Chapter 11
This is your fault.
"Tan!"
Pinigilan ko si Tan pero nasa side ako ni Mark. I don't know how to deal with this kind of scene but since bisita ko si Mark mas priorities ko siya dahil kakauwi niya lang then heto nasuntok siya ng cheater kong boyfriend.
"Sige, magsama kayo!"
What?!
"Wait, Tan, let me explain. That's not what you think."
"Stop, May. I don't need your explanation kasi kitang kita ko na naman na you're cheating on me!"
What?! Nabaliktad pa ang sitwasyon ha! I don't know what to do at isa lang ang magagawa ko, umiyak.
"Hey! Is this my welcome back gift?"
"I'm sorry, Mark"
Yun na lang nasabi ko. Bakit ganun? Ako pa ba ang may mali sa relasyon na ito? Binigay ko naman ang best ko, bakit ganito?
"Wag mo na isipin un, tara kain tayo, my treat"
Tinitigan ko lang siya.
"Um, ano? Deliver na lang, hehe. At tsaka wag mo isipin na ikaw ung mali, no ones fault."
Bakit ganun? Kayang kaya niyang ngumiti na parang walang nangyari? Na parang hindi siya nasaktan sa pagkakasuntok? Paano niya nagagawa un?
Bigla na naman bumuhos ang luha ko. Buti pa siya nagagawa niyang ngitian ang lahat pero ako eto umiiyak na parang bata.
Nagpadeliver na lang kami ng pagkain dahil wala akong sa mood lumabas, hindi ko na nga nakuhang pumasok. Ang daming gumugulo sa isipan ko.
"Wag mo muna isipin un, kumain ka muna"
Hindi mo alam kung nababasa ba ni Mark ung isipan ko or sadyang kilalang kilala pa niya ko.
"Di ka pa din nagbabago. Haha"
Tae. Ano ba to? Nanadya na? Ang weird ha!
"Don't look at me like that. Basang basa pa din kita May kahit tagal na natin di nagkita"
"Ako lang ba tong nasa bingit ng pagkagulat? Aber? Ni hindi kita nakilala sa boses mo kagabi at bakit nga may number mo ko? Balak ko na sana ipa-block ka kaso baka stalker kita tas ithreatened mo ko sa mga nasabi ko kagabi tapos--"
"What the?! Grabe ka. Nakuha ko kay Denise number mo, nakita ko siya sa mall then kinunchaba ko siya na wag muna sabihin sayo na nakauwi na ko. Yun lang yun. Ang dami mo na agad naiisip"
"Ay sorry naman"
Pero grabe lang din talaga ako. Isipin mo nakatulong pa ang gala kong kapatid dahil matagal ko na rin hinahanap si Mark. Iniisip ko pa nga noon baka hindi na niya ako kilala or hindi na niya ako kaibigan, mga ganun.
"Kailan ka pa umuwi?"
"Last week"
Tipid naman sumagot nito.
"Buti hindi ka kinain ng fluent sa ibang bansa, hindi ka slang sa pagtatagalog"
"Nagtatagalog kasi kami parati sa loob ng bahay which is nakasanayan na lang namin na ganun ang usapan"
"Ahhh"
Wala na ko maitanong. Ano pa ba? Para namang okay lang naman siya dun kasi grabe masasabi ko talagang ang laki laki ng pinagbago niya.
"Sa tingin mo, maiintindihan kaya ng boyfriend mo yung nangyari kanina?"
Ayan na. Hindi ko nga ginagawi sa topic na yun eh.
"Ah. Oo naman. Iexplain ko lang sa kanya ng maayos"
"Gusto mo samahan kita?"
"Ay wag na. Baka kasi. Alam mo na. Hehe"
"Sige sige"
Wala na ko masabi. Hindi ko alam kung magssorry ako sa kanya kasi siya yung type ng tao na nagssorry ka na ng sincere natatawa siya kasi ayaw niya raw ng seryosong usapan.
"Ganda naman ng welcome sakin dito haha suntok"
Siraulo talaga to si Mark eh. Di marunong makiramdam, alam na niyang awkward kapag dun na sa topic. Push pa din!
Ngumisi na lang ako para hindi na siya magsalita pa. Ayoko na muna isipin ang mga nangyayari. Naiistress ako promise. Una, totoo bang tinthird party ako ni Tan? Pangalwa, susulpot na lang na parang kabute tong long lost friend ko, diba? At wag ka may aftershock ang lahat, dahil don di ako nakapasok.
Ang saya. Sobrang saya ng araw na to para sakin. This is the moment.
"Hey! Tama na pagiisip sakin"
"Kapal neto"
Alam kong pinipilit lang ni Mark na alisin yung awkward feeling kanina. Awkward kasi nga kararating niya lang.
"Bakit di tayo umalis? Tagaytay?"
Gustuhin ko man ayaw ko takasan ang problema lalong lang lalala ang pangyayari pag ganun lalo na't malaman ni Tan na kasama ko to si Mark baka magkaroon na ng rason yon para mabunyag na sila ng third party niya.
"Bakit hindi na lang tayo magsimba?"
BINABASA MO ANG
Whatever it takes
Novela JuvenilTheres a girl who wants a guy, but she doesn't know what to do when he is around. She take too many things to see this guy. - The love of hers.