Chapter 2

29 1 0
                                        

Chapter 2

Hagdan

Sa loob looban ko, nagseselos ako, bakit? Kasi singit lang ako dun sa tanong niyang...

'Pwede ko ba makuha no. ni Bea? at tsaka yung iyo'

Parang sa isip isip ko, para akong dangling modifier sa sentence na un pero tanong yun ewan ko kung accept ba ung dangling modifier na un sa tanong, in short isa lang akong sabit sa tanong niya...

Pero pinasawalang bahala ko na lang ang tanong niya, binigay ko naman ung no. ni Bea at yung sa akin. After nun ay hinatid na niya ako sa amin at hiniram ulit ang payong ko.

Nang nasa loob na ako ng kwarto ko.

*1 message received*

From: Unknown Number

Thanks , save my number :) -Tan

Kilig na kilig ako kasi unti unti ng naabot ang pangarap ko. Tan and Me! Sheeeet! Ito na un!

Gumulong gulong ako sa kama ng biglang nagring yung phone ko at inabot ito para sagutin..

Calling... Tan My Love <3

Dali dali ko itong sinagot dahil sa sobrang excited...

*BLAM!*

'Hey! May, what happened?'

Narinig sa kabilang linya yung pagkahulog ko sa kama,linstak! Ang sakit nun!

'N-nothing'

Iniinda ko naman ang sakit! Papapalitan ko na nga kila Daddy tong kama yung malaki laki para kapag kinikilig ako hindi ako malalaglag.

'Thank you nga pala sa payong at s-sa no. ni Bea'

Parang tinutusok tusok na naman ng karayom ang dibdib ko sa huling sinabi niya.

'Walang anuman iyon'

Sinubukan kong maging masaya sa sinabi ko para hindi halata sa boses ko ang sakit na nararamdaman ko.

'Sige na, goodnight, sweet dreams May'

Ang bilis naman...

'Sige goodnight din'

Yun na lang ang sinabi ko para hindi niya mahalatang kinikilig ako ng bigla niyang binanggit yung pangalan ko. Kyaaaaa!

Sa gabing iyon hindi na ako pinatulog na mga boses niyang naglalaro sa tenga at utak ko. Grabe ang epekto niya sakin.

--

Pumasok ako ng malalaki ang eyebags.

Nakita ko na naman ulit ang payong ko sa arm chair ko.

Pero walang note...

Hinanap ko ung note sa ilalim ng upuan sa basurahan baka kasi nilipad, basta sa buong room ng walang nakakahalatang may hinahanap ako.

Pero wala akong natagpuan, just my umbrella.

Nadisappoint ako dun dahil aasahan ko sana na may note pero wala.

Nagsimula na ang klase katabi ko si Bea pero nakayuko siya at para bang may pinagkakaabalahan sa cellphone niya.

Hindi ko makita kasi sa sobrang tago niya magtext. Hindi ko na lang pinansin ang katabi ko.

Napatingin ako sa side ni Tan.

Nakayuko siya, ano kayang ginawa niya?

Habang nakikinig ako sa prof. nakikita ko sa peripheral view ko na si Bea at si Tan KO magkatext , akala ko ako ung nililinga ni Tan pero si Bea pala tapos mapapangiti sila ng bahagya.

Nainis ako sa nakikita ko. Ako pa ata ang magiging tulay sa kanilang dalawa. Nagseselos na naman ako.

Bakit si Bea? Bakit ang kaibigan ko pa ata tong susungkitin niya, pwede naman ako? Pero alam ni Bea ang ginagawa niya crush ko si Tan pero anong ginagawa niya ngayon?

Maluha luha ako sa mga iniisip ko. Anong klaseng kaibigan si Bea pero hindi ko muna siya pangungunahan baka magkaibigan lang talaga sila pero ano iyon ngitian na iyon?

Nakaramdam ako ng inis kay Bea kada kinakausap niya ako tinatarayan o nababara ko siya, tulad na lang ng..

"May, ang tahimik mo"

"Eh sa gusto ko eh"

Ng dahil sa kabitteran na kumakalat sa buong katawan ko na gaganyan ko siya. Nakakaasar kasi talaga. Binigay ko lang ang no. niya kay Tan KO mukhang inaagaw na niya tapos ang Tan na yon, nakausap niya lang si Bea hindi na ako pinansin. Ano klaseng lalaki siya? SELFISH.

Halos araw araw ganito ang routine. Minsang nakakausap ko si Tan pero hindi matagal kasi ang dami niyang excuse,excuse sa ganyan sa ganito, laging ganun. Hindi ko na tuloy alam kung bakit naging ganito? Ang plano ko ay angkinin siya pero parang ako pa ang nagbigay ng pagkakataon na ibigay siya sa iba, kay Bea.

Wala akong nagawa sa mga puntong iyon.

--

Sinusundan ko si Bea kung saan siya pupunta dahil ang bilis niyang nagligpit ng gamit.

Nasa hagdan na kami ay este sila ni Tan. Ano ng nangyayari?

Dadaan ako sa harap nila ng hindi makikita. Naluluha ako. Ano to?

Kamalasan! , sa ikatlong baitang ako ng hagdan kung saan nakatapak si Bea saka ako natalisod ng kung saan derecho ako sa baba bigla kong nakuha ang atensyon nila tiningnan ko muna ang tuhod ko at dumudugo siya. Nice!

"MAY!, okay ka lang ba?" tanong ni Tan na sobrang cocncern daw.

Bigla akong tumayo at umalis sa harap ng dalawang un..

"MAY!" tawag sakin ng babaeng akala ko kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, hindi sa iniinda ko ang sakit ng sugat ko sa tuhod ay ang masakit na makitang silang masaya eh dapat ako. Dahil na una ako.

Umuwi ako sa bahay ng hindi pa nalilinis ang sugat ko.

"Ma'am, ano pong nangyari sa inyo?" tanong ng maid namin.

Nilagpasan ko lang, pagod ako.

Hindi ko na nakuhang linisin ang sugat kong mukhang malalim. Kaya nagsimula ng lumandas ang mga luha ko ng dumapa na ako sa kama.

Nakatulog naman ako.

Whatever it takesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon