Ika-5

734 44 0
                                    

( Mickee's P.O.V )

gabi na at may piging ulit

kaya pala gabi gabing may piging dito ay gusto ni Mayumi na laging nag sasalo ang mga diwata, masaya lang, hindi gusto ni Mayumi ang digmaan o kahit anong gulo

nalaman ko din na sa tatlong kaharian, ang Balrosa ang pinakamayaman at malaking kaharian

nasandal ako sa pader habang pinapanood ko ang mga diwatang nagsasayaw, bata o matanda kita mo ang saya nila

"mag bigay galang, ang mahal na reyna" sabi ng kawal malapit sa pinto

pag baba ni Mayumi ay sinalubong ko siya at kinuha ang mga kamay niya

nakangiti namang nag bubulungan ang mga diwata ng makitang umilaw ang mga kamay namin

ngayon ay pareho ang liwanag ng mga kamay namin ngayon

tuwing hawak ko si Mayumi ay para akong aatakihin sa bilis ng tibok ng puso ko

"kumain ka na ba?" tanong niya

"hindi pa, hinihinay kita" sabi ko

habang nag lalakad kami ni Mayumi ay nasalubong namin si Rufo at Liwayway

"nagagalak akong makitang masaya kayong pareho" sabi ni Rufo

"paano hindi sasaya ang mahal na reyna..." sabi ni Liwayway

pero nagsalita agad si Mayumi

"tumigil Liwayway, manunukso ka lamang" sabi ni Mayumi

"ang sasabihin ko lang naman ay masaya ka dahil may piging, ano ba ang iniisip mo mahal na reyna?" pilyang sabi ni Liwayway

pinanlakihan siya ng mata ni Mayumi

natawa nalang kami ni Rufo sa ginagawa ng magkapatid

"Mayumi, tara sayaw tayo" sabi ko

hindi ko na siya hininatay mag salita pero nadala ko na siya sa gitna ng sayawan

hindi ko maintindihan yung tugtog nila dito

maganda naman

"ilagay mo itong isa sa tenga mo" sabi ko habang nilalagay din ang isang earphone sa tenga ko ginaya naman niya

tapos priness ko na yung play button

———————
note:
Play niyo yung video, kung trip niyo

———————


"Sayaw na tayo" sabi ko tapos ngumiti siya

"anong tawag sa mga gamit na ito?" tanong niya

"yung nasa tenga natin ay earphone, ginagamit ito para tayo lang ang makarinig, yung nasa bulsa ko naman ay cellphone, pwede kang magpadala ng mensahe, kumuha ng litrato at magpatugtog" sabi ko

nilabas ko ang cellphone ko at nilapit ko siya sa akin at nag selfie kami

hindi ako mahilig mag picture pero tingin ko kakuha kuha ng picture ang gabing ito

"ang ganda naman" sabi niya

"kasi maganda ka" sabi ko

"I love you Mayumi" sabi ko

"Ano yun?" tanong niya

"wala napakaganda mo" sabi ko

habang sumasayaw kami hindi ko maiwasan tumingin sa mga mata niya

Two Different Worlds (GxG) (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon