Chapter 17📖

28 6 0
                                    

Xiana's POV:

Natapos na naming lahat ang mga gawain. Hindi lang namin nagawa ay ang mag palit ng damit. Nakaaranged na lahat mula sa mga pagkain sa lamesa, Cake, mga decoration, baloons at syempre hindi mawawala ang drinks na beers para sa mga lalaki. Si Eiza ang inatasan kong magdala ng cake sa pagsalubong kay Rix.
Hindi narin masakit ang likod ni Yljan sa tulong kapatid niya sa paghilot nito. Infairness napaka alaga ng kuya niya sa kanilang dalawa ni Xeriq.



Nandito na ang lahat. Ang iniintay na lang namin ay ang pagdating ng magkapatid. Nag text na si Seven na gising na si Rix at paparating na sila dito. Tama nga ang sabi niya na mabilis lang ang bisa ng gamot nito kay Rix. Buti na lang kung ganun.



"Okay guys! Pumunta na kayo sa mga pwesto niyo" utos sa amin ni kuya at pinatay ang ilaw kaya dumilim sa loob ng bahay. Hindi naman ako takot pero itong si kuya Clinton ay sinasabing maganda kung bukas ang ilaw para maliwanag ang pagkakasalubong namin kay Rix. Pero alam naman talaga naming lahat na naduduwag lang siya kaya nagdadahilan ito.



Rix's POV:

Nagising ako ng makita ko si kuya katabi ko siya na nagmamaneho ng kotse niya. Nang pagtingin ko sa labas ay madilim na ang kapaligiran at magdidilim narin ang kalangitan. Mahaba ba ang naging pagtulog ko? Ang tanging naalala ko ay natulog ako sa library. Ginising ako ni kuya doon at hinili pasakay dito sa kotse niya. May pinainom siya sa aking tubig at ayun na lang huling natatandaan ko bago ako makatulog.



"Buti't gising kana" sabi ng kuya kong nakatuon ang tingin sa daan.



"Saan ba tayo pupunta kuya? Paano iyong kotse ko sa school?" tanong ko at tiningnan ang oras sa phone ko. Mag 7 na pala ng gabi.



"Huwag kang mag alala. Pinasundo ko na kay manong Lando at ibinigay ko sa kanya muna ang susi mo" walang kabuhay buhay na sagot niya.



"Eh saan ba talaga tayo pupunta at pinainom mo pa talaga ako ng pampatulog" hindi kasi pamilyar sa akin ang tinatahak namin na daan ni kuya.



"Ang ingay mo kasi kaya kita pinatulog. Manahimik kana lang at malapit na tayo sa pupuntahan natin" Seriously! Para hindi naman nakakatanda etong si kuya sa birthday ko. Katulad din siya ng iba.



Hindi na lang ako umimik pa at tumingin na lang din sa daan. Hindi rin naman din kasi makausap itong si kuya. Mas magandang pang kumausap na lang ng aso kesa sa kanya. Atleast ang aso sasagot sayo, yun nga lang tatahulan ka lang.



Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Maganda sana ito dahil medyo na kalakihan ito ngunit wala manlang kailaw ilaw iyon sayang pa naman maganda pa naman siyang bahay bakasyunan.



"Anong ginagawa natin dito kuya?" malamig na pagkakasabi ko. Hindi ito nagsalita at bumaba ng kotse. Nagtatampo talaga ako sa kapatid kong ito. Hindi talaga inalala ang araw ng kapanganakan ko. Naturingan ko pang mang kapatid.



"Ano? Diyan ka na lang ba! Hindi ka pa bababa?" tanong ng kapatid kong masungit. Dapat ako itong nagsusungit sa kanya ngayon. Tss.



Bumababa narin ako. Pinagmasdan ko uli yung bahay. Ano ba kasing gagawin namin dito? Naglakad na kami papalapit sa bahay.



"Mauna ka!" utos sa akin ni kuya. Seriously! Ako pa talaga ang unang papasukin niya. Paano pag kinasuhan kami ng trespassing neto. Naghihirap na ba kami at naisipan ni kuya ng magnakaw na lang kami sa malaking bahay na ito pero bakit sa malayong lugar pa niyang naisipan magnakaw? Parang pinagplanuhan talaga ito ng maayos ni kuya.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon