Adriana's POVNandito lang ako. Hindi na ako makagalaw dahil sa narinig ko. Hindi ko akalain na yun pala ang tingin ni Andrea sakin. Para sakanya, isa lang akong malaking pagkakamali sa buhay niya.
Tumulo ang mga luha ko dahil patuloy pa din na nag-rereplay sa utak ko ang mga sinabi niya.
'I hope she disappears forever!'
'I hope she disappears forever!'
'I hope she disappears forever!'
Nakita ako ni Andrea na umiiyak pero nilagpasan niya lang ako at tsaka niya sinarado ng padabog ang pintuan ng kwarto niya. I can't believe her.
"Andrea? Okay ka lang?" kumatok ako sa kwarto niya upang tanungin siya kung okay lang ba ang kalagayan niya. Alam ko na sa nangyayari ngayon, dapat akong magalit sakanya pero hindi ko magawa. Mahal ko ang Kambal ko at kahit anong gawin niya sakin, hindi ko siya sasaktan. Kahit wala siyang pakialam sakin. Okay lang sakin yun. Ang mahalaga, nandito ako para sakanya.
Walang sumagot, pumasok ako ng tuluyan sa kwarto niya pero wala siya dun.
"Andrea? Sorry na, dahil sakin—"
"What are you doing here Adriana?"
"Kasi—"
"Get out!" sigaw niya sakin. "The door is open. Get out!"
Tatayo na sana ako pero nabangga ko ang shelves niya at dahilan na matumba ito at nagkalat sa sahig ang mga libro niya. Dali-dali ko namang pinulot ang mga ito pero pinigilan niya ako.
"Don't touch my books!"
"Teka, ako na ang mag-aayos neto."
"I said DON'T TOUCH MY BOOKS!! Can't you hear me Adri?! Look what you've done!" sigaw niya bago pinulot ang isang White na Libro. Isa ito sa paboritong libro na binabasa niya.
"Sorry. Sabi ko naman ako na ang—"
"YOU'RE SO ANNOYING! Pag sinabi kong HINDI! Hindi! Do you understand me?!" sigaw niya ulit sakin at akmang ibabato na niya sakin yung librong hawak niya pero hindi niya tinuloy. "GET OUT!"
Tuluyan na akongg tumakbo palabas ng kwarto niya papunta sa kwarto ko pero nakita ako ni Mama.
"Adri.. okay ka lang?" tanong niya sakin pero nakatingin pa rin ako sa baba. inipon ko lahat ng lakas ko para hindi lumuha sa harapan ni Mama.
"Hah? Ako? Okay lang ako nuh a-at inaantok na kasi ako eh kaya nagluluha mata ko. Sige ma, tulog na ako—"
"It's 10 in the morning. Matutulog ka?"
"Ganun ba? ahh hehe. Joke joke lang yun Ma. Magpapahangin lang pala ako sa labas. Sige po.." ghedd muntik na akong mabuking nun ah?
Dali-dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa may playground malapit dito sa bahay namin. Nandito lang naman sa loob ng Village. Umupo ako sa may bench habang tumintingin sa mga batang naglalaro. Sana bata nalang ako. Walang problema. Walang sakit na nararamdaman. Walang pake sa mga nangyayari sa paligid nila basta ang mahalaga, maging masaya at makapaglaro sila.
Then tears sneaks out of my eyes down to my cheeks. It's better to cry than to be angry because anger hurts others while tears flow silently through the soul and cleanses the heart..
BINABASA MO ANG
Twins but not the same
Teen FictionYes, We're twins with the same face but we're different from each other. Who will win the Love Race?