( Liwayway's P.O.V )
{ Marosa }
"Mag pasya ka habang humihinga pa ang mortal, yun lamang ang makakapag ligtas sa kanya ngayon" sabi ni nanang Milda kay Mayumitinitignan ko ang mukha ni Mickee
kita ko ang hirap at sakit sa mukha niya
si Mayumi naman ay pinipilit iligtas si Mickee pero kita na ang panghihina sa kanya
"Napaka sama talaga ni Mauro" sabi ko
kung hindi sana sakim si Mauro ay hindi kaylangan mag punta ng Larosa ni Mickee at Rufo
yakap ni Mayumi si Mickee at hawak ang isang kamay
si Mickee ay wala ng malay
"Mahal na reyna, ano ang iyong pasya?" tanong ni Nanang Milda
"ihatid na sa Lagusan ang mortal" sabi ni Mayumi
.
.
.
ilang araw na mula wala si Mickee
si Rufo ay hindi gaanong nag sasalita
si Mayumi ay nag kukulong sa silid ni Mickee
{ Balrosa }
"Mayumi, kumain ka muna" sabi ko
"Mamaya nalang, hindi pa ako gutom" sagot niya
"Magkakasakit ka naman sa ginagawa mo" sabi ko
"Ayokong kumain" matigas na sabi ni Mayumi at humiga sa kama ni Mickee
.
.
.
" Rufo, napadalaw ka" sabi ko
"gusto ko sana makibalita tungkol kay Mickee" sabi ni Rufo
"sige" sagot ko
at tinapat ko ang aking kamay sa pader
si Mickee ay wala pang malay pero wala siyang sugat
nasa isang silid siya na kulay puti at may bulaklak at mga prutas
may mga nakalagay sa kanyang mukha at kamay
" buong akala ko ay magaan lamang ang loob ko kay Mickee dahil isa siyang mortal, siya pala ang aking kapatid, ako dapat ang nag ligtas sa kanya, ako dapat ang prumorekta sa kanya" sabi ni Rufo
"tahan na, ang mahalaga ay ligtas na siya ngayon" sabi ko
"sobrang sama na ng aking ama pati sarili niyang anak ay nagawa niyang saktan" sabi niya
"malay natin ay nag aalala din naman ang iyong ama ngayon" sabi ko
umiling siya
"pag babayadan niya to" sabi niya
"kung anong binabalak mo, huminahon ka, hindi yan makakatulong" sabi ko