Chapter 7 📖

49 7 0
                                    

Xiana's POV:

"Why so serious?" aatakihin yata ako sa puso dahil sa pabigla bigla nitong pagsulpot ni Xeriq sa likod namin. Wala na ata itong ibang binabanggit na salita kundi ang "why so serious" na akala mo ay word of the day para sa kanya!



"G*go ka Xeriq! Bakit ka bigla biglang sumusulpot! Ipapa hunting na kita kay Batman!" sigaw ni Rix dito. Namutla naman si Xeriq sa sinabi nito. Anong problema ni Xeriq kay Batman at ganun na lang ito mag react?



"Waaaaaah! Subukan niyo lang ipakita yang paniki na yan sakin! Isusumbong ko kayo kina daddy!" mapapairap na lang ako sa inaasal ng dalawa.



Wala atang balak si Xeriq na tanggalin ang make-up sa mukha niya. Siguro kailangan ko ng bumalik sa labas dahil baka mahawa pa ako sa kalokohan ng mga magkakaibigan na ito.



Humakbang na ako ng dahan dahan para hindi nila ako mapansin. Malapit na sana ako sa may pinto pero dahil sa baba ako nakatingin ay bigla na lang nabangga ako sa isang matigas na bagay or let say na tao pala ang nabangga ko. Tumama ang ulo ko sa dibdib niya at natapunan pa nito ang damit ko sa may bandang balikat dahil may dala ito na baso may lamang tubig. Nakahaw ito sa baywang upang suporta para hindi ako matumba. Tumingala ako para malaman kung sino ito at wrong move lang dahil doon ay ilang dangkal na lang ay magkalapit na ang aming mukha at maari nang maglapat ang mga labi namin.



Napatitig ako sa mga mata niyang kulay brown at makinis niyang mukha. Nakakailang ngunit para walang kibo ang katawan ko. Nakatitig lang ito sa akin at tila nakatitig din sa mga mata ko. Matagal din kami nasa ganung pwesto at nakakaramdam narin ako ng lamig dahil unang una wala akong dalang jacket at pangalawa nabasa pa ang suot suot kong damit. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko.



"Ehem!" napabitaw ako kay Yljan ng sumulpot si Xeriq sa tabi namin. Buti na lang at wala na itong make-up sa mukha ngunit para itong kabute na bigla bigla na lang sumusulpot.



"Ano ginagawa niyong dalawa dito? Bakit namumula ang mukha mo Xiana?" tanong nito na kita sa mukha ang pagtataka. Nakasunod dito ang tatlo na sa tingin ko ay tapos na sa pagtatalo. Hindi ako sumunod bagkus ay tinakpan ko ang mukha ko sa pamamagitan ng buhok upang hindi na magtanong ang iba kung bakit nanumula ako.



"Sinundan ko kayo. Hinahanap na kayo nila tita. Bakit kasi ang tagal niyo?" sagot nito at umiiwas ng tingin.



"Anong nangyari dyan sa damit mo Xiana at bakit mo tinatakpan yang mukha mo?" tanong ni Rix at tinatanggal nito ang pagkakatakip sa mukha ko.



"Nagkabunguan kaming dalawa kaya natapunan ko yung damit niya" sabi nito sa mahinang boses.



"Sana naman sa susunod mag ingat ka naman bro! Teka kukuha lang ako ng tissue. Nasaan ba bag mo?" itinapat niya ang kanyang mukha malapit sa akin at inihawi ang ibang hibla na tumatakip sa mukha ko.



"Naiwan ko yata sa coach" tugon ko.



"Sige. Kukunin ko lang" umalis ito at  bumalik sa sala. Ako naman ay niyakap ang sarili ko dahil ramdam ko na ang panglalamig. Sana hindi na lang ganitong dress ang sinuot ko at nag long-sleeve na lang ako.



"Teka, tatawagin ko lang si manang o kaya si Hershey para mapahiram ka ng damit niya. Tignan mo ang sarili mo basang basa ka. Baka magkasakit ka. Mag aalala ang pamilya mo sa iyo lalo na ang kuya mo sayo. Pag nagkataon na mangyari yun sabihin naman ni Hexon na hindi namin inaalagaan ang princess nila" bakas sa mukha ni kuya Clinton ang pag aalala. Napa caring talaga niya.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon