( Mickee's P.O.V )
"Kung may tumututol dito sa pag iisang dibdib na ito ay lumapit sa harap at mag paliwanag" sabi ni Nanang Basting
si nanang Basting ay isa sa tatlong matatandang mangagamot dito sa mundo nila Mayumi, pero ang kanyang ginagawa ay mag buklod ng mga diwata, nakatira sya sa Marosa
si nanang Milda naman ay para sa pangagamot, sya ay nakatira sa Balrosa
at si nanang Isang ay sa panghuhula at pag bibigay babala, at sya naman ay nakatira sa Larosa, pero sya lang ang bulag sa kanilang tatlo
"Kung gayong wala namang tumututol, sa kapangyarihang binigay sa akin ng mga Bathala, kayo Mayumi ng Balrosa at Mickee ng Larosa ay pinagbubuklod ko na, at walang sino man ang pwedeng mag pahiwalay sa inyo hanggang sa kabilang buhay" sabi ni nanang Basting
Lumapit ang dalawa pang matatanda para basbasan kami
kung sa mundo ko ay holy water dito ay coconut oil ang gamit nila
"tumayo kayo at ipatong ang kanang kamay niyo sa bato" sabi ni nanang Isang
pag patong namin ng kamay namin sa bato ay uminit ito ng sobra
gusto ko ng tangalin yung kamay ko pero pinigilan ako ni Mayumi
"tiisin mo saglit lang ito" sabi nya
maya maya ay lumamig naman ito ng sobra
"maari niyo ng tangalin" sabi ni nanang Isang
pag tanggal namin ay nakabakat na ang mg kamay namin sa bato
ngumiti naman si Mayumi ng makita yung mga bakat ng kamay namin sa bato
"ang unang kamay na nakabakat dito ay sa aking mga magulang" sabi ni Mayumi
ang ganda ni Mayumi ngayon
naka kulay puting gown sya na may asul na design
at nakalugay ang buhok nya
"alam mo bang hindi lahat ng nag iisang dibdib ay bumabakat ang kanilang mga kamay sa bato?" sabi nya
"anong mangyayari pag hindi bumakat?" tanong ko
"ibig sabihin ay hindi sila ang tinakda para sa isa't isa" sabi ni Mayumi
.
.napag usapan namin ni Mayumi na sa unang gabi namin ay dito muna kami sa Balrosa
"Yumi, kung pupunta tayo sa aming mundo paano ang mga kaharian?" tanong ko
"gusto mo na bang pumunta sa mundo nyo?" tanong ni Yumi
"oo naman, pero madami pa tayong dapat gawin dito" sabi ko
"pwede naman natin iwan kina Rufo at Liwayway ang mga kaharian"sabi ni Yumi
"siguro ayusin muna natin ang mga dapat ayusin" sabi ko sabay subo ng tinapay
ewan ko ba nagugutom nanaman ako
simula naging reyna ako ay minuminuto gutom ako
"Mickee naiisip ko lang pareho tayong babae, sino ang mag bubuntis sa atin?" tanong ni Yumi
nagulat naman ako sa tanong nya, pabigla bigla naman kung mag change topic tong si Yumi
"wala namang mag bubuntis sa atin, kaso pareho tayong babae"sabi ko
"sa mundo niyo ba ay hindi nabubuntis pag parehong babae?" tanong nya
umiling ako
"dito ay pag katapos ng unang gabi ay may nag bubuntis, kapwa man babae o lalaki pwedeng magkaroon ng anak" sabi ni Yumi
halos masamid naman ako sa sinabi ni Yumi
iniisip ko palang yung itchura ko pag buntis hindi ko na kaya
ang pangit tignan
"sa iyong itchura ay mukhang alam ko na ang sagot" sabi ni Yumi na nakangiti
"gaano kabilis ang pag laki ng isang sanggol dito sa mundo nyo?" tanong ko
"sa mga parehong diwata ang mga magulang ay mabilis lamang isang buwan lamang ay magiging bata na ang sanggol, at pagkatapos ng 5 taon ay magiging dalaga na sila, at pag dating nila ng 21 ay hihinto ang pagtanda ng isang diwata, sa lagay natin ako ay isang diwata at ikaw naman ay may dugong mortal at diwata kaya posibleng mas mabilis o mas mabagal ang paglaki ng anak natin, depende kung ano ang mas mangingibabaw sa kanya, kung ang pagiging mortal ba o pagiging diwata" sabi ni Yumi
"ah, eh teka, paano naman mabubuntis?" tanong ko
"hindi kaylangang may mangyari, dito sa amin ay may dalawang paraan para mag kaanak, una ay pag sisiping at pangalawa ay pagkatapos mag isang dibdib, dahil kung pareho nilang gustong magkaroon ng anak" sabi ni Yumi
"ilan naman ang gusto mong maging anak?" tanong ko
"ako kahit ilan, ikaw ba ilan ang gusto mo?" tanong nya
"isang batalyon" sagot ko naman ng pabiro
"ay aba naman" sabi ni Yumi at tumingin ng masama sa akin
"hindi naman ito mabiro" sabi ko tapos niyakap ko sya
( Mayumi's P.O.V )
nakayakap si Mickee ngayon sa akin pero pakiramdam ko napapaso ako
"Y-yu-mi" sabi ni Mickee tapos inalis yung pagkayakap sa akin
yung kamay kasi nya may mga maliliit na bolang apoy
"a-anong nangyayari?" tanong nya
"hindi ko alam, subukan mong isipin na gusto mong wala ang mga bolang apoy na yan" sabi ko
pumikit naman siya
unti unting nawala yung mga apoy
napangiti naman sya nung makitang nawala yung mga apoy sa kamay nya
"marahil ay unti unti ng lumalabas ang iyong kapangyarihan" sabi ko naman
"hindi ko alam kung paano ito gagamitin" sabi nya
"M-Mickee ang mga mata mo" sabi ko
ang mga mata ni Mickee ay nag aapoy din