Chapter 5
Keychain.
Late pa ko sa unang subject. Nakakainis kasi ung panaginip ko. Ang saya saya daw namin ni Tan, KAMI daw sa panaginip yung mga ginagawa namin pang boyfriend at girlfriend talaga kaso panira yung alarm clock ko. Ginising pa ko eh.
"Hi, May"
"Oh? Bea? Late ka?"
Namamaga yung mga mata niya. Bakit kaya?
"Okay ka lang ba Bea? Bakit namamaga yung mga mata mo?"
"Ah. Oo naman, okay lang ako"
Saka siya ngumiti ng mapait. Anong nangyayare?
"Bestfriend mo ko, bakit ayaw mo sabihin sakin?"
"Nagseselos lang ako"
"Aaaaaahh. Dun sa lagi mong kinukwento na hindi ko naman alam kung sino"
Bestfriend ko ba talaga to? Matagal ko ng alam na may mahal siya kaso unknown name lagi.
"Oo"
"Bakit ka naman nagseselos?"
"Feeling ko kasi may iba siyang gusto? Dati wala naman pero feeling ko ngayon meron na"
At halata sa kanyang mga mata na gusto ng lumabas ng mga luha niya.
"Sssh. Aral muna tayo bago yan, late na nga tayo oh. Mamaya ng lunch na natin pagusapan yan. Okay?"
Ewan ko pero feeling ko may gusto siya kay Tan. Kasi nung una sila nagkakilala halatang ang gaan na ng pakiramdam nila sa isa't isa. Nakuha ko pang ma-OP sa kanilang dalawa nun.
Pero sabi niya nagseselos daw siya pero kanino? Bigla na kong na curious kung sino tong guy na to.
Pagdating namin sa room hayun nagtuturo na ung prof. ang masama terror pa naman to sa mga late.
"Goodmorning ma'am'. Sorry we're late."
"WALANG GOOD SA MORNING! LATE KAYO! WALA KAYONG QUIZ!"
"Sorry ma'am late po ako"
May nagsalita sa likod ko. Napatigil ako bigla sa sumunod na nagsalita.
"Ako din po ma'am, sorry."
"WAG NA KAYONG MAGQUIZ. DYAN KAYO SA LABAS. KALAHATING ORAS KAYONG LATE. MAHIYA KAYO!"
Dapat pala hindi ko na lang pinasukan tong first subject akala ko kasi aabot ako ng 15 minutes late. Hindi pala.
Paglingon ko sa likod ko.
"Oh! Hi"
Nagulat ako kasi si Carlo? (yeah. tama Carlo!) late pati si T-tan.
"Hi, uhm ung keychain ko po?"
"Heto na"
Iaabot na sana niya sakin pero bigla niyang hindi inabot.
"Teka teka, ano muna ang pangalan mo?"
Hanggang dito ba naman? Gusto niyang malaman pangalan ko?
Tsss. Wala na ko magagawa kasi gusto ko na talaga mabalik sakin ung keychain.
"May ang pangalan ko."
"Ahh. Nice to meet you. Kaso ang panget ng meet up natin, late pa sa klase haha"
"Oo nga eh"
Tumawa na lang ako at syempre ugali kong ipakilala si Bea edi ipapakilala ko.
"Bea. Si Carlo"
"Carlo. Si Bea"
"N-nice to meet you C-carlo" utal utal na sabi ni Bea. Anong nangyari?
"Nice to meet you too"
"Ah nga pala, May. Ito na yung keychain mo. Naiwan mo nung isang araw."
Pero teka kanino naman niya nakuha phone number ko?
"Oy, tol! Bakit ka late?"
Biglang umakbay si Carol kay Tan. Ano ba talagang nangyayari? Bakit parang bagong salta lang ako sa school na ito? At ngayon ko lang napapansin ang mga nasa paligid?
"Girls, punta lang kaming canteen. See you later."
Nakita kong namula ang pisngi ni Bea. What the?!
"Bea, May gusto ka ba kay Carlo?" Sorry straight forward lang.
"W-wala ah! Tara at ikain na lang din natin tong badtrip natin"
--
"Bata, okay ka lang?"
Umiling ako kasi hindi naman ako okay eh.
"Hala? Bata yung paa mo dumudugo!"
Hindi ko na tiningnan kasi takot ako sa dugo. Ang sakit pa!
"Teka hahanap akong panggamot dyan dito ka lang ha!"
Tumango na lang ako. Nakaupo ako sa isang swing.
"Bata, bata walang ice cream pwedeng ito na lang?"
"Keychain?"
Tumango siya at ngimiti tapos lumuhod siya at ginamot yung sugat ko sa tuhod. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nagkakacrush ba ko? Pero hindi ko naman siya kilala.
Eh Elementary pa lang naman ako kaya hindi naman masama magkacrush.
BINABASA MO ANG
Whatever it takes
Novela JuvenilTheres a girl who wants a guy, but she doesn't know what to do when he is around. She take too many things to see this guy. - The love of hers.