6: They're here

96 17 6
                                    



My bb Seyoung ❤️ 👆 as Ashily Evans

_________________________________________

Adriana's POV

shutang inerns?! Anong ginagawa ng sis ko dito sa paaralan namin?! Myghad! Baket dito pa? Baka mag-away nanaman sina Andrea niyan. Napatingin naman ako kay Andrea ng makita niya si Lightsaber. Pero parang wala lang sakanya.

"Hi, I'm Alexander Alonzo. I came from Toronto, Canada." at nagpalakpakan naman yung mga kaklase.

"Ang gwapo, nakakabakla." bulong ni Rence sakin.

"Anong gwapo? Halata namang mas gwapo pa ako kesa dyan. Tanga!" sigaw ni Mark kay Rence sabay batok. Duh, ewan ko sakanila.

"Libreng mangarap kaya lubos-lubosin mo na habang may oras ka pa~~ Aaaaaaaammmeeennn." sabi ni Lance kaya napalingon naman kami sakanya sa may likuran kaya tiningnan siya ni Mark ng masama.


"Ganun? At kelan ka pa naging pari?! Tumahimik ka, hihilain ko yang nguso mo!" threat ni Mark sakanya.


"Maam, where do i sit?" tanong ni Lightsaber kay Maam.


"Hoy pogi na kamukha ko! Dito ka umupo! Tabi tayo!" epal ni Mark .


"Yeah, please sit beside Mark." at umupo naman si Lightsaber sa tabi ni Mark. At pag-upo niya, napatingin naman siya sakin.


"Nice nice! Nice to meet you pogi na kamukha ko! Ako si Mark Lee! Kalimutan mo na pangalan ko basta wag lang ang poging mukha ko. *wink*" yuck. Ang clingy ni Mark! Hindi nahiya!


"Ako si Lawrence Chen. Mahilig magbasa ng libro."


"And ako siiiii, Lance Charlotte Valenciano. And ofcourse hindi pwedeng kalimutan ang nag-iisang dyosa ng kababalaghan este dyosa ng ewan sa barkada namin, Adriana Mackenzie Amorcillo."




"It's you again." turo niya sakin. Naks, gondooo naalala niya ako kala ko may Anterograde amnesia tung lalaking to eh.


"Oo siya nga este, magkakilala kayo?" tanong ni Lance.






***

"Hoy Drian! Kilala mo yung Alexander na yun?" tanong ni Lance sakin habang nandito kami nakatambay sa may bleacher habang naglalaro si Mark ng Basketball at si Rence naman ay nagbabasa ng Libro.


"Huh? Ahh yun? Hindi masyado. Pero nagkita na ata sila ni Andrea nung nasa Canada kami eh." sabi ko.



"Hala! Baka boyprend yun ni Andrea noh? Hoy MARK! Yung beyb mo may iba na!" sigaw ni Lance haha. Kasi naman, crush kasi ni Mark si Andrea simula bata pa kami eh.


"Sino?! Bugbugin natin!" sigaw niya nung napatigil siya sa paglalaro.


"Tumahimik nga kayo! Kita niyo namang nagbabasa pa ako eh!" sigaw ni Rence.


"Tsk. Lance! Gusto mo?" tanong ni Mark kay Lance sabay turo sa bola.


"Sige ba! Tandang Rence! tara!" sabi ni Lance bago hinawakan ang buhok ni Rence at hinila paalis dun sa kinauupuan niya kanina.

at naiwan akong nakaupo dito. Tsk. Wala ako sa mood para makipag-laro sakanila noh. At napalingon naman ako sa taong tumabi sakin. Eyy, si Sis este si Lightsaber.



Twins but not the same Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon