( Mickee's P.O.V )
Natapos akong maligo at binalik ko yung binigay ni Liwayway sa akin na damit o armor o kung ano man ang tawag dito
ineenjoy ko lang kasi tingin ko panaginip lang naman to
mamaya ay magigising na di ako
narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto
"pasok" sabi ko
panigurado si Liwayway kasi yun
nakatingin ako sa labas bintana napakaraming papasok dito sa palasyo
nako baka pag nakita nila ako saktan nila ako tapos mabangungot ako
"malalim yata ang iniisip mo mortal" natigilan ako sa boses na narinig ko
boses ni Mayumi yun
malambing pero pinipilit maging matigas pag ako ang kausap
"iniisip ko lang, sana pag gising ko maalala ko lahat to, yang mukha mo, pati ang boses mo" sabi ko
"anong sinasabi mo mortal?" tanong niya
"Mickee, Mickee ang pangalan ko" sabi ko tapos nginitian ko siya
"mag sisimula na ang piging, hindi ka pa ba bababa?" tanong niya
"hinihintay ko kasi si Liwayway, sabi niya susunduin niya ako dito" sabi ko
"pinasundo ka ni Liwayway sa akin dahil hindi ka niya masasamahan papasok, dahil dumating ng maaga ang kanyang kasintahan" sabi ni Mayumi
pati dito pag may boyfriend ang kaibigan mo nawawalang parang bula
"tara na" sabi niya
"salamat sa pag sundo" sabi ko
"may tanong ako Mayumi" sabi ko
"ano yun?" tanong niya
"hindi ba magagalit sa akin yung mga tao dito?" tanong ko
"hindi sila tao, mga diwata sila, at sa palagay ko ay hindi sila magagalit kung makita ka, katunayan ay hinihintay nilang makakita ng mortal" sabi ni Mayumi
"Mga diwata, mag bigay galang, ang Reyna Muyumi ng Balrosa" sabi ng lalaking nakatayo malapit sa pinto
nakita kong humawak sa dibdib lahat at yumuko
humarap naman ako kay Mayumi at humawak sa dibdib at yumuko sa kanya
"hindi mo kaylangan gawin yan mortal" sabi ni Mayumi
"Kaylangan nandito ako sa mundo mo, panaginip man o hindi, kaya dapat irespeto din kita, yun ang turo ng mommy ko sa akin at lola" sabi ko
"ano ang mommy, at ano ang lola?" tanong niya
"mommy ay ang ina ko, at lola ang ina ng aking ina" sabi ko
naparami yata ako ng ina doon ha
"tara na bumaba na tayo" sabi ni Mayumi
at nag simula silang tumugtog
isayaw ko kaya si Mayumi?
baka hindi pumayag
pag dating namin sa pinakababa ay humarap ako kay Mayumi
at magpapaalam sana akong kunin yung kamay niya