Chapter 8

1.1K 22 1
                                    

ACCEPTANCE

Dumating na araw na kinatatakutan ko.

Heto nanaman ako at nakaratay muli sa aking higaan. Ang kung anu ano nanamang makina at tubo  na naka connect sa aking katawan ang muling tumutulong upang ako ay mabuhay. 

"Anak, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Mama na alam kong hindi umaalis sa aking tabi.

Ano ba ang pakiramdam nag isang inang nakikita ang anak na nasa ganitong sitwasyon? Napakatatag niya, dahil sa kabila ng lahat hindi niya ipinakita sa akin ang sakit na alam kong nararamdaman ni Mama.

Nginitian ko siya. Ito na lang ang maari kong iganti sa lahat ng paghihirap niya para sa akin. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Dati lagi akong nagtatanong kung bakit ako nagkaganito? Ano ba ang malaki kong kasalanan para pahirapan ako ng ganito? Bakit ako? Bakit mo kailangan mahirapan ng ganito Ma? Bakit mo pa ako isinilang kung sakit lang din lamang ang ibibgay ko sa inyo ni Papa?"

"Reene you was born to make us happy. Ikaw ang kumumpleto sa amin ng Papa mo."

"I was born to make you happy and hurt you the same time Ma, I was born to give pain to all the people I love. Ikaw. Si Papa. Si Gene. Si Jenna.

"No, dont say that," malumanay niyang sabi sa akin. "Akala mo lang yan kasi hindi mo pa natatanggap ang lahat. Once you have learn to accept it, doon ka pa lang mapapanatag."

"Tama nga si Jenna Ma, I should not blame life. Im sorry Ma," at muli nanamang tumulo ang aking luha. Niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

"Yes, she is right. You sholdn't blame life for whatever is happening right now. Everything do happen for a reason. Sa ngayon ang dapat mong gawin ay magpagaling. Ang magpalakas. "

"Ma, paano kung hindi na ako manalo sa laban ko ngayon? Ma, pagod na ako. Parang ayoko na. Gusto ko ng sumuko."

"Subukan mo," isang pamilyar na boses ang aking narinig. 'magagalit ako sa iyo pagsumuko ka. gusto mo ba iyon?"

"Jenna..."

"Ako nga. Bakit ano akala mo? Hindi kita dadamayan? Kaya subukan mo lang magpatalo sa labang ito at makikita mo kung paano ako magalit."

"May sakit na nga ako tinatarayan mo pa ako?"

"Hindi kita tinatarayan. Niliinaw ko lang sa iyo na hindi ka pwedeng magpalo sa labang ito. Marami kaming nagmamahal sayo na handang tumulong para malagpasan mo ang lahat ng ito. "

Sumenyas si Mama kay Jenna na lumapit at tumabi sa akin. Nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumampi sa aking kamay ay may kakaiba akong naramdaman. May parang kuryenteng dumaloy na gumising sa pag aasam ko na lumaban.

"Jenna, maiwan na muna kita. Ipaghahanda ko kayo ng hapunan. Sabayan na kayong kumain dito," yun lang at iniwan na kami ni Mama.

"Ano ang ginagawa mo dito?" unang tanong ko ng maiwan kaming dalawa sa kuwarto.

"Dinadalaw ka. Hindi rin naman ako mapapakali kung nasa bahay ako. Ikaw din ang iisipin ko kaya bumalik ako. Nagpaalam na rin ako kay Mama just incase na gabihin ako ng uwi."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo ako dinadalaw?"

"Ano ba namang tanong 'yan? May sakit ka kaya kita dinalaw."

"Jenna hindi mo kailangang gawin ito. Kung naaawa ka lang sa..."

"Sino naman nagsaing naaawa ako kaya ako narito ngayon? Reene, narito ako kasi nag-aalala ako sa'yo. H'wag ka ng magtanong kung bakit dahil nasabi ko na lahat sa sulat, yun ay kung binasa mo."

"Kahit na ngayon alam mo na ang tunay na dahilan."

"I still feel the same way. Now, mas naiintindihan ko na kung bakit ganon ang pananaw mo. Dati naguguluhan ako sayo kung bakit ganon ang tingin mo sa buhay, but now I get it."

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo."

"Hindi mo kailangan mag apologize. Naiintindihan ko naman."

"Thanks."

"Just promise me one thing Reene,"

"Ano?"

"Lalaban ka. Ang you will win this battle."

Hindi ko alam kung kaya ko. Oo kaya kong luban. Pero ang manalo sa laban ay hindi ko alam. Mahirap. Mahirap kalaban ang puso. 

"HIndi kami aalis sa tabi mo. Tutulungan ka namin sa labang ito. Hindi ka namin iiwan. Hindi kita iiwan," dugtong pa ni Jenna ng mapansin niyang may pag aalinlangan ako kung kaya ko bang ipanalo ang laban na ito.

"Alam mo ba na may nagsabi na ng ganyan sa akin noon. Pero iniwan din niya ako."

"Reene, hindi ako siya.Just promise me na lalaban ka."

Hindi na ako nagsalita. Tumango lang ako. Matagala na panahon na ngunit may sakit pa rin akong nararamdaman sa tuwing naaalala ko ang panahon na iyon.

Kasalanan ko rin naman kung bakit niya ako iniwan. Ako rin ang nagtulak sa kanya na umalis. Dahil ayoko na matali siya sa akin na hindi sigurado kung kaya pang mabuhay ng mga oras na iyon. 

Buhat ng araw na lumayo si Gene hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikkita. Hindi pa nag uusap. Minsan tuloy naiisip ko kung naaalala nya pa rin ba ako. Dahil hindi siya nawala sa isip ko. Nang dumating na lang si Jenna saka lang siya unti-unting nawala sa isip ko.

Ayokong mangyari sa Jenna ang nangyari sa amin ni Gene. Na baka pag ipingtabuyan ko si Jenna ay hindi ko na rin siya makita. Sa ngayon isa si Jenna sa nagbibigay sa akin ng pag asa. 

Sa mga oras ding iyon ay nabuo na nag desisyon ko. isipin man nila na makasarili ako sa mga oras na ito wala na ako pakialam. Diba sila na rin naman ang nagsabi na gawin ko kung ano ang sa palagay ko na makapagpapaligaya sa akin.

"Jenna, 'bout sa letter mo," simula ko. "I feel the same way toward you. And yes, natakot ako dahil ayokong makasit kaya pinigil ko ang nararamdaman ko. Kahit alam ko na hindi makakabuti 'yon para sa akin."

"Shhhh...." awat niya sa akin. "Alam ko yon. Hindi mo kailangang sabihin dahil nararamdama ko." at lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang matagal ko ng gustong sabihin, hindi na mahalaga sa akin kung ano ang isasagot niya . Ang mahalaga sa mga oras na ito na maipalalam ko sa kanya ang aking nararamdaman habang may oras pa.

"I love you, Jenna."

"I love you too, Reene."

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon