17: Andrea's crush

52 19 0
                                    




Adriana's POV

"ATE!! penge pa ngang pishball!" sigaw ni Lance habang nandito kami sa tapat ng school tumatambay dahil vacant ngayon.


"Kain ka lang! Ikaw magbabayad ah" sabi ni Rence kaya tumigil sa pagkain si Lance.


"Ate Joke lang yun. Kunin mo nalang sa sikmura ko lahat ng kinain ko." -Lance.


"Kain ka ng kain wala ka naman palang pambayad ulol!" sabi ni Mark bago binatukan si Lance.


"Gahnun bha?! Phalushot ka ng phalusot wala ka rin namang fambayad eh! GUNGGONG!!" sigaw ni Lance kay Mark.


"Libre mag shower Lance!" sigaw ni Rence kay Lance dahil tumatalsik yung laway niya hahaha.



"Hi WENDY!" sigaw ko ng makita ko si Wendy na naglalakad galing sa garden. Kaya tumingin sina Lance sakin.


"Ano sa tingin niyo? Mauuto niyo kong nandito yung Gagang yun? Tsk! WAG AKO! Alam ko namang patay na patay pa rin sakin yung gagang yon eh!" sigaw ni Lance samin habang nasa likuran niya lang si Wendy.


"GANUN BA? PUNYETA KANG KINGINA KA GAGO! IPAPAALAM KO LANG SAYO AH! HINDI KITA GUSTO! GUSTO MO BANG LASUNIN KITA ULIT HA?!" sigaw ni Wendy sakanya.


"JOSMEYO JONGINA KA RIN GAGA KA! AMININ MO NA KASING CRUSH NA CRUSH MO PA AKO! DIBA DIBA? NANDITO KA MALAMANG SINUSUNDAN MO 'KO! FHALUSHOT KA PA! SIPAIN KO YANG ILONG MO EH!" sigaw pabalik ni Lance at halatang pikon na pikon na si Wendy.



"SIGE! SIPAIN MO! TINGNAN NATIN KONG SAN AABOT YANG KAYABANGAN MONG GAGO KA! LALASUNIN TALAGA KITA! MAKIKITA MO!"


"HOOO! IF I KNOW! GAYUMA ANG ILALAGAY MO! DI LASON! SUSS PAPLAYING HARD TO GET KAPA. DI NAMAN BAGAY SA 'YO!"



"Hoy gonggong meron akong bugtong anong kulay bagoong ang nagsusuot ng purontong at sa sobrang hirap walang ibang makain kundi kakaunting galunggong? Sirit ka na ba tyong? oops meron pa palang kadugtong alyas taong tutong na nanggugulpi ng kalabaw kapag tinatamaan ng sumpong" sabi ni Wendy kay Lance kaga napa ohhh naman kami.



"Nice nice. Marunong ka din pala sa mga ganyan? tsk. Bilib na kayo no?" sabi ni Lance at humarap samin. "Alam mo ba dito sasapitin mo mapait" at hinarap niya saglit si Wendy at binalik ulit ang tingin samin "Si Wendy mukha tong inosente pero d to mabait kaya ung ganyang itsura may kalalagyan sakin, sakin mo lang iharap ang camera baka sa kanya basag yan"



"OHHHHHHH!! WENDY! TALO KA!!!" sigaw ni Mark.



"LAKOMPAKE! MAKAALIS NGA! Nakakasira ng araw mga mukha niyo Punyemas! Bye Adri! Sasusunod nalang tayo mag-usap." sabi ni Wendy bago umalis at ngumiti sakin bago irapan sina Lance. " Kapag wala na ang mga KUPAL na yan!"



"HAHAHHAHAHAHA pikonin pala ex mo eh!" sabi ko.


"Talaga, pag-nakita mo pagmumukha ni Lance. Hindi ba nakakapikon? HAHA" pang-aasar ni Rence at nag-apir pa kaming tatlo.


"HAHAHAHA! Akalain mo, makakaaway mo ex mo HAHAHA!" sabat ni Mark.


"Sus, crush lang ako nun eh." sabi ni Lance bago tinuloy ang pagkain. "Uyy HI ANDREA!!" bati ni Lance kaya agad namang lumingon si Mark at hinanap si Andrea.



"Ang pangit mo na nga. Uto-uto ka pa! HAHAHAHAHAHAHAHAH" sabi ni Lance.



*PAK!*


Haha. Binatukan ba naman ni Mark.


"Tinamaan talaga eh!" sabi ni Rence kaya sumang-ayon ako


Twins but not the same Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon