Chapter 6
Panyo.
Ngayon nagbubukas ang isip ko. Bakit ngayon ko lang talaga napansin ang mga nasa paligid?
Lutang ba ako para hindi ko mapansin iyon? Pero okay na rin atleast unti unti ko na nalalaman na hindi lang ako ang tao sa mundo na hindi porket gusto mo masusunod? pero pag gusto may paraan pero pag ayaw maraming dahilan.
"Oy May, mamaya na daydream. May quiz tayo. Late na nga tayo kanina eh!"
"Ay! Sorry na. Haha"
"Kung ano ano kasi iniisip, ayun lang si Tan oh"
Sabay kindat niya sa kin. Pero hindi pa namin napaguusapan ang nangyari nung sabado? Walang may balak mag bring up ng bagay na yun. Kahit si Tan hindi na ko pinansin o kinamusta man lang.
Galit ba sakin si Tan? Napatingin siya bigla dito! Hala? What to do?
"Bea, CR lang ako"
"T-teka. Wag mo ko iwan dito..."
Hindi ko na siya hinintay. Dahil gusto ko muna makaalis dun, feeling ko ang awkward.
Biglang may humili sa akin habang tinatahak ko ang papuntang CR.
"T-tan??"
Hala?!!!!! Anong ginagawa niya? Hindi pa ko handa sa mga tanong niya, kinakabahan ako sa kung anong sabihin niya. After kong sabihin un, nablanko na ko.
Tahimik pa rin ang paligid namin hanggang sa hilahin niya ako sa likod ng isang building dito sa school. Mas lalo akong kinabahan, namumutla na nga ata ako.
"Oh? Bakit ka namumutla? Hindi kita kakainin hahaha!"
Nakuha pang tumawa, tsk loko to ah!
Bigla niya akong yinakap.
"B-bakit Tan? A-anong nangyare?"
"Wala naman. Masaya lang ako."
"Huh? B-bakit?"
"Kanina ka pa nauutal. Hindi naman ako mangangain ng tao hahaha"
"Uhhhm"
"Ang awkward no!"
Tumango na lang ako. Parang di ko na kayang magsalita, nakakapanglambot dahil sa senaryo na to. Yakapin ba naman tapos walang kalas kalas n balak. Hahaha, ay loka! Natuwa pa.
"May"
Nagiba ang tono ng boses niya. Para bang nanlalambing na boses na ewan.
"Oh?"
"Uhmm, Tayo na lang?"
WHAT?!
"H-huh?"
"Ay bingi. Sabi ko, bakit hindi na lang tayo? Gusto kitang bigyan ng chance. Hindi sa ginagawa kitang option dahil sa una pa lang naman talaga wala akong balak ligawan ka, si Bea lang dapat dahil sa mga nalaman ko sa kanya na ikaw talaga ang tunay nagmamahal sakin bakit hindi ko subukan? Wala namang masama, diba? At tsaka kung ako ang tatanungin hindi ko pa naman ganun ka mahal si Bea dahil kapag liligawan ko na dun ko siya mamahalin ng sobra dahil ayoko rin naman na masaktan. Ang dami kong paliwanag, isa lang naman talaga ang gusto kong sabihin. May, Can you be my girlfriend?"
Hindi siya kumalas ng yakap habang sinasabi niya yan at hindi ko alam iyak na ko ng iyak. Ayaw tumigil ng luha ko, ano ba ito? Tears of joy?
Kumalas siya ng yakap ng naramdaman niya siguro ang mga luha ko.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba? Hindi mo na ba ako mahal?"
Hindi ko alam ang sasabihin. Ayoko muna maexcite dahil alam ko napilitan lang siya, alam ko sinusubukan niya. Paano? Eh alam ko sa sarili kong mahirap akong igirlfriend.
"May"
Tumingin ako sa mukha niya.
"Madali kang mahalin. Kaya wag ka ng umiyak. Heto ang panyo. Kung iniisip mong hindi pa ko nakakaget over kay Bea. Ipapakita ko sayo na wala yun, kaya hayaan mo kong ligawan ka."
"Magiisip muna ako."
At bigla akong tumakbo hawak ang panyo niya. Hindi ko kayang magdesisyon ng biglaan kaya tama na rin siguro ang aking ginawa.

BINABASA MO ANG
Whatever it takes
Teen FictionTheres a girl who wants a guy, but she doesn't know what to do when he is around. She take too many things to see this guy. - The love of hers.