Ailee pov
Pak!
"Aray naman! Huhuhu!" Napahawak ako sa parte ng ulo ko na tinamaan.
"Yan kasi kapag sobra ang kadaldalan mo Ailee." Iritang sagot mula sa likod ko, umikot ako at nagulat ako.
"Pathpath!" Bulalas ko.
Pula ang buhok niya pati ang mga mata niya ay nagliliyab sa apoy, buhok niya ay naka ponytail. She look fierce in her black clothes: black loose sweater, shorts and boots. Lahat ng materials ay gawa sa dahon at mga bulaklak.
Kagaya lang sa akin, naka asul na dress, heart shape tube sa pangitaas, sa ibaba ay pina-upside down ang style ng bulaklak. Tapos asul ang doll shoes ko at may fluff balls nilagay ko.
Umirap siya at ang mga kamay niya ay nasa bewang. "Ano naman ginawa mo na wala ako?"
"Ah Pathpath! Siya pala ang Mistress ko, tingnan mo oh! Dala ko pa ang mga bagahe niya." Tinuro ko siya kay master at pinakita ko sa kanya ang mga bagage ni Mistress sa kamay ko.
Dumikit ang mga kilay sa nakita niya sa aking dala. Ano naman Pathpath?
"Naman! Kailan kaba matututo Ailee! Baka nakalimutan mo ang ginawa nila sayo dati?" Sigaw niya sa akin sabay pagbatok niya sa akin.
"Aray!" Biglang bumalik sa akin ang mga nakakasakit na araw ang pag-serve ko kanila. Lahat ng mga lupit at sama nila sa akin naranasan ko, mga pasa at sugat ay nahilom na pero ramdam ko ang mga hapdi parang nandyan sila hindi kumukupas dahil pinapaalala sa akin kung gaano nahihirapan sa araw na iyon.
Buti pa sa mga araw na iyon, tumulong si Pathpath kahit inis na inis siya sa akin. Kahit gaano ka gaga ko, nandyan parin siya.
Paano niya natiis ng isang faerfly na katulad ko?
Pak!
"Aray naman eh!" Ang bayolente naman to ni Pathpath kahit kailan. Huhu! Kailan to titigil siya pambabatok sa akin? Bata pa kami ganyan na siya! Wah! "Bakit ka naman nanapak?" Sigaw ko sa kanya.
"Para matauhan ka sa ginagawa mo, tama na Ailee! Para kang sirang plaka!
Pabago bago ng master, pabago bago ng disgraya dumating sa yo!
Hindi kaba nagsawa sa ginawa mo?
My Dieu! Naawa na ako sa iyo Ailee, hindi kita pinagtangol pero araw-araw kita hinihilom ang mga sugat mo at araw-araw naman dumadating mga sugat mo!
Hindi ko kayang ituloy ito, pababayaan kita mapahamak sa bagong master mo!"
Napatigil ako sa kinatatayuan ko, lahat ng mga sinabi ni Pathpath at ang mga salita iyon ay tinutusok ang puso ko sa karayom, isa-isa.
Tumulo ang isang butil ng luha dumadaloy sa pisngi ko hangang sa mahulog sa lupa.
Alam ko na nagsasawa si Pathpath sa akin, nagpasalamat ako dahil kasama ko siya sa mga araw na iyon. Ngumisi ako at sabay sabi...
"Sure." Pathpath was taken back my reply, her fiery eyes were now widen at my response.
"What?" Gulat ang gumuhit sa mukha niya, parang hindi niya narinig ang sagot pero alam ko na narinig niya. Ayaw niya lang maniwala.
"You dont have to help me anymore, because..." Lumingon ako sa naghihikbing master. "She is different. Different than the others."
Tinitigan ko si Mistress bago ako lumingon kay Pathpath. Bumalik siya sa ordinayong sarili, ang pagkairita niya.
May hinagis siya sa akin at sinalo ko ito pagtingin ko sa hawak ko. "Special letter?" Tinignan ko ang kumikislap na lasong puti.
"Galing yan sa kanya kaya binigay ko sa iyo. Ikaw nalang pumasa sa head master." Tumalikod siya at lumipad siya ng palayo.
Tumalikod ako para asikasuhin si master pero may tumawag sa pangalan ko.
"Ailee!"
Lumingon ako, nandoon parin si Pathpath.
"Siguraduhin mo na yan ang mga sinasabi mo. Kung hindi, hindi ko mapipigilan ang sarili ko!" Seryoso siyang tumitig sa mga mata ko, mga salita niya ay walang halong biro ni isa lang.
Ngumisi nalang ako sa kanya.
"I will!"
~~~~~
Note: Ang dress ni Ailee ay kapareha sa kaibigan ni Tinkerbell, yung naka yellow na dress at black ang skin niya. Yung lower part lang.
Faerflies have the ability of their strenght, kaya may kasabihan na 'small but terrible'.
~~~~~