Ika-8

624 41 0
                                    

(Mickee's P.O.V)

days, weeks, and months pass by, hindi ko na alam kung anong araw na sa mundo ko, hindi ko na din alam kung makakabalik pa ba ako sa mundo ko

nasasanay na din ako sa mundo nila Yumi, pero hindi ko maiwasang maalala ang pamilya ko

namimiss ko sila, ano na kayang ginagawa nila? naalala pa kaya nila ako

hindi ko na alam

"napakalalim naman yata ng iniisip mo?" pagpukaw ni Yumi sa atensyon ko

nandito kami ngayon sa batis ni Yumi

"naalala ko lang yung pamilya ko" sagot ko

"nais mo na bang bumalik sa mundo niyo?" tanong ni Yumi

"gusto kong bumalik dahil sa mga naiwan ko doon, pero ayokong iwan ka din dito" sagot ko

"Saan ka ba mas magiging masaya?" tanong niya, rinig ko sa boses nya ang lungkot

lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya

"walang mas Yumi, pantay lang" sabi ko

"dadating ang panahon na kaylangan mo pumili" sabi nya

totoo naman, pag nag bukas ang lagusan kaylangan ko mag desisyon kung lalabas na ba ako sa mundo nila Yumi

hindi ko mapigilan yung luha ko

para akong kinukurot sa puso

oras na lumabas ako sa lagusan, hindi ko alam kung makikita ko pa ulit si Yumi o hindi na

gusto kong makita ang pamilya at mga kaibigan ko, gusto kong bumalik sa buhay ko.

pero yung buhay ko ngayon

parte na to ng buhay ko, na alam kong malaki ang chansang na magiging parte nalang ng buhay ko na hindi ko na mababalikan, lalo na si Yumi

dito ay malaya kaming mag mamahalan
samantalang sa mundo ko ay madaming huhusga

dito ay kasama ko si Yumi
samantalang sa mundo ko ay makakasama ko muli ang aking pamilya

hindi ko alam kung saan ako lulugar

"masaya ako, masaya ako na dumating ka sa kaharian namin, kahit nung una palang alam kong pwede kang bumalik sa mundo mo" sabi ni Yumi


( Yumi's P.O.V )

"hindi ba kalabisan naman yata ang gusto mo Mayumi" sita ni Liwayway

"Ano ba ang dapat kong gawin kung ikaw ang nasa katayuan ko?" tanong ko sa kanya

"hindi ito patas para kay Mickee, dapat siya ang mag pasya" sagot ni Liwayway

"bigyan mo pa ako ng panahon, sasabihin ko din naman sa kanya" sabi ko

sakim na kung sakim, pero hindi pa ako handang sabihin kay Mickee na maari na syang makabalik sa kanyang mundo

natatakot ako

paano kung makabalik na sya sa kanilang mundo at mas piliing doon nalang sya at hindi na bumalik

ayoko

hindi ko pa kaya

[ Flashback ]

"Ano ang iyong daladala Liwayway?" tanong ko sa aking kapatid

"isang mortal, sugatan siya at walang malay" sabi ni Liwayway

"Alam mong hindi tayo ligtas sa mga mortal, at talaga pang nag uwi ka pa ng mortal sa ating kaharian" naiinis ko sabi sa aking kapatid

"mukha naman siyang mapagkakatiwalaan" sabi ni Liwayway

"nagtiwala din ang ating mga magulang noon" sabi ko

"Mayumi, kahit hanggang sa gumaling lang siya, tapos saka natin ibalik ang mortal sa kanyang mundo" sabi ni Liwayway

"siguraduhin mo" sabi ko at lumabas na ako ng silid

"Magandang araw mahal na reyna" bungad ni Ruffo

"Magandang araw din sayo Ruffo" sabi ko

nandito ako sa aking silid

tok

tok

tok

"tuloy" sabi ko

"Mayumi maari bang bantayan mo muna ang mortal, kaylangan ko lang mag punta sa Marosa" sabi ni Liwayway

"Si Dina nasaan?" tanong ko

"wala, tinuturuan niya ang mga bagong mananahi ng kaharian" sabi ni Liwayway

"sige na pumunta ka na ng Marosa, ipapabantay ko na lamang ang mortal sa isa sa mga kawal" sabi ko

"sige" sabi ni Liwayway

naglalakad ako papunta sa silid ng mortal

hanggang ngayon ay ayokong makipagsalamuha sa mga moral

napakaraming sugat ng mortal, pero parang may kakaiba sa kanya

para siyang isang batubalani na hinahatak ako papunta sa kanya

napakaamo ng mukha nya

"magandang umaga mahal na reyna, pinapunta po ako ni Liwayway dito para bantayan ang mortal" bungad ni Ibay

"ako nalamang ang mag babantay sa mortal, ipapatawag nalang kita kung kailangan" sabi ko

umupo ako sa tabi ng mortal para pag masdan sya

napakaamo ng kanyang mukha, mukha syang lalaki pero sabi ni nanang Milda, isang babae daw ang mortal na ito

.
.
.
.

araw araw akong nag babantay sa mortal, hinhintay ko na magising siya

pero bigo ako

ilang linggo na ang lumipas hindi parin siya gumigising

sa ilang linggo na inaalagaan ko ang mortal ay gumaan ang loob ko sa kanya

pero paminsan minsan ay naalala ko na mortal ang pumaslang sa aming mga magulang

[ End of Flashback ]

Two Different Worlds (GxG) (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon