( Mickee's P.O.V )
{ Larosa }
"Mickee, dito ka sa tabi ko wag kang lalayo" sabi ni Rufonandito kami ngayon sa labas ng palasyo ng Larosa
maganda ang pagkadisenyo ng palasyo nila
puro bakal at sobrang taas
gabi na kaya ngayon kami sumugod sa palasyo ng Larosa
ang mga kawal ng Larosa ay nag iinuman at nag kakantahan
"Mickee, kapit ka sa akin" sabi ni Rufo
humawak naman ako sa kanya
maya maya ibang lugar na ang nakita ko
nasa isang masikip at madilim na hagdan kami
"asan na yung mga kasama natin?" tanong ko
"kukunin muna natin si Mayumi, tapos mag bibigay ako ng senyales sa kanila na pwede na lumusob" sabi ni Rufo
sa nakikita ko ngayon ay mukhang kulungan ito ng mga nahuli nila
"Ano mahal na Reyna, ibibigay mo ba ang Balrosa at ang mortal para makalaya ka na?" tanong ng isang nagbabantay
dalawa ang nag babantay
pareho silang malaki ang pangangatawan
"maiwan ka dito" bulong ni Rufo
dahan dahan siyang lumapit sa mga bantay ni Mayumi
at nasaksak ang isa
pero ang isang kawal ay nakaiwas
"mahal na prinsipe" gulat na sabi ng isang kawal
"ako nga" sabi ni Rufo
nakita ko na babangon yung kawal na nasaksak ni Rufo kaya nag madali akong lumapit para saksakin muli ito, ngayon at sa leeg naman
napalingon si Rufo
"Salamat" sabi niya
"Mickee" sabi ni Mayumi
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Mayumi
"Oo maayos lang ako hindi naman nila ako sinaktan" sabi niya
"Mayumi napansin mo ba kung saan nila nilagay ang susi?" tanong ni Rufo
"Ang nakay Haring Mauro ang susi, malamang ay tulog na iyon" sabi ni Mayumi
"Ang hayop na yun" sabi ni Rufo
pinipwersa ni Rufo na sirain ang bakal na nasa kamay ni Mayumi para makalabas na kami
"subukan natin ito" sabi ko
linabas ko yung pin na nasa bulsa ko
"ano yan?" tanong ni Rufo
"Ito ang mahika ng akyat bahay sa mundo ko" sabi ko
napailing naman si Mayumi
click
" ayos na tara na" sabi ko
ang higpit ng yakap sa akin ni Mayumi
"Tara na, baka maabutan pa tayo" sabi ko kay Mayumi habang hinahawakan ko ang kamay niya
dahan dahan kaming umakyat ng hagdan
nakalabas na kami ng palasyo ng Larosa
ng mapansin namin na nag liliyab ang mga apoy
"Nagising ang hayop kong ama" sabi ni Rufo
"mag masid kayo malamang ay nasa tabi tabi lang ang mga taga Larosa" utos ni Rufo sa mga kawal
"hindi na kailangan nandito lang ako mahal kong anak" sabi ng lalaking pamilyar ang boses na linuwa ng dilim
"Rufo, aba't dala mo ang mortal" sabi pa niya
pag harap ko sa nag salita ay
nanlaki ang mata ko sa nakit ko
"dad" sabi ko
hindi ako pwedeng mag kamali
ang boses at mukhang narinig at nasa harap ko ay ang aking ama
"anong dad?" tanong ni Mayumi
"ama, Mauro Fajardo" sabi ko
hindi ko maintindihang yung nararamdaman ko
gusto kong tumkbo palapit sa kanya at yakpin
pero natatakot ako, paano kung hindi na siya yung dad na mapagmahalgusto kong magalit kung bakit siya nag kaganyan
pero sa kabilang banda may pag mamahal at pangungulila akong nararamdaman para sa aking ama"Maligayang pag dating sa kaharian natin aking anak" sabi ni Mauro, ang ama ko na hindi ko nakasama ng ilang taon, na inakala naming patay na
umiling ako
tumingin ako kay Mayumi at hindi ko maintindihan ang reaksyon niya, blanko ang kanyang mukha
"Mickee, gusto mo bang walang gulong mangyari? at makaalis sila ng matiwasay?" tanong ng aking ama
"yung naman ang gusto ko, ang umalis kami ng tahimik, at wag mo ng guluhin ang Marosa at Balrosa" sabi ko
"oo makakaalis sila, pero ikaw dito ka lang, dito ka sa kaharian natin anak" sabi niya
"Kung nasaan si Mayumi ay doon ako" sabi ko
"pwes, mga kawal, dakipin lahat ng madadakip, at patayin ang mga manlalaban" sabi niya
"Hayop ka talaga Mauro" sabi ni Rufo
"o Rufo, di ka pa rin natututo, akala mo ay kaya mo ako?" tanong ni Mauro
"Wag sigaw ko" nakita kong sasaksakin ni Mauro si Rufo kaya gumitna ako
"Anak" sabi ni Mauro
"Mickee!" sigaw ni Rufo at Mayumi
tinulak ni Rufo si Mauro na natulala sa nangyari
nararamdaman ko yung kirot at panlalamig ng katawan ko
"Mickee" sabi ni Mayumi na umiiyak
"Mayumi, bumalik na kayo ng Marosa, andoon si Liwayway" sabi ni Rufo
"Aking kapatid tibayan mo ang iyong loob, susunod ako" sabi pa ni Rufo
"Mickee, wag kang matutulog, maliligtas ka" sabi ni Mayumi
.
.
.{ Marosa }
"dalhin si Nanang Milda dito, ngayon din" sigaw ni Mayumi
"Mickee wag mo akong iiwan" sabi ni mayumi
gusto kong sumagot pero di ko magawa
parang namamanhid na lahat ng parte ng katawan ko
"ang espada ni Mauro" sabi ni Nanang Milda
maya maya ay hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid