Chapter 3

1.5K 30 0
                                    

 LIFE!

"Jenna! Jenna!" tawag ni Mama.

"Kumain ka ng hapunan, anong oras na?" patuloy pa niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Ginising ako ni Mama habang nasa kalagitnaan ako ng aking panaginip. Na naglahong bigla. Nawalang parang bula ang lahat ng pinapanaginipan ko. Sino ba ang taong yon at bakit iba ang nararamdaman ko? Well, I don't believe in fantasy! kaya bumangon na ako at kumain.

Naging normal na ang lahat sa University. ang ayoko lang ay ang first subject namin. Math. Bukod sa ayoko ng teacher katabi ko pa s upuan si Reene. Una subject sa umaga Math na agad. Nakakawalang gana tuloy kung magisismula ang araw mo ng ganito. Lahat ng ayaw mo nagsama-sama pa.

"Jenna, could you solve the problem at the board?"

Sino kaya ang napaginipan ko?

"Jenna," muling tawag ni Ma'am. Kinalabit ako ni Reene, kinuha niya ang atensyon ko. Nasa ibang lugar ang isip ko ng mga oras na 'yon.

"May pinapasolve na problem sa iyo si Ma'am,"

'Yes Ma'am,"

"Then, come in front,"

Ha?! Ano raw? nakatanga ako kanya.

Palihim na inilapit ni Reene ang upuan sa akin at bumulong...

"Solve mo raw ang problem sa board."

"Reene, do you have something in your mind that you want to share for the rest of the class." 

Bago pa mapag-initn ni Ma'am si Reene ay tumayo n ako at pinuntahan ang Math problem na nasa board. Hindi sa pagmamayabang, pero hindi ako bano pagdating sa Maht. Nagkataon lang ayaw ko ng teacher ko ngayon kaya tinatamad ako sa subject na ito ngayon.

Walang kahirap-hirap tinapos ko wala pang tatlong minuto ang problem at pagkatapos ay bumalik sa upuan ko.

"Wow," narinig ko pang sabi ni Reene pagkaupo ko.

Naging normal naman ang takbo ng maghapon ko.

Sa wakas last subject na for the day. Makakauwi na rin.

Kung bakit ba naman sa dinami-damii ng puwedeng ipahanap ay totoong kasiyahan pa ang gustong ipahanap sa amin ni Ma'am, Saan daw ba matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Ilang tao na ba ang naghanap nito? At bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan? 

"Matatagpuan ang tunay na kaligayahan sa sarili natin. Kung tatanggain natin ang lahat ng nangyayari sa paligid natin, sa ating sarili makikita natin ito. We should stop asking why because life is matter of acceptance." sabi ko.

Natahimik ng lahat ng magsalita si Reene.

"Tatanggapin mo ba ang mga bagay-bagay kahit ito na ang dahilan ng paghihirap mo?" tanong n Reene ng tumingin ako sa kanya.

"Life is not a matter of acceptance Jenna! Pagtinanggap mo lang ng tinanggap ang mga bagay na nagyayari, you're only digging your own grave of misery."

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero makikita sa kanyang mata ang galit nito sa buhay.

"Do not blame life  kung hindi mo gusto ang kung ano man ang nangyayari sa iyo ngayon. Dapat tanungin mo ang sarili mo kung tamang landas ba ang tinatahak mo. Nakadepende ang buuhay natin kung paano natin ito patatakbuhin, so if I were you i'll drive my llife on the right way," sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

 Wala ng ibang nagsalita pa maliban sa aming teacher.

"Pareho kayong may punto.Walang tama o maling sagot sa tanong, dahil walang kahit sino ang magsasabi kung ano ang kailngan natin para maging masaya. Magkakaiba tayo ng pananaw sa buhay."

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon