Chapter 1

3.3K 34 0
                                    

What a bad day?!

Jenna's POV

"Are you ok?" 

Iyon ang una kong tanong sa kanya. Nakatulala siya sa akin. Namesmerize sa akin. Mukha siyang weird. Kung anu-ano ang nakasabit sa katawan. Para itong tindahan ng ng mga accessories sa dami ng mga nakasbit. Sa leeg, sa braso, sa beywang pati sa tenga at ilong may nakabit din.

'Bago ka rito?" tanong naman niya habang iba ang pagkakatingin sa akin. 

So i just answer kahit naiilang ako sa kaharap ko "Yup,! Im looking for..."

"Me?" dugtong niya sa sinasabi ko ng ngiting-ngiti habang nakatitig sa mga mata ko.

Lakas ng tama ng lokomg ito ha! " Excuse me?" mataray naman na sagot ko. "At bakit naman kita hahanapin? Sino ka para hanapin ko?" first day of school tapos ganito na agad. Nakakasira ng araw ha. " Can you please get out of my way!" 

"You know, you are beautiful lalo na sa malapitan," sabi niya bago ako tuluyang makalayo sa pagtalikod ko. " Pero sana hindi ka na lang tumalikod kasi nakakaturn off pala. May naupuan ka yatang gum nakadikit na skirt mo." sabi niyang natatawa.

Hindi ko na nakuhang harapin pa siya. Hinanap ko ang pinakamalapit na rest room at ng makita ko ang sign ay agad akong pumasok. Good thing walang tao sa loob, madali akong pumasok sa cubicle. Agad kong pinihit paharap ang suot kong palda. I feel adrenaline goes to my vien. Gusto ko siyang balikan at kung hindi pa siya nakakaalis sa kinatatayuan niya sigurado ibabaon ko siya ng buhay doon. Wala namang mark ng kahit ano sa skirt ko. Napagtripan ako ng lokong yon ha! Agad akong lumabas ng cubicle at lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon.

"Shit! bakit may babae rito?!" sigaw ng isang lalaki pagkakita sa akin. Napalingon naman ang iba pang naroron sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at walang najingle ng mga oras na yon.

"Sorry, akala ko rest room for girls," at dali dali akong lumabas. Hiyang-hiya. Kahit hindi ako tumingin sa salamin alam ko namumuula ako. Pulang-pula sa kahihiyan.

Narinig ko pang nagtatawanan ang mga lalaki sa rest room paglabas ko. its my first day here at ito na yata ang pinakamalas na araw sa buhay ko. Pinakamalas ng dahil sa lokong 'yon!

Hinanap ko ang room for my first subject. Room 203, Ms. Reyes. MATH. Nang makita ko ang room sinilip ko muna kung may tao na wala kasi akong naririnig na ingay. Nakita ko ang isang matandang babaeng nakatayo sa harap ng klase. Nakafold ang braso nito sa dibdib. Unang pumasok sa isip ko terror ang teacher na ito. 8:00am ang simula ng klase 8:05 na late na ako ng 5minutes. Hindi ko alam kung paano ako papasok.

"is everybody in?" tanong niya habang naglalakad sa gitna hinahanap kung may bakante pang upuan.

Walang sumagot.

Huminto siya sa paglalakad at muling nagtanong. This time mas malakas "I asked, if everybody in?!"

Muli, wala pa ding sumagot.

"Good were complete. Mabuti naman. Ayoko ng late sa klase ko," mahinahon na niyang sabi at sumandal sa mesa ng nasa gitna at sinimulang buksan ang librong hawak.

Lagot na. First day late na agad sa klase. Marahan akong kumatok sa pinto, kinakabahan ngunit hindi nagpahalata kunwari walang narinig at pumasok. Bahala na.

"Good morning Ma'am. Are you Miss Gina Reyes?" tanong ko. Ilang segundo ang lumipas bago siya lumapit sa akin at tiningnan ako na parang kinikilatis ang pagkatao ko.

"In what  room are you in right now?"

"Room 203," ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin ng mga oras na iyon.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon