ika-3

738 49 2
                                    

( Mickee's P.O.V )

"Mahal na reyna, Liwayway, Mickee, magandang araw" bungad ni Rufo

"oh Rufo, mukhang ang aga mo yatang dumalaw" sabi ni Liwayway

"ang totoo niyan si Mickee ang aking sadya dito" sabinni Rufo

"bakit?" tanong ni Mayumi

"nandito ako para mag presintang taga pagsanay ni Mickee para sa magiging dwelo nila ni Hilario" sabi ni Rufo

"kakausapin ko si Hilario na wag ituloy, isang kalokohan ang paghamon niya sa isang mortal" sabi ni Mayumi

"Nagpahayag siya sa piging mahal na reyna, hindi ba't ngalan ni Mickee ang nakataya dito" sabi ni Rufo

"paano kung mapaano ang mortal?" tanong ni Mayumi

mortal lang ang tawag niya sa akin

ni hindi niya ako matawag sa pangalan ko

"kaya ko" sabi ko

tatayo na sana ako

"tapusin mo muna ang pagkain mo" sabi ni Mayumi

"Mag hihintay ako sa labas Mickee, Liwayway, Mahal na reyna" sabi niya at nag lakad palabas

"mortal hindi mo kaylangan lumaban" sabi ni Mayumi na hindi tumitingin sa akin

"kaya ko mag desisyon para sa sarili ko kahit isa lang akong mortal" sabi ko

"salamat sa agahan, susunod na ako kay Rufo" dagdag ko at lumabas na ako sa kainan

"Rufo, salamat ha" sabi ko

"wag ka muna magpasalamat, kasi hindi pa tapos ang laban" sabi ni Rufo

inabot niya sa akin ang isang espada na walang talim

"iyan ang ginagamit pang ensayo" sabi niya

"bakit may espada?" tanong ko

"kasama yan sa dwelo" sabi ni Rufo

nanlamig naman ang katawan ko

ano to do or die?

"hindi ko kayang pumatay ng tao, diwata o kahit ano pa man Rufo" sabi ko

"ikaw nga ang nasa propesiya, kailangan mo matuto Mickee, dadating ang araw na ito ang mag tatanggol sayo para ipagtanggol ang mahal na reyna" sabi ni Rufo

"may kapangyaiprihan naman siya, kaya na niya ang sarili niya" sabi ko

"batid kong may sama ng loob sa boses mo kaibigan" sabi ni Rufo

"ikaw at ibang diwata dito ay kayang sabihin ang pangalan ko pero si Mayumi, mortal, yun lang ang tawag niya sa akin" sabi ko

"intindihin ko muna, ikaw nalang ang umintindi sa ngayon" sabi ni Rufo na nakangiti at nilagay ang kamay sa braso ko

"simulan na natin" sabi ni Rufo

"Atake ka depensa ako" turo niya

sinusunod ko lahat ng sinasabi ni Rufo

dumaan ang dalawang araw at natuto naman ako

pero alam ko hindi sapat para pantayan si Hilario

nandito ako sa hardin ngayon, magaganda ang bulaklak dito, buhay na buhay. nahiga ako sa damuhan ng maramdaman kong may parating

"mortal nandito ka pala" sabi ni Mayumi

Two Different Worlds (GxG) (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon