9: Another Encounter

85 19 1
                                    




Adriana's POV

Nandito pa rin ako sa Mall. Nasa grocery, wag kayong isturbo okay? Kasi mahihilo na ata ako kakaikot-ikot dito. At mamaya-maya may dalawang babae na staff ang lumapit sakin.


"M-maam Andrea? Kami na po bahala s-sa mga bibilhin niyo." sabi nung babaeng naka-eyeglass na maganda. Pero parang nauutal siya. Tapos Andrea pa yung tawag niya sakin. Nyahahaha. Siguro alam na nila ugali ng kambal ko kaya ayun, takot sila.


"Andrea? Naku, hindi ako si Andrea noh hehe." sabi ko sabay ngiti. "Ako na bahala dito. Then, tapusin niyo nalang yung ginagawa niyo kanina."


"P-po?" sabay na tanong nilang dalawa.


"Hahaha. Sige na, dun na kayo. Mukhang mas busy pa kayo kesa sakin eh. Bored naman ako sa bahay kaya ako na bahala dito Ate. Hehe" sabi ko ulit. Kaya umalis na silang dalawa. Nagbubulongan pa nga sila eh pero naririnig ko naman.


'gaga ka ba? gusto mo bang pagalitan tayo?!'

'bigla atang bumait si Maam Andrea. Diba always nakabusangot yun tapos ang scary niya.'

'Tanga! Kambal niya yung Ariana? Ariana ba yun?'

'Adriana.'

'Oo tama, Adriana. Kambal niya yun di mo alam? Nasa museum ng mall kaya yung malaking family picture nila. Dalawa nga sila eh tapos ang ganda.'

'Maganda nga. Buti naman at hindi nagmana kay Maam Andrea yung ugali nung isa. Mas bet ko yun nakaharap natin ngayon eh. Mabait.'


Tingnan nuyo. Napagkamalan akong Andrea. Haha.


***

at matapos yun, pumila na ako sa may Counter. Ang dami ngang tao eh. Ewan ko lang kung bakit nagsisikipan eh 20 Counters naman yung nandito tapos nag-hire pa si Dad ng mga 30 cashiers. Pero, yung iba absent. Tss. Sayang naman.


"Aray shet! boyshet! Bobo!" napahawak naman ako sa likod ng paa ko ng may cart na bumangga neto. Sakit nun ah! At paglingon ko, nakita ko ulit si Lighsaber.


"Ikaw nanaman?!" sigaw ko sakanya.


"What? Are you following me?" tanong niya sakin. Sapak ba siya? Siya nga tung nasa likod ko eh tapos ako yung nag-follow follow sakanya? Galing ah


"Hindi tayo talo! for more information. Hindi kita sinusundan. Ikaw nga ata tung sunod ng sunod sakin eh!" for more information? Di ba 'your' 'yun? Ay ewan.



"What?? Just to let you know, you're not my type of woman." Ouch! Sakit nun, tagos sa likod ko yun ah.


"Tapos? Hindi rin kita type of woman noh! este GUY!" sabi ko, kaya tiningnan niya ako ng masama. "Guy! Yun yun noh! Guy yung sinabi ko woy!" dugtong ko.


***

matapos yun, natapos yung kalbaryo ng buhay ko. Hindi ko na kinausap si Lightsaber. Bahala nga siya dyan! Ewan ko sakanya, lakas ng sapak nun sa ulo eh.

Tapos pumunta ako sa may store dito sa Mall. Sa MUMUSO. nyahaha


(Favorite korean store ko yan. Yieee hahahaha)


Tapos nag-tingin tingin ako dun sa may Pillows. Ang kyuttt. Tapos bumili ako ng mga gusto ko. Aba syempre, nandito na ako. Sayang naman.


At nagtingin-tingin ako ng mga blanket. Just to bring heat to mah body lol. Kasi ang ginaw ng aircon ko haha. Pero ang pinas hindi pa rin nag-iisnow.


"Yah, i also know something that can bring heat to your body." at napalingon naman ako sa may gilid. At NAKU NAKU nandito ulit siya. Yung totoo? sinusundan niya at ako eh.


"Excuse me, ako kausap mo?" tanong ko sakanya kaya tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay at tinuro niya pa yung cellphone niya at nilagay ulit sa tenga niya.


"Yes Alice, i will buy you a blanket. But it will be better if you tell mom to buy you some there in Canada.. Yah, you can use it here when you arrived here in Philippines.. Yuh i know, a blanket with a barbie shit." at tiningnan niya ako ulit at inirapan bago ako iniwan at nilagpasan. Luhh pahiya ako doon ah. EH BAKIT PA KASI SULPOT SIYA NG SULPOT KUNG NASAAN AKO? LAKAS TALAGA NG SAPAK NIYA EH NOH?!


Kung noon ang bait niya, ngayon naman ang arte. Hay ewan! Bipolar eh.


***


At heto nanaman, nagpipila na ulit. At ang tagal talaga. Pwede naman kasi akong sumingit kasi nga mag-ari ako ng mall este anak ng may-ari haha. Kaso feeling ko unfair yun sa iba. So maghihintay akooooo.


At nabangga ako ng isang lalaki na biglang sumingit sa harap ko na may dalang basket. Uy kapal ng muk—


"Excuse me, but please fall in line prop— Oy Lighsaber, Jusme ikaw nanaman?!" sigaw ko sakanya. Ngayon sumusulpot na talaga siya kahit saan eh!


"First of all, wait for your turn" sabi niya bago ako inirapan. Gaga talaga! Ako nauna eh!


"Eh ako yung nauna dito" sabi ko. "Pero sige, LADIES FIRST." dugtong ko ulit. Hindi ko talaga maisip na bakla siya eh kasi mukha namn siyang lalaki. Pero kung totoong lalaki siya. Madami siyang babae na mapapaiyak at kung bakla mn siya, marami pa rin siyang babae na mapapaiyak at LALAKI din. Yeahh Slay them behhh very mats


"Stop staring at me." sabi niya pa.


"Hoy Lightsaber wag ka—"


"Alexander." sabi niya. Eh sa nasanay na nga ako diva diva?? "Do you want me to cut you into half using a Lighsaber?"


Jusme, naalala ko tuloy yung kanta ng EXO na lightsaber hahaha.


(Nasa gilid yung song ————-> )



(Favorite song ko yan ng Exo beh hahaha. Kasunod nung LUCKY.)


"Am i some kind of weapon to you?" tanong niya ulit.


"Kala ko ba yun yung pangalan mo."


"Are you deaf?"


"Hindi ako deaf! Maganda ako." sabi ko pero tinalikuran niya lang ako at nagbayad na sa cashier. Hay ewan ko sakanya.


***

At nung makalabas na ako, dinala ko na sa kotse ko lahat ng mga pinamili ko.

"Are you okay?" tanong niya sakin nung bigla siyang sumulpot ulit sa may gilid ko. Wow, ang bait. Bipolar talaga. At saan naman siya galing aber?


"Okay lang ako. Ang arte mo kanina huh. Teka nga, diba galing ka sa Snowland este Canada? Bakit mo ako naiintindihan?" tanong ko. Curious lang. Diba sabi niya dun siya lumaki.


"Cuz my mom is A filipino and my dad is a Half Canadian half Korean." sagot niya.


"Ganern? Sino ba magulang mo?"


"It's impossible for you not to know them. You already meet my dad. And as for my mom.." at tinuro niya yung billboard na malaki sa labas at nakita ko ang mukha ng CEO ng isang Gaming Company na si Maica.. nakalimutan ko surname niya eh.



"Huh?" sabi ko ng iniwan niya ako at umalis na siya. Kaya palipat-lipat naman ako ng tingin sa pagmumukha niya at dun sa billboard. "Huh?!!"


Anak siya.. ng Billboard?

Twins but not the same Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon