Ailee pov
"Danica Roulette Cereleum. Ang ganda ng pangalan ni Mistress, pang Ceredian!" Nagningningning ang mga mata ko matapos binasa ko ang pangalan ni master.
Kung sino ang magulang ni master, ang galing nila pumili ng pangalan!
Teka!
Nakalimutan ko si Mistress! Wahh!
Nandito na kami sa sidewalk malayo sa mga tao, may mga sasakyang ang iba naman ay nagsisiliparan.
Akala mo kotse at eroplano ang tinutukoy ko? Hindi, dito sa mundo ng Cerem sa halip ay mga kotse at ang mga naliliparan ng makanikal panlipad ay mga hayop ang aming transportasyon.
Mamaya nalang ako magdaldal.
Sa galaw ni Mistress Danica, hindi siya matitiis sa paglalakad niya at inaantok pa siya kahit umaga na ngayon. Ang wierd ni Mistress Danica noh?
Kailangan niya ng malambot na kama pero paano? Buhatin ko siya? Hindi, occupied na ang mga kamay ko.
Aha!
Binababa ko ang mga bagahe ni Mistress at pinikit ko ang mga mata ko.
I channel my daimōn mula sa dugo ko hanggang maramdaman ko na nasa sa mga ugat ko. Cool ang naramdaman ko na dumadaloy sa veins at patuloy ito lumalakbay sa mga braso ko hangang sa kamay.
I open my eyes and shouted:
"νεροσταλάκτης!"
Lumabas sa mga kamay ko ang dripper at hinayaan ko na lumaki ng lumaki hanggang sa tumigil ito paglaki at kasya doon si Mistress dahil walang tubig sa loob kagaya sa balloon.
Itong klaseng magic daimōn ay isang supportive magic, pwede sya maging transportasyon, tulugan at healing. Ang healing iyon ay kailangan punuin ang dripper ng tubig dahil ang tubig ang magpapagaling sa mga physical injuries.
Gagamitin ko ang water dripper ko upang matutulog si Mistress at pati mga bagahe niya, galing ko noh?
Dahan-dahan ko si Mistress Danica tinulak papasok sa loob at bumagsak siya sa loob. Ayun nakatulog ng mahimbing, napailing nalang ako.
Pagkatapos sinasama sa loob ang mga bagahe ni Mistress Danica ay lumipad ako sa ibabaw patungo sa direction ng eskwelahan, sumunod naman ang dripper ko sa likod ko.
Tinignan ko ang nasa kamay ko, ang special letter ni Mistress Danica. Hindi ko pa nabasa ang kabuuang kasulatan sa liham na ito. Pangalan ni Mistress Danica lang ang kumuha sa atensyon ko.
Nasasabik ako basahin ang kasulatan na iyon, kaya binasa ko ang nasa sulat.
Binasa ko ito hangang matapos ang kasulatan iyon, wala naman kahina-hinala sa kasulatan nito pwera lang sa isang mortal kagaya ni Mistress Danica na pumasok dito sa mundo, nakakagulat. Pero sa pagtingin ko sa sender ng liham ito ay napangsinghap ako sa gulat.
Paano!
~~~~~
daimōn - power, pangalan siguro ng Greek God
νεροσταλάκτης - water dripper~~~~~