( Mickee's P.O.V )
"Magandang umaga mahal na reyna, at mahal ko" sabi ko tapos hinalikan ko ang noo niya
"Mickee mahal din kita" sabi niya
para akong nabingi sa sinabi niya
"ano ulit yun?" tanong ko
"wala" sabi niya
yakap ko lang siya at pareho kaming walang balak umalis sa pagkakayakap
"Mickee, nakita mo ba si Ma..." sabi ni Liwayway habang papasok sa kwarto
pero hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi nakita niya si Mayumi na kayakap ko
"sa susunod hindi na talaga ako papasok sa silid na ito" sabi ni Liwayway at nag mamadaling lumabas
natawa naman kami ni Mayumi
"baka kung anong inisip ng kapatid mo" sabi ko
"ay bayaan mo siya, napakaduming utak" sabi ni Mayumi
"pwede bang Yumi nalang itawag ko sayo?"tanong ko
"oo naman" sabi niya
"kelan tayo pwedeng mag isang dibdib?" tanong ko
"may minamadali ka ba?" tanong niya
"wala naman" sagot ko
"handa ka na ba?" tanong niya
"oo naman" sabi ko
"handa ka na ba sa magiging responsibilidad mo kung sakali?" tanong niya
"ano ba ang magiging responsibilidad ko?" tanong ko
"lahat ng responsibilidad ko dito sa kaharian, at mag kakaresponsibilidad ka sa akin" sabi niya
"kayang kaya, basta magkasama tayo" sabi ko
"paano ang mundo mo?" tanong niya
"kung magagawan ko ng paraan na makita ang aking mommy lola at mga kaibigan minsan minsan ay ayos na, kasi alam ko naman pag nag isang dibdib tayo may responsibilidad na ako sayo bilang asawa mo" sabi ko
"papayagan kong dalhin ang pamilya mo dito, pero hindi ang mga kaibigan mo" sabi niya
"talaga?" tanong ko
"alam ko hindi ka magiging masaya pag wala sila dito" sabi niya
"salamat" sabi ko
"kain na tayo, baka ikaw ang makain ko" sabi ko
"ano?" tanong niya
"hindi mo gugustuhing malaman kung ano yun" sabi ko
"kaya kayo nag kakasundo ni Liwayway ay dahil pareho kaong maduming utak" sabi niya
"alam mo pala, nag tanong ka pa kasi" sabi ko
—————————
"anong gagawin mo ngayon?" tanong ko kay Yumi
"pupuntahan ko yung mga kababaihang diwata na gumagawa ng mga damit, tapos dadaan naman ako sa kalalakihang diwata na gumagawa ng mga armas, at kasuutan ng mga kawal" sabi niya
"samahan kita?" tanong ko
"kung gusto mo" sabi niya
"sa mundo niyo ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya
"paminsan minsan ay gumagawa ako ng laro sa mga gaya nito" sabi ko tapos pinakita ko yung laro sa cellphone ko
"may negosyo ako na paupahan ng pwesto ng kainan, at nag plaplano kami ng mga kasiyahan, madalas ako ang taga kuha ng mga larawan" sabi ko
"madami ka rin palang ginagawa" sabi niya
"sakto lang" sabi ko
"paano pala ang pag hahanda dito pag may nag iisang dibdib?" tanong ko
"kaylangan ay kapwa nakapagpasya na ng buo na papasukin ang buhay may kabiyak, at napag usapan ng maayos, tapos pwede ng mag isang dibdib, bakit paano ba sa inyo?" tanong niya
"madaming proseso, minsan nag papakasal ng hindi sigurado, madaming gastos, at ang pwede lang ikasal sa mundo ko ay babae at lalaki, hindi pwedeng babae at babae at lalaki at lalaki, bawal yun" sabi ko
"tila isang kasalanan sa inyo kung mag mamahal ng kagayang babae o lalaki" sabi niya
"sinabi mo pa" sabi ko
"dito ay malaya tayong mag mamahalan, at walang huhusga" sabi niya
"mag iisang dibdib tayo na buo ng pasya at totoo ang nararamdaman" sabi pa niya
————————
"tila ay balisa ka Mickee?" puna ni Rufo
"napapaisip lang ako, alam kong unti unting nahuhulog yung loob namin ni Mayumi sa isa't isa pero hindi ko alam kung paano malalaman na handa na kami para mag isang dibdib" sabi ko
"mararamdaman niyo yun pareho, marahil ay nagugulhan ka dahil sa bilis ng mga pangyayari" sabi ni Rufo
"Siguro nga" sabi ko
"alam mo, kung magkatotoo ang propesiya, basta iingatan mo si Mayumi, wag na wag mo siya papayagang masaktan ng hari ng Larosa" sabi ni Rufo
"Ang ibig mong sabihin ng iyong ama?" tanong ko
"kung maari lang baguhin ang lahat" sabi ni Rufo at umupo malapit sa fountain at humawak sa buhok
"May mga bagay na kahit ayaw natin, kaylangan nalang natin tanggapin" sabi ko
"Mabuti nga at dumating ka sa aming mundo, pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng kapatid, na proprotektahan, at makakausap, marahil ganito ang aking nararamdaman dahil kauri mo ang aking kapatid sa hari ng Larosa" sabi niya
"gusto mo siya makilala?" tanong ko
"oo, gustong gusto, gusto kong mayakap man lang ang kapatid ko at makausap" sabi niya
"hindi na ba kayo maayos ng iyong ama?" tanong ko
nag gipit balikat lang sya
"Alam mo minsan naiisip ko ano kayang pakiramdam na magkaroon ng isang ama" sabi ko
"asan ba ang iyong ama?" tanong niya
"bata pa ako nung huling beses ko sya makita, simula noon wala na akong balita, ayaw ng mommy na pag usapan ang aking ama" sabi ko
"mommy?" tanong niya
"sa aming mundo madaming tawag sa isang ina, isa na ang mommy" sabi ko
"Andito lang pala kayo, Mickee hinahanap ka ni Mayumi" sabi ni Liwayway
"puntahan mo na, baka isipin pa nya kung sino ang kasama mo" sabi ni Rufo
"sige, mauna na muna ako" sabi ko
habang nag lalakad ako papasok
iniisip ko nag aking ama
kamusta na kaya sya?
asan kaya siya ngayon?
"Yumi, bakit?" tanong ko
"gusto ko sanang tanungin kung nais mo bang tumulong sa pag aayos ng piging para bukas ng gabi, hinihiling kasi ng mga diwata na makita kung paano ang piging sa mundo niyo" sabi ni Yuni
"oo naman walang problema" sabi ko