Chapter 3

30 1 0
                                    

Chapter 3

Guilty

Nakababa na ako ng hagdan ng napansin kong may nakatayo sa sala namin.

Si Tan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Anong nangyari?" hindi niya pinansin ang tanong ko.

"W-wala, napatid lang ako kaya nalaglag ako sa hagdan"

"Dahil ba kay Bea?"

"Ha? Anong sinasabi mo Tan"

Nagfefeeling ang isang ito. Porket crush ko siya hinding hindi ako magbababa ng pride para aminin sa kanya.

"Gusto ko ang kaibigan mo"

Walang utal utal niyang sinabi sa harap ko. Na shock ako pero hindi ako nagpahalatang wasak. </3

"Hahaha. Yan ang pinunta mo dito Tan, wala si Bea dito. Masyado ka naman, puntahan mo kaya sa kanila at dun ka umamin." Umakto akong masaya na masaya para sa kanya.

"Pero nagguilty ako"

Ha?! Naguilty?

"B-bakit?"

"Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko may mali akong nagawa s-sayo"

Oo Tan, meron nga. Sinaktan mo ako ng hindi mo alam.

"Ano Tan? Baliw lang? Haha, tara at kumain muna tayo. Alas gis na nangangapit bahay ka pa"

Tawa ko na lang sa mga pinagusapan namin. Hindi umimik yung kasama ko pero bigla na niya akong inakbayan.

"Mula ngayon, magbestfriend na tayo. Tulungan mo ko kay Bea ha" ngiting ngiti niyang sabi.

Namula ang pisngi ko sa pagkakaakbay niya pero ang pangit ng mga sinasabi niya. BESTFRIEND, TULUNGAN?! Really na friendzoned ba ako? kasi ang sakit nun!

Makalipas ng dalawang araw, napagusapan namin ni Tan na magplano sa pangliligaw niya kay Bea.

"Sa sabado hah!"

Para akong pumapasan ng malaking bato, grabe ito pero kailangan ko tong gawin dahil sa kasiyahan naman niya ito.

"Sige"

Nagkunwari na lang akong masaya para sa kanya pero sa totoo lang pinapatay ang puso ko. Masokista , oo ata.

Dumating ang sabado. Isusurpresa daw namin si Bea dahil liligawan niya ito at sumang-ayon akong tutulungan siya.

Mahirap para sa akin gawin ito pero para sa kasiyahan naman ni Tan kayo ko ito ginagawa, hindi naman ako selfish.

After ang nag iisang class namin every saturday, gagawin namin ang surprise. Dali dali akong bumaba at nakitang kinakausap na ni Tan si Bea. Ang sakit! Kasi bestfriend ko yung gusto niya

Habang nagsspeech pa si Tan kay Bea sa itaas inilatag ko yung napakalaking banner na nakalagay na...

'Bea, Will you be my girl?'

Naiinggit ako kasi dapat ako yun eh, hindi si Bea. Naiiyak ako...

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kitang kita ko kung gaano kabalisa si Tan dahil kinakabahan siya at ako din kinakabahan..

"Tan... I can't accept this. We're just friends and thats all at tsaka duh may taong nagmamahal sayo hindi mo lang siya nakikita" bigla niya akong tiningnan at binawi niya agad ang tingin niya dahil baka makita ni Tan, alam niyang hindi pa ito ang oras para malaman niyang ako naman talaga ang nagmamahal sa kanya at hindi si Bea, may mahal ng iba si Bea.

Bigla na lang ako hinila ni Tan sa kung saan, nakita niya bang sumulyap sakin si Bea? at ako ang tinutukoy niya? whaaa! hindi pa ako handa sa kung anong mangyayari!

Pero bigla na lang ako nitong yinakap.

Napakatahimik, ilang minuto na niya akong yinayakap, umiiyak ba siya? naramdaman kong basa na yung balikat ko dahil sa mga luhang pumatak sa mga mata niya, naawa ako sa kanya, hindi ito ang gusto kong mangyari. Masayang malungkot ang nararamdaman ko dahil na rin sa hindi naman pala talaga pumayag si Bea, akala ko na eh, pero naaawa ako sa kanya, first rejection? sa taong una mong minahal ng seryoso , nakaramdam ako ng inggit..

Hindi ko alam pati ako umiiyak na.

"Oh bakit ka umiiyak?"

Nagtaka siya kung bakit pati ako umiiyak wala naman physical na masakit sakin pero masakit sa loob ko, bakit kaya hindi na lang ako?

Whatever it takesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon