Chapter 19📖

35 7 0
                                    

Eiza's POV:

"Natatakot ka pa rin ba?" tanong sa akin ni Rix. Umiling lang ako bilang sagot.



Nung una ay nahihiya pa ako at nahihirapan sa pagpatagalan sa paglubog sa tubig ngunit nasanay naman ako nung matagal. Itinuro pa akin nito kung paano mag dive at magpalutang sa tubig. Natakot ako kanina ng dalhin niya ako sa malalim na parte ng batis na ito. Buti na lang at nakaalalay ito sa akin. Naiilang nga ako sa pwesto namin kanina dahil nakayakap ako sa kanya at iilang dangkal ang mga mukha namin.



"Buti hindi kana galit sa akin Rix" saad ko.



"Sorry nga pala sa nangyari kahapon. Akala ko kasi ay nakalimutan mo na ang birthday ko" naguilty naman ako sa sinabi ni Rix. Kung wala sigurong naganap na surprised party kahapon, siguro ay hindi ako papansinin ni Rix ng ilang linggo at ayun ang hindi ko kakayanin. Pinilit kong nalang ngumiti sa kanya.



"Kuya bakit nasabi ni kuyang may pating dito? Pating sa batis? Ang OA niya no!" narinig namin ang mga tinig na yun sa likod namin.



"Huwag mo na lang pansinin ang matandang yun. Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa akin kanina Xeriq. Itinulak mo ako kanina sa tubig" tinig iyon ni Yljan. Pagtingin ko sa kanila ay naglalangoy ang mga ito papalapit sa aming pwesto.



"Nakalimutan ko nga yun kuya kaya ikaw kalimutan mo na rin. Heheheh" pilit ang pagtawa ni Xeriq habang kinakausap nito ang kuya niya.



"Sira!" saad ni Yljan at pinaltalsikan nito ng tubig at mukha.



"Oh anong ginagawa niyo diyan? Nag dadate kayo dito sa batis?" mapanuksong tanong ni Xeriq ng makita kami. Nahihiya akong lumayo kay Rix ngunit hinawakan uli nito ang aking bewang papalapit sa kanya.



"Gago ang cheap naman noon. Tinuturuan ko lang naman mag langgoy si Eiza. Kayo talaga iba ang iniisip niyo sa akin" natawa lang si Xeriq habang nasa iba naman ang tingin ni Yljan. Sinundan ko ang tingin nito, ayun pala ay nakatinhin ito kay Xiana.



Xiana's POV:

Mag iisang oras na ata kaming nandito sa batis. Parang walang kapagod pagod ang mga ito sa paglalangoy. Nag disisyon kong huwag muna magpaturo kay Chersey ng mga basic sa paglalangoy kasi nakikita ko naman na nag eenjoy siya makipag tampisaw kila Xeriq. May next time pa naman kaya sa dusunod na lang ako magpapaturo. Lumusong na sa tubig si Hershey kanina pa at ngayon ay todo kuha ito ng pictures niya gamit ang iphone niya.



Umahon narin ako sa tubig at lumapit sa may basket para tignan kung may natirang prutas doon. Natitira na lang na nandoon ay isang malaking chips at mansanas.



Bago yun ay nagbihis muna ako nung dress na hinubad ko kanina. Lumapit na ako sa basket kinuha mula doon ang mansanas at kinagatan iyon. Nahuli kong nakatingin sa akin si Hershey.



"Feeling sleeping beauty ha" nakangisi nitong sabi. Binalewala ko lang siya at inubos ang mansanas.



Hmmn. Sana makapasyal uli kami dito. Sayang at isang linggo na lang ang pag iistay dito nila kuya. Gusto ko pa naman na magtagal ang bakasyon namin kasi yun nga may pasok kami.



Naisipan ko na kuhanan ng litrato sila para naman may pictures sila ng mga memories na magkakasama sila dito sa lugar na ito lalo na't first time lang naming makarating dito. Kinakapa ko ang dress ko baka sakaling dala dala ko rito ang phone ko ngunit naalala kong wala pa lang bulsa itong dress ko kaya iniwan ko na muna ang phone ko sa bedside table kanina.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon