( Mickee's P.O.V )
"Ano ba ang meron sa bundok na yan? at kaylangan mo pang akyatin, baka mapaano ka pang bata ka" sita ng lola ko sa akin
"lola, adventure, habang bata pa, at kaya ako mamundok gusto ko naman maexperience ang nature" sabi ko
"Nag paalam ka ba sa mommy mo?" tanong ni lola
ngitian ko siya ng nakakaloko
"Ay sinasabi ko sayong bata ka, pag ang mommy mo tumawag, wala akong masasabi kung nasaan ka" sabi ni lola
"Lola Geming kumalma ka kasi 3days and 2 nights lang ako lola" paliwanag ko
"ay basta mag paalam ka sa mommy mo" sabi ni lola
"I love you lola, see you after 3days" sabi ko sabay flyong kiss sa kanya
Ako nga pala si Mickee Fajardo, 24 years old, freelance game developer ako at may business ako na foodpark at isa akong event organizer/photographer
halos sinubsob ko kasi yung sarili ko sa trabaho
kaya ngayon andito ako para mag enjoy
"What's up Mickee, ready?" bungad sa akin ni Glenice
si Glenice pala childhood friend ko
ang the girl in the group
siya ang nag yaya sa akin mamundok
masaya daw kasi
at nakakawala ng stress
"Zup!" sabi ko
tapos sumakay na ako sa van
"Nag paalam ka ba kay tita?" tanong ni Glenice sa akin
"Gosh, lola is that you?" pang aasar na tanong ko sa kanya
"the baby escaped!" sigaw ni Mark
si Mark childhood friend din namin
the boy in the group
pero minsan inaasar din siyang bakla, but he's not
"humanda ka sa palo mo pag uwi mo" pang aasar ni Isaac
also a childhood friend
the bakla in the group
and of course me the tibo in the group
at mamumundok kami ngayon dahil, kaylangan namin dun ipagpag ang malas
akalain niyo ba namang friendship goals kami
nag simula kay Glenice
sunod kay Mark
sunod si Isaac
at pati ako hindi nakatakas
sunod sunod nakipaghiwalay ang mga karelasyon namin
in the span of 1 week