Chapter 6

1.2K 19 0
                                    

ANG MGA TANONG

"Jenna!Jenna!Jenna!" tawag sa akin ni Mama. "Anong nangyari sayo. Buksan mo nga itong pinto! Jenaa!," sigaw niya habang kinakalampag ang aking pinto.

Ang sakit ng likod ko. Nahulog ako sa aking kama. Nanaginip nanaman ako. Si Reene. Hindi ko alam kung bakit siya agad ang unang pumasok na isip ko.

"Anak! ayos ka lang ba dyan?" sumagot na agad ako bago pa tuluyang mag-alala si Mama kung ano na ang nangyari sa kin at ma bigla na lang kumalabog sa loob ng aking kuwarto.

"Ayos lang ako Ma. Nalaglag lang po ako sa kama. Tulog po muna ulit ako."

Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa labas. "Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa ito. Sige matulog ka na muna maaga pa naman."

Habang binabawi ko ang aking antok, pilit kong inaalala ang aking panaginip. Hindi ko alam na tumulo na pala ang aking luha ng maalala ko ito. Si Reene. Gusto ko siyang makausap. Ngunit paano? Sa aking panaginip parang napaka imposibleng malapitan ko siya. Tumayo ako at nag isip kung paano ko siya makakausap.

Nang marinig ang tunog ng aking cellphone ay dali dali kong binasa ang text message na umaasa na galing ito mula kay Reene. Hindi nakasave ang number sa phone book ko. Bago. I cross my finger hoping na may kinalaman kay Reene ang kung ano man ang nilalaman ng text message.

"Jenna, si Karen ito, Busy ka ba? Maari ba tayong mag usap? Pwede ba tayong magkita?" wala akong kilalang Karen. Baka wrong send lang ang message. Pero kilala niya ako. Ano 'to coincident?

Makalipas ang ilang minuto ay may natanggap ulit akong message from the same number. "Gawin mo ito para kay Reena, Jenna. Maari ba tayong mag usap ngayon?"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mabanggit niya ang pangalan ni Reena. matutuwa ba ako? Pero bakit kinakabahan ako? Hindi na ako nag usisa pa. Pumayag ako na magkita kami.

Nang dumating ako sa lugar na aming napag usapan isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Siya yung nurse na kausap ni Ma'am nung isang araw. Ang girlfriend ni Reene.Hindi ko na sinayang ng oras ko. Tinanong ko na agad siya ng makalapit ako mung nasaan na si Reene. Tumingin siya sa akin. Walang reaksyon.

"Antayin na lang natin ang Mommy niya, parating na 'yon," gulong gulo ako sa sagot niya. Takot at kaba. Dahil bakit pa kailangan pang ang Mommy ni Reene ng kumausap sa akin. Saya. Dahil sa mga oras na ito ay narito pa si Reene. Maari ko pa siyang makita.

"Akala ko nasa ibang bansa ang parents nya?Akala ko kinuha na siya?"

'Nadyan na ang Mama ni Reene," isang babaeng nakangiti ang nakita kong papalapit sa amin. Napakaganda ng Mama niya. Hawig na hawig ni Reene.

"Siya po si Jenna," pagpapakilala ni Karen sa akin.

""Nice meeting you Ma'am," lang ang nasabi ko. Nginitian niya ako bago bumaling kay Karen.

"Mauna ka na sa bahay. Hinihintay ka na ng sasakyan sa labas. Kailangan ka ni Reene sa bahay," malumanay na sabi niya kay Karen tumago lang ito sa kanya at sa akin tanda ng pagpapaalam bago niti kami iwan.

Hindi ko na siya sinundan ng tingin palabas. Namuo na ang luha sa aking mga mata. Masakit malaman na ang taong inaasam kong makita ay may iba ang kailangan at iba ang hinihintay. Hindi ko na napigilan ang tuluyang maluha.

Siguro napansin ng Mama ni Reene ang tahimik kong pagluha. Hinawakan niya ang aking kamay at sinabing..

"Jenna, naalala mo pa ba ang sinabi mo kay Reene?" hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito. Patuloy pa rin ang daloy ng luha mula sa king mga mata.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon