( Mickee's P.O.V )
nandito kami ni Liwayway sa kwarto ko
pinapanood namin sila mommy at lola
gusto ko makita kung kamusta na sila
"Malamig ngayon doon sa mundo ko, pero mabuti at hindi inaatake ng rayuma si lola" sabi ko
"ginagamot ni Mayumi ang sakit ng iyong lola" sabi ni Liwayway
napatingin naman ako kay Liwayway
"habang wala ka sa mundo mo ginagawa lahat ni Mayumi para protektahan at bantayan ang pamilya mo" sabi ni Liwayway
napangiti naman ako
may mga bagay na ginagawa si Mayumi para sa pamilya ko
"nais mo na bang bumalik sa mundo mo?" tanong ni Liwayway
"syempre naman, gusto ko na din makita ulit ang lola at mommy ko, miss na miss ko na sila" sabi ko
natigilan naman si Liwayway sa sinabi ko
"sige, mauna muna ako kaylangan ko dumaan ng Marosa para tignan ang mga ina ni Rufo kung kamusta na ang sugat niya" sabi ni Liwayway
"bakit anong nangyari?" tanong ko
"umatake kasi ang mga taga Larosa sa Marosa, natyempohan nila ang reyna ng Marosa, buti na lamang at dumating agad si Rufo" sabi niya
"Pwede ba akong sumama para makita si Rufo" sabi ko
"magpaalam ka muna kay Mayumi" sabi niya
.
.
.
papunta na kami ng Marosa ni Liwayway
maganda ang daan papuntang Marosa
halos walang lubak na matatapakan
"Mickee, ano ang iyong balak pag nag bukas na ang lagusan?" tanong ni Liwayway
"gusto kong bumalik sa mundo ko, kung maari ay gusto kong isama si Mayumi sa mundo ko, pero may obligasyon siya dito" sabi ko
"kung darating ang araw na kaylangan mo nang bumalik sa mundo mo, ipangako mong hindi mo kami kakalimutan dito ha" sabi ni Liwayway
"hinding hindi ko kayo makakalimutan" sabi ko
"Mabuti at nakarating kayo ng payapa dito" sabi ni Rufo
"wala naman kaming namataan na taga Larosa sa daan" sabi ni Liwayway
"Panatag naman ako at kasama mo si Mickee" sabi ni Rufo
"Palibhasa ikaw ang nag sanay sa kanya sa pakikipaglaban" sabi ni Liwayway
"May angking kagalingan si Mickee sa pakikipaglaban" sabi ni Rufo
"titignan ko muna ang Mahal na Reyna ng Marosa, maiwan ko muna kayo" sabi ko
"Mickee, kamusta ang pag hahanda mo para sa surpresa mo kay Mayumi?" tanong no Rufo
"Kinakabahan ako, baka kasi hindi niya magustuhan" sagot ko
"basta pinaghirapan mo at galing sayo malamang ay magugustuhan niya yun" sabi ni Rufo
"Mahal na prinsipe, ang Balrosa, sinasalakay ng mga taga Larosa, kasama ng kanilang Hari" sabi ng kawal ng Marosa na tumatakbo palapit
"Si Mayumi" sabi ni Liwayway
"Kaylangan natin mag madali" sabi ni Rufo
"Agustin, mag handa sa posibleng pag atake ng mga taga Larosa, bantayan maigi ang mahal na reyna" dagdag pa ni Rufo
"opo mahal na prinsipe" sabi ng kawal
"Liwayway, dumito ka muna, hindi ligtas sa labas ng kaharian, kami na lamang ni Mickee at mga kawal ang tutungo ng Balrosa" sabi ni Rufo
"Ngunit ang aking kapatid" protesta ni Liwayway
"Liwayway hindi pwedeng pati ikaw ay nasa panganib, dahil dadalawa na lamang kayo ni Mayumi" sabi ni Rufo
mabilis kaming umalis ng palasyo ng Marosa
kita na namin ang sunog mula sa bundok kung nasaan ang palasyo ng Balrosa
tinitignan ko bawat madaanan namin baka makita ko si Mayumi
nag babakasakali ako na masalubog namin siya
.
.
.
pag dating namin ng Balrosa ay nag kakagulo ang mga diwata
pilit nilang pinapatay ang apoy na gawa ng mga taga Larosa
"Ang mahal na reyna, kinuha ng mga taga Larosa" sabi ni nanang Milda
tutungo na ako ng Larosa pero pinigilan ako ni Rufo
"Mickee, hindi pwede, pag isipan muna natin kung paano natin papasukin ang Larosa" sabi ni Rufo
"bawat segundo na nawawala, mas malalagay sa panganib si Mayumi" sabi ko
"alam ko, pero mas mapapahamak siya kung mag papadalos dalos tayo, dapat ay makaisip tayo ng plano" sabi ni Rufo
"Mickee, makinig ka kay Rufo, mapanganib ang hari ng Larosa" sabi ni nanang Milda
umupo ako sa gilid
hindi ko maisip kung paano ko ililigtas si Mayumi
sigurado ako mas malakas at mas may kakayahan ang mga makakasugupa namin sa Larosa
Pakiramdam ko ay wala akong magagawa para matulungan si Mayumi
"Pag wala ang mahal na Reyna ang aming pinuno ay si Mickee dahil siya ang magiging kabiyak ng mahal na Reyna ng Balrosa" sabi ni Dino, ang puno ng mga kawal ng Balrosa
"mag bibigay ang Marosa ng 200 kawal para tumulong sa hukbo ng Balrosa" sabi ni Rufo
"Maraming salamat Rufo" sabi ko
"ano ba ang itchura ng Larosa?" tanong ko kay Rufo
"desyerto, at ang kanilang palasyo ay gawa sa bakal, kaya naman mahirap itong pasukin" sabi ni Rufo
"makikita ba ni Liwayway kung saan ang eksaktong kinaroroonan ni Mayumi?" tanong ko
"kung nasa loob siya ng Palasyo ng Larosa ang hindi ito makikita ni Liwayway sa pagkat may mahika na ginawa ang kanila Hari para kontrahin nag kakayahan ni Liwayway" sabi ni Rufo