Chapter 7

20 1 0
                                        

Chapter 7

You and Me

Makalipas ang dalawang araw nung kausapin ako ni Tan. Hindi niya ako ginulo o tinanong feeling ko siguro hanggang dun lang yun, ni pagsulyap sa akin wala. Parang walang nangyari in short.

Gusto kong mainis. Minsan nga eh ay mababadtrip na lang ako ng walang dahilan maya maya ay okay na, makulit na ulit.

Nawindang ako ng dahil dun sa pinagusapan namin at sa tensyon sa aming dalawa ni Tan ngayon.

"May, okay ka lang?"

"Nagulat naman ako, Carlo. Okay lang ako"

"Walang sagot na okay lang."

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Okay is not a specific word, of how you really feel right now."

Binato ko ng papel sa mukha tong lokong to.

"Wag mo kong englishin. Oo na, malungkot ako na naiinis."

"Oh? Bakit naman?"

"Eh kasi--"

"Ate! Ateng maganda! May nagpapabigay po sa inyo nito"

Biglang may kabuteng lumitaw sa harap namin ni Carlo ay este bata pala.

Tinaggap ko naman ang papel na hawak ng bata.

Pumunta ka ng Canteen.
- T

Ay! Ganun? Hindi ako ganun nagulat kasi kilala ko naman kung sino ang may pakana pero yung sulat. Simple pero hand written, hand written niya.

"Teka, Carlo babalik ako ha! Bye."

"T-teka.."

Umalis na ako agad at tinahak ang canteen. Naghanap ako na may susulpot na bata pero wala. Nataranta ako nung maraming nakipagsiksikan sa akin nahalos gawin na akong palaman. Nang biglang nagtransform sa harap ko ang mga nakahalerang likod ng mga estudyante at ang nakalagay doon ay...

ROOM 223

Tumakbo agad ako doon. Napansin ko naman ang mga papel na nagkalat sa sahig, assorted ang kulay. Tumingin naman ako sa white board at may nakasulat..

Hanapin mo ang nagiisang red na papel sa lahat ng papel na nagkalat dito.

P.S. Sorry.
- T

WHAT?! Sa dami ng papel na nagkalat.
Pero may napansin akong thread na nakalutang sa hangin. Tumingin ako sa ceiling at tadan nakita ko ang nagiisang kulay na pulang papel. Hinila ko to at ayun nakuha ko.

Hindi ka naman nahirapan siguro. Anyway, punta ka ng ground. Please last na to.
- T

Habang pababa ako ng hagdan natanaw ko ang red carpet papuntang ground. Ano bang ibig sabihin nito? Anong pakulo mo? Nagpunta na ako ng ground ngayon ko lang napansin nandun lahat ng estudyante sa ground. Dahil sa paghahanap ko nawala pala ang mga maiingay na estudyante dahil dun hinihintay nila ako na parang ako yung bride kasi lahat sila nakatingin sakin parang pupunta na agad ako ng altar. Nandun si Tan sa gitna ng isang bilog nakangiti sakin anong ibig sabihin nito? Anong meron?

Biglang tumugtog ang kantang you and me ng lifehouse

*Cause its you and me

Hinihintay niya ako, may dala siyang bulaklak na pansin ko din ang mga hawak na letters ng estudyante

*And all of the people and I don't know why

MAY, BE MY GIRLFRIEND.

Hindi na siya tanong, utos na. Wala na ba kong kawala?

*I can keep my eyes on you

Whatever it takesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon