"Uuhhhm"
"Ano yan lang isasagot mo?" Biglang nalungkot yung mukha niya
Whaaaa hindi ko talaga alam. Mahal ko naman siya pero hindi ko alam kung tama bang bigyan ko siya ng chance baka kasi napipilitan lang siya eh.
"Baka naman napipilitan ka lang?" Bulong ko sa kanya
Tapos bigla siyang naglabas ng microphone.
"Hey guys, napipilitan ba ako?"
"Hindi!" Sabay sabay silang nagsalita. Sa kanya ko tinanong eh, tapos iba ang sumagot.
Ano kaya yun?"May hindi ako napipilitan. Mahal na nga yata kita. Nung kinausap kita nagdadalawang isip pa ko nun pero nung naalala ko yung mga ngiti mo at yung mga luha mong bigla na lang babagsak, iyakin ka eh. Pero yung two days na hindi kita pinansin, test para sakin yun. Kung hahanapin ba kita? Kung totoo na ba yung desisyon ko pero this past few days I mean nung first day, nakakasira ng ulo gusto na kitang kulitin gusto na kitang patawanin pero nagiisip ka pa baka kasi makulitan ka sakin kaya ayun hinayaan muna kita pero itong surprise na to, hindi ko rin alam na ganito ang mangyayari kumbaga akala ko simpleng surprise lang tinulungan kasi ako ni Bea. Kaya salamat salamat sa lahat ng nandito. Mahal ko na tong babaeng to"
Umiiyak na naman ako. Tama siya iyakin ako.
Hahaha"I love you, Tan"
"I love you more, May"
Nagdiwang ang lahat sa mga nangyari. Kami na talaga. Official ng kami? siguro ligawan lang muna siya tapos boyfriend ko.
"Ang dami mo ng sinabi hahaha" pangaasar ko sa kanya.
"Kinabisado ko pa yun eh"
"Ay, scripted?"
"Hindi ah! Ang author kasi nun is yung puso ko"
"Korni mo"
Masaya ako na kami na. Pero sabi niya tinulungan daw siya ni Bea. Hindi ba sila nagkakailanganan?
Nagseselos na ba ako? Pusang gala. Paano kung gusto pa rin kaya ni Tan si Bea?
Hindi ko na alam gagawin pag nangyari yun. Masakit yun syempre. Hindi ko nga muna iisipin yun simula pa lang to.
Nagsisimula pa lang kami ng crush ko ay ngayon boyfriend ko na.
Mabilis? Oo pero siguro para sakin kahit alam kong option ako eh ganun talaga nagmamahal lang. Hindi sa tanga alam kong mahuhulog naman siya sakin ng husto ramdam ko yun. Kung ako ang palagi niyang kasama nanlalambing sa kanya. Yung mga ganun.
"Tara na. May klase na"
Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ako sanay. Nahihiya pa ko.
Bigla niyang tinaas at sinabing...
"Ang lambot naman ng kamay mo"
Na amaze siya sa kamay ko? Haha sa tamad ko ba naman sa bahay paanong hindi lalambot yan.
Pinaglaruan niya lang yung kamay ko hanggang sa makarating na kami room, binitawan na niya dahil nga may klase na.
BINABASA MO ANG
Whatever it takes
Teen FictionTheres a girl who wants a guy, but she doesn't know what to do when he is around. She take too many things to see this guy. - The love of hers.