CANDLE
Ilana araw pa ang lumipas at hindi pa rin pumapasok si Reena. Hindi alam ng mga classmate ko kung saan nakatira si Reena. Walang nakakaalam. Kasi naman loner siya. May sariling mundo ba. Sinubukan ko na ring itanong sa school ang address niya kaso ayaw naman nilang magbigay ng imformation. Kakainis talaga. Sobra na akong nag aalala sa kanya. Sa tuwing tinatanong nila ako kung bakit ko kinukuha, wala naman akong maibigay na maayos na rason, mas lalo na kapag tinatanong nila ako kung kaanu-ano ko ba si Reena. Bakit? Hindi ba pwedeng alamin ng kaibigan kung saan nakatira ang kaibigan nila? Sabagay naiisip ko rin, kung friend kayo dapat alam mo kung saan ito nakatira.
Hindi kumpleto ang araw ko sa klase pag wala siya. Tinatamad akong pumasok! Nakakawalang gana! Minsan nga parang nagiging loner na rin ako. Naaalala ko yung mga kakulitan niya, na kapag inaantok ako sa klase eh binabato niya ako ng papel. Sa mukha pa ha! Ako naman tatapakan ko ang paa niya para makaganti. Siguro ng may iba na akong nararamdaman sa kanya. Pero hindi ko alam kung ano naman ang tingin niya sa akin. Mahirap lumugar sa buhay ng isang tao kung hindi mo alma kung saan ka niya inilugar.
Ngayonlang ako nakaramdam ng ganito. Mahal ko na yata siya. Gusto ko na siyang makita. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman. Wala akong pakialam kung ako ang magsabi. Falling inlove with her is the thing i did not expected and loving her is the thing I could not stop.
"Ma'am, excuse me po," lahat kami ay napalingon sa pinaggalingan ng boses. Sa pinto. Isang babae ang bumungad sa sa amin. ang mga klasemate kong lalaki ay agad nagbulungan. May iba pa nga na napasipol. Ang ganda ng babaeng nakaputi na bagong dating.
"Yan yata ang girlfriend ni Reena," narinig ko pang bulong ng katabi ko sa katabi niya.
"Ganda pare! Silent killer pala itong Reena," sagot naman ng isa.
Nangmarinig ko yun parang nagpantig ang tenga ko. Hindi ko mapigilan na hindi sumabat sa kanila "Pano naman kayp nakakasiguro na girlfriend nga yan ni Reena? Bakit sinabi nya ba inyo? Anong malay nyo kapatid, pinsan, kaibigan or kaya naman malayong kamag anak. At isa pa hindi naman siya masyadong maganda."
Sumagot ang kaklase ko na tumayo at lumapit pa sa akin "Eh, bakit parang galit ka? Nagseselos ka ba? Syota ka ba ni Reena? Kayo na ba?" tanong niya na ginaya pa ang pananalita ko. natameme tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Lalo pa kong naubusan ng sasabihin ng makita ko ang babae na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, maya maya ay ngumiti siya sa akin. Hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti kundi isang tingin na parang nagtatanong kung kilala ba kita ang ang binalik ko sa kanya. Nagkakantiyawan na sa loob ng klase, kaya naman inalok ni Ma'am na sa faculty na nila ituloy ang kanilang usapan.. Himala at hindi nagalit si Ma'am kahit na ang lahat ng lalaki ay umaarte na parnag inuubo at may sakit..
"Ma'am, masama po pakiramdam ko, maari po bang magpatingin sa bisita nyo?"
"Tirador pala ng Nursing student si Reena." hirit naman ng isa ng makaalis sina Ma'am at ang bisita nito.
Habang nagkakasiyahan sila, ako naman ay parang kandila na nauupos sa kinauupuan ko.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Ma'am, hindi na nito kasama ang bisita.
"Ma'am, ano po ang nagyari sa inyo?" tanong ng isa naming kaklase na sa bandang unahan nakupo.
Habang pinupunasan ni Ma'am ang kanyang salamin ay sumagot ito, "Ah, wala napuwing lang ako sa labas', ang iba ay nagtawan at ang iba naman ay nagbulungan nanaman.
"Kaya pala mapula ang mata nyo Ma'am".
"By the way clss Reena Serano will not attend my class anymore. Kinuha na siya ng parents niya sa ibang bansa. Don na raw itutuloy ni Reena ang study niya. Which is good for her." yun lang at binallikan na ulit ang naputol na klase ng may dumating.
![](https://img.wattpad.com/cover/1561134-288-k507705.jpg)