Chapter 7

1K 20 0
                                    

MEETING THE BOUNDARY

Ang masilayan si Jenna sa huling sandali ang pinakamagandang bagay na nakita ng aking mga mata. Sa kanyang pag alis ay binuksan ko ang sulat na kanyang ibinigay sa akin.

"Reene,

 "I just want you t know that I love you. At sa iyong pag alis gusto kong malaman mo na tanggap ko na ang desisyon mo. Alam kong ang pag alis mo ang iyong ikakasiya. Gusto ko lang tandaan mo na hindi ka na mawawala dito sa puso ko. Permanente ka ng maninirahan dito. Kung saan ka man naroon gusto kong maging masaya ka. At palagi mong tatandaan na Mahal na mahal kita.

Jenna"

Ang akala niya nakaalis na ako. Naging magaan ang pakiramdam ko ng mabasa ang sulat ni Jenna. Dumulas sa aking mga kamay ang sulat. Pinikit ko ang aking mga mata. Binalot ng dilim ang buong paligid. And I'm ready to take my journey now, beyond boundary.

Pinulot ni Karen ang sulat na nahulog. Ang akala niya ay nagpapahinga na ang kanyang pasyente. Hindi sinasadyang nabasa niya ang nakasualat.  Muli niyang sinulyapan ang walang malay na si Reene. Makalipas ang ilang minutong pagmamasid sa pasyente ay tumulo na rin ang luha sa mata ni Karen at dali dali niyang tinawag ang Mama nito.

  

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon