Chapter 2

1.6K 32 0
                                    

Pleasant Surprise


Jenna's Pov


Nagulat ako sa kanyang ikinilos. Para siyang leong naging pusa. Tiningnan ko lang kamay niya sabay tanong

"Paano nalaman ang name ko?"

Ngumit siya. Ayan nanaman ang ngiting yan bgo nagsalita "Naniniwala ka ba sa soulmate," banat pa niya, "sabi kasi dati nung nagpahula ako Jenna raw ang panggalan ng soulamte ko. At tinanong ko rin kung paano ko malalaman na soulmate ko na ang nasa harap ko ang sabi ng manghuhula mararamdaman ko na lang daw yun. At ng makita kita, alam ko na ikaw na yun."

Korni nito ha! Sapakin ko na kaya. 

"Ah. talaga?! Ikaw ba naniniwala sa reincarnation?" akala siguro ng lokong ito siya ang marunong manggood time ha,

Mabilis naman itong sumagot, "Oo" at inilapit ang kanyang upuan sa akin na parang interesado sa kung ano mang sasabihin ko.

"Sabi kasi ng kapitbahay namin, kilala raw nila ako 100 years ago. Isa raw akong reyna na may na alagang ibon, Mahal na mahal ko raw ang ibon na yon."

Nanatili itong nakatitig sa akin habang nakikinig.

"Sabi niya makikita ko raw uli ang ibong iyon sa ibang katauhan.Tinanong ko ulit siya kung paano ko makikilala ang sabi nya lang, kung ibong mahal na mahal ko at laging pinapakawalan, ngayon daw may pag may lumapit sa akin na gusto kong ikulong at sakalin ay yun na raw iyon. And I think i already meet my favarote bird coz I feel that way when  saw." tinaasan ko siya ng kilay at itinulak palayo sa akin.

"Alam ko na may suot akong pin name." ng maalala ko ang pin suot ko sa aking damit.

Wala siyang reaksyon, iniayos nya lang ang pagkakaupo at nakipag usap sa katabi. Parang wala lang. Aba at tinalikuran pa ako. Sa inis tuamyo ako at naghanap ng ibang bakanteng upuan. Kaso talagang malas yata ako sa araw na ito, walang bakante. Pinagsisisihan ko tuloy na tumayo pa ako dahil pag balik ko

"O, bakit bumalik ka? Na miss mo agad ako?" pang aasar ulit ng loko-lokonng katabi ko.

"You wish!" sagot ko sa kanyang may pa beuatiful beuatiful eyes pang nalalaman. Lalong pa ata akong nainis. Ewan ko kung bakit. Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon at maya-maya din ay dumating na si Miss Reyes.

At habang klase ay nagpaalam ito nalalabas.

 Natapos ang Math class namin at hindi ko na ulit siya nakatabi.

At sa gitna ng ibang mga klase namin nahuhuli ko siyang palihim na nakatingin sa akin dahil palihim ko rin siyang tinitingnan. Wala lang yn sa akin gusto ko lang malaman kung tinitingnan nya rin ako.

My Fate is You

Reene's POV

Nag-antay ako ng ilang minuto. Hinintay ko na iabot nya rin ang kanyang kamay, ngumit wala akong napala. Walang epek ang pagpapacute ko sa kanya. Samantalang pag ganito na ako sa iba kinikilig na sila. Pero dito parang wala langha.

"Paano nalaman ang name ko?" mataray na tanong niya.

Hindi niya pinansin ang kamay ko, kunwari bale wala lang sa akin iyon at ngumiti ako na lamang ako. Hindi alam kung ano ang mararamdaman ko ng oras na yon. Masasaktan ba ako sa pang iisnab niya. Pero bakit? Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko.

Bago pa man ako matunaw sa kahihiyan, ay may kung ano nanamang pumasok sa isip ko.

 "Naniniwal ka ba sa sooulmate," banat ko, "sabi kasi dati nung nagpahula ako Jenna raw ang panggalan ng soulamte ko. At tinanong ko rin kung paano ko malalaman na soulmate ko na ang nasa harap ko ang sabi ng manghuhula mararamdaman ko na lang daw yun. At ng makita kita, alam ko na ikaw na yun."

Hindi ko maipaliwang ang kanyang reaksyon. Bigla ko nakita na parang naging interesado siya sa sinasabi ko.

"Ah. talaga?! Ikaw ba naniniwala sa reincarnation?" tanong naman niya sa akin.

Mabilis akong sumagot ng oo, inilapit ko ang aking upuan palapit sa kanya. Gusto kong malaman niya na interesado ako sa kung ano man ang kanyang sasabihin.

"Sabi kasi ng kapitbahay namin, kilala raw nila ako 100 years ago. Isa raw akong reyna na may na alagang ibon, Mahal na mahal ko raw ang ibon na yon."

Nagkasalubong ang aming mga tingin at nagpatuloy siya sa pagkukuwento. Ano ba itong nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito ang pakiramdam ko ngayong halos magkalapit ang mga mukha namin. HIndi nakakasawang titigan ang maganda niya mukha. Ito ba ang tinatawag na love at first sight? Ganito pala ang pakiramdam. Para akong nasa ulap.

Hihiritan ko pa sana siya kaya lang naunahan ako ng bigla niya akong tinaasan ng kilay at tinulak palayo sa kanya

"Alam ko na may suot akong pin name." pagalit na sabi pa niya.

Napahiya nanaman ako. Kinausap ko na lang ang aking katabi. Napansin ko na lang na umalis sa kinauupuan niya si Jenna at naghanap ng ibang bakanteng upuan na malilipatan.

Maya-maya ay bumllik din siya. Gusto kong pigilan angsarili ko pero natutuwa ako pag-naiinis siya.

"O, bakit bumalik ka? Na miss mo agad ako?" banat ko pagkaupo niya.

Sumagot ako siya na halatang naaasar "You wish!" at inilipat na niya ang tingin sa harapan.

Hindi na muli ako nagsalita pa, at maya-maya pa ay duamting na rin si Miss Reyes. Hindi ko alam kung ano ang biglang nagyari, sa sobrang saya ko yata nanikip ang dibdib ko. Tumayo ako at nagpaalam na lalabas muna. Mabuti na lang at pumayag siya.

Sa clinic ako dumaretso. Nagpahinga sanadali bago bumalik sa sususnod na klase. Sanay na ko ganitong takbo ng buhay. Maraming hindi bawal gawin, limitado rin ang bawat galaw. Pati ang nararamdaman ay may limitasyon din.

Laking tuwa ko na makita ko si Jenna sa sunod na klase namin. Naging maayos naman ang takbo ng mga sumunod na klase, 'yun nga lang hindi ako makabuwelo at makatabi sa kanya dahil parang iniiwasan niya ako.Para bang ayaw niya akong makatabi. Naisip ko mabuti pa nga sigurong manatili na lang siyang galit sa akin.

Minsan habang klase nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ng palihim. Naiisip ko tuloy baka nahahalata niyang tinitingnan ko siya. Sabi nga nila hindi mo mahuhuling nakatingin sa'yo ang isang tao kung hindi mo siya tinitingnan. Pareho na kaya kami ng nararamdaman? Hindi tama ito. Hindi dapat. 

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon