Chapter 5 📖

53 7 1
                                    

Xiana's POV:

"Ano ba pwedeng mairegalo kay Chersey?" tanong ko kay Eiza habang nililibot ko ang mata sa loob ng mall. Wednesday ngayon at ngayon lang kami makakabili ng gift dahil hindi kami natuloy nung monday dahil may pinuntahan sila Eiza at ang mommy niya. Kahapon lang sila bumalik kaya ngayon namin nagpadesisyunan mag punta ng mall. Hindi naman maaring si Hershey ang isama ko dahil paniguradong sasabihin niya na sa kapatid niya kung ano ang biniling regalo ko.



"May naisipan na kasi akong ireregalo sa kanya. Book na lang para naman malibang siya magbasa katulad natin. Ewan ko ba naman dito kay Hershey at ayaw niya talaga magbasa kasi ang haba haba daw. Hindi niya lang aminin na tinatamad siyang magbasa" wika pa niya.



"Ah alam ko na! Mahilig si Chersey mag collect ng mga stuff na stitch. Yun na lang ang bilhin mo sa kanya" dagdag pa niya. Buti na lang kasama ko siya. Wala talaga akong ideya kung ano ang maaring iregalo sa kapatid ni Hershey.



"Sige, ayun na lang bibilhin ko"



Habang naglalakad kami sa mall ay napansin namin ang magkapatid na si Rix higit higit si Seven sa kanyang damit.



"Bakit mo ba ako sinasama dito? Alam mo naman ayoko sa ganitong lugar. Masyadong maraming tao. At tsaka naman hindi ka naman sigurado na makakapunta ako kina Clinton sa friday. Alam mo naman hindi ako mahilig pumunta sa mga party!!" sigaw ni Seven sa kanyang kapatid at tinatanggal nito ang pagkakapit nito sa kanya. Pumunta naman sa harap ni Seven si Rix para harangin siya nang hindi ito makaalis.



Lumapit naman kami sa kanila nang hindi nila kami napapansin.



"Kahit naman ako kuya. Nung una nag aanlinlangan pa ako kung pupunta ako o hindi. Kung hindi nga lang kay Xiana o kay Clinton ay hindi na akong mag aabalang pumunta pa doon" pagwiwika nito. Pero hindi ito nakikinig sa kapatid sa halip ay nakatingin ito sa amin na walang ekspresyon ang mukha. Nakatalikod sa amin si Rix kaya hindi niya kami nakita.



Nang mapansin niyang walang imik sa kanya si Seven ay tsaka lang siya pumihit ng paharap sa amin. Nagulat pa siya ng makita kami.



"Anong ginagawa niyo dito Xiana at Eiza?" tanong niya sa amin.


"Bibili kami ng gift" maikli kong sagot.



"Para kay Chersey?" tumango ako bilang sagot.



"Kung ganun samahan na namin kayo ng kapatid ko. Tutal bibili rin kami ng gift kay Chersey" saad ni Rix. Tumingin naman ako kay Seven na blanko lang ang mukha.



"Ayos lang sayo Seven? Baka kasi-" Seven interrupted her.



"Hindi. Ayos lang. Mabuti na yun may kasama kayo. Kung titingnan ay madaming lalaki ang lagi ang nakatingin sa inyo na mukhang may masamang balak sa inyo. Kapapansin kayo dahil babae kayo at dahil sa itsura niyo. Maganda kayong pareho at bilang kaibigan ayaw naming may mang mambabastos sa inyo o masamang mangyari sa inyo kaya mabuti na kasama niyo kami" hindi kami ganun kaclose ni Seven at nagpapasalamat ako na nag aalala siya sa amin.



"Tama si kuya! Buti na lang at nakita niyo kami. Mabuting na yung samahan namin kayo. Tss kainis! Sarap suntukin ng mata ng mga gagong yun" may itinuro pa siya mula sa likod namin. Pumihit ako patalikod at may nakita nga akong tatlong lalaki nakatingin sa direksyon namin.



Akmang susugudin na sana ni Rix pero pinigilan ko na siya at hinawakan ko ang braso niya. Ayaw kong gumawa ng gulo. Kaya pinigilan ko na si Rix lalong lalo na nandito pa kami sa loob ng mall. Kilalang kilala ko siya at hindi talaga siya papapigil.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon