Chapter 9

987 18 0
                                    

Hanggang saan ang kaya nating ibigay para sa taong ating mahal?

Kaya ba nating itaya ang sarili nating kaligayahan para sa kanila?

====================================================================

UNEXPECTED

Mahigit isang taon ding naratay si Reene sa ospital. Walang malay at tanging mga tubo at suwero lang ang nagiging dahilan ng kanyang buhay.

Masaya na akong malaman iyon dahil alam ko na lumalaban si Reene. At darating ang araw na mababawi niyang muli ang lakas. 

Mali ang ginawa ko na iwan siya. Kahit pa sabihing iyon din ang gusto niyang gawin ko. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Na gusto ko siyang makausap. Gusto kong marinig ang kanyang boses.

Noon ang akala nila. Nang mga magulang ko na bad influence sa akin si Reene kaya pilit nila kaming pinaglayo. Tinupad ko ang mga pangarap nila sa akin. Ang makapagtapos ng pag aaral at magkaroon  ng degree. At ngayon malaya na akong gawin kung ano man ang gusto ko.

Pagkagraduate ko agad akong bumalik sa Pilipinas para balikan ang aking iniwan. May kaibigan ako ng nagbibigay sa akin ng update tungkol sa kanya sa kahilingan ko na rin. Kahit matagal kaming nagkalayo hindi ako nawalan ng balita tungkol sa kanya. 

Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa kanya. At ngayon nga mas lalong umigting ang pagnanasa kong makita siya sa balitang huling natanggap ko na bumubuti na ang kanyang lagay.

Kahit anong mangyari ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi makikipag agawan. Oo alam ko na may bago ng nagmamahal sa kanya ngayon. Hindi linggid yon sa kaalaman ko. So what, kung mahal niya si Reene. Mahal ko rin si Reene. 

Sa aking pagpasok sa kuwarto niya nakita kong wala na mga tubo at suwero na sumusuporta s kanya para mabuhay. Nakarecover na siya. Anong saya ang aking naramdaman. Nakita ko siyang muli. Na makita siyang muli na masaya at may ngiti sa mga mata.

"Hi Reene." bati ko.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng makita ako. Nabitiwan niya ang kamay ng babae na hawak niya.

'Do you still remember me?"

"Gene?!" anong saya ang aking naramdaman ng banggitin niya ang pangalan ko.

Thanks God she still remember me.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon