Chapter 4

1.4K 25 1
                                    

EVERYTHING IS A LIE

Sa paglipas ng mga araw ay lalong napalapit ang loob ko kay Reene. Marami akong gustong itanong sa kanya, hibdi ko lang alam kung paano ko sisimulan. Kapag kasama ko siya nawawala ang mga worries ko. Masaya ako kapag magkasama kami. At dahil sa kakaisip ko sa kanya heto at tinanghali ako ng gising.

AYOKONG MAGSUMMER CLASS!

Dali-dali akong umalis ng bahay. Hindi ko alam kung nanadya ba ang panahon o ano. Umalis ako ng bahay maganda ang sikat ng araw, hindi alam kung may galit ba sa akin ang mundo dahil pagdating ko sa univ ay biglang nagdilim ang kalangitan at biglang buhos ng malakas ng ulan.

Parang gusto kong sabayan ng pag-iyak ang buhos ng ulan. Hindi ko alam kung paano ako makakarating sa una naming klase wala pa naman akong dalang payong. Wala ring dumadaang sasakyan. Siguradong mala-late ako kung maghinhintay ako ng masasakyan papasok. Badtrip pa ang isanfg kotseng dumaan ang bilis ng magpatakbo muntik na akong matalsikan ng putik. Mabuti na lang nakaiwas ako

Sun dance. Naisip ko. 

Nagpunta ako sa tagong lugar at lumingon sa paligid kung may ibang taon bukod sa akin. Nang masigurong nag-iisa lang ako sinimulan ko ang sayaw ng katutubo na alam ko.

Pero sa kasamaang palad lalong lumakas ang ulan. Nagalit yata ang mga anito sa ginawa ko. No choice na ko. Sinugod ko na lang ang ulan tutal malapit na naman ako. Nagpalipat lipat na lang ako sa mga puno para kahit papaano makaiwas sa ulan as if mababawasan noon ang pagkabasa ko.

"Hi! Late na tayo," nagulat ako ng makita siya habang nakasaklob ang jacket sa kanyang ulo. Ngumit ako. Parang nag-iba ang pakiramdam ko pagkakita ko sa kanya. HIndi pala ako nag-iisa. May kasama akong mala-late,

"Tara na!" aya niya at tinalakbong ang jacket sa aming dalawa. Sinugod namin ang lakas ng ulan. Sa aming pagtakbo tanging pintig ng puso ko ang naririnig ko.Hindi ko pansin an gbuhos ng ulan. Kung maaari nga lang lakarin na lang namin at huwag ng tumakbo para humaba ang oras na magkasama kami at hawak niya ang aking kamay. Ang sarap ng pakiramdam. 

Huminto kami sa aharap ng library at nagpahinga sandali. Pumasok sa loob ng library si Reene at may kukunin lang daw sandali. Hindi na ako sumama dahil basa ako at baka magputik lang sa loob pagsumama ako.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang librarian "Hi, ikaw ba si Jenna?" nakangiting bati sa aking librarian.

"Opo, ako nga po."

"Nakisuyo kasi yung isang estudyante sa akin na iabot sa iyo tong payong."

"Nasaan na po siya?" tanong ko habang nakatingin sa loob ng library at hinahanap siya.

"Umalis na. Nanghiram siya ng payong sa akin at nakisuyo na kung maari kong ibigay sayo. May kausap siya sa cellphone at nagmamadaling umalis. Parang may emergency yata," paliwanag ng librarian.

"Hindi ho ba sinabi kung saan siya pupunta?"

"Wala naman siyang nabanggit. Kunin mo na itong payong. Balik mo na lang mamaya bago magtanghali.

Umalis na ako bago pa lumakas uli ang buhos ng ulan. Habang naglalakad iniisip ko nasaan na si Reene. Baka nasa room na 'yun. Ginigood time nanaman ako at pati librarian ay kinasabwat pa.

Pagdating ko sa klase nagkakagulo sila. Parang mga daga na nagkakagulo pag wala ang pusa. Wala si Ma'am nasa meeting daw.Agad kong tiningnan ang upuan ni Reene, hinihiling ko na sana ay naroon siya ngunit kahit anino niya ay wala roon. Nakakatuwa namang isipin na ilang buwan na rin kami close pero hindi namin alam ang cellphone number ng isat-isa. Hindi ko tuloy alam mung paano ko siya makokontak. Kainis ha. Pinag-aalala niya ako.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon