Chapter 15📖

36 6 2
                                    

Eiza's POV:

Inaayos ko ang mga gamit ko nang pumasok si mommy sa kwarto ko.



"Anak matagal ka pa ba? Nasa baba na ang sundo mo" sabi ni mommy ng makalapit siya sa akin. Nagulat ako sa sinabi ni mommy.



"Ho? Susunod na lang po ako mommy pagkatapos ko po dito" sagot ko at binilisan ko ang pagkilos.



"O sige. Bilisan mo para hindi maghintay ng matagal si Rix sa baba" tumango ako at lumabas na siya sa kwarto ko.



Bakit ang aga naman ata niya? Buti na lang maaga akong nagising.



Kaysa mag isip pa ako ng kung ano ay bumababa na ako dala dala yung bag ko. Nadatnan ko naman sa sala sina daddy at Rix na nagtatawanan.



"Oh ayan na pala ang hinihintay mo! Ingat kayo sa byahe ha. Huwag masdayo mabilis magpatakbo ng kotse" paalala ni dad kay Rix. Close din silang masyadong dalawa kaya ipinagkakatiwala nila ako kay Rix since magkapitbahay kami.



"Nasaan si mommy dad?" tanong ko.



"Nasa kwarto anak. May inaayos sa pagkakaalam ko ay may pupuntahan siya" tumango ako.



"Umalis na kayo. Sasabihin ko na lang sa mommy mong umalis kana" tumango uli ako at humalik sa kanyang pisngi.



"Heheh. Sige po una na kami" aniya Rix.



"Bye dad" kumaway muna ako sa kanya bago lumabas ng bahay.



Nasa tapat na ng bahay nila ang kotse kaya lumiban kami ng kalsada at pumunta doon. Pinagbuksan ako ng pinto ni Rix at ng lumingon ako sa kanya ay ang lapad ng pagkakangiti niya.



"Bakit ang saya mo ata?" hindi ko napigilan at ngumiti rin ako. Nakakahawa ang ngiti niya.



Bigla bigla ay napawi ang ngiti nito at napalitan na lang ng pagka seryoso ang mukha niya.



"Wala" mahina nitong sabi at padabog na isinarado ang kotse. Napapitlag naman ako sa ginawa niya. May ptoblema ba siya? May nasabi ba akong masama? Bakit nag iba bigla ang mood niya.



Pumasok narin siya sa kotse at sinimulang paandarin ang sasakyan. Tahimik lang itong nagmamaneho at seryosong nakatingin sa daan. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema. Pero mas pinili kong tumahimik na lang.



Galit kaya siya sa akin? Pero ano naman ang dahilan ng ikakagalit niya. Ayoko pa naman na nagkakaganito siya sa akin dahil hindi ako mapakali sa tuwing ganyan ang itsura ni Rix. Nakakatakot siyang tingnan. Mas bagay sa itsura niya yung laging siyang naka smile pati narin ang mga singkit niyang mata.



Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa school. Bumaba na siya ng kotse ngvhindi tumitingin sa akin. Pinagbuksan niya ako pero wala sa akin ang tingin niya kung hindi nasa ibaba.



Hindi ko na mapigilan ang magtanong sa kanya.



"Galit kaba Rix? May nasabi ba akong mali sayo kanina?" hindi ito kumibo o nagsalita manlang bagkus ay iniwan niya lang ako.



Haysst. Nagpakawala muna ako ng mahabang hininga bago isinarado ang pinto ng kotse at sumunod na sa kanya.



Ano bang gagawin ko para mawala ang galit niya sa akin. Nauna pa siyang maglakad sa akin. Dahil mabilis siyang naglakad ay hindi ko na siya mahagilap baka nauuna na siya sa classroom niya. Mukhang badtrip siya sa akin dahil hinahatid niya pa ako sa room pag ganitong oras.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon