Chapter 6 📖

65 7 2
                                    

Xiana's POV:

Nakaupo kami ngayon sa isang mahabang table dito sa may garden. Gaya nga ng sabi ko. Ay isang simpleng salo salo ang magaganap ngayon at kami kami lang nandito ni Eiza at mga kaibigan nina kuya Clinton na sina Zelix ang naiimbitahan ngayon kaarawan ni Chersey. Wala din itong masyadong kaclose sa school. Paminsan minsan ay kami ang kasama niya. Dumating na rin si Zelix ngunit hindi parin niya kasama si Xeriq dahil mukhang malalate ito ng dating.



"Damihan mo kumain Xiana! Ang payat mo na eh" as usual katabi ko na naman si Rix. Marami siyang nilagay na food sa plato ko. Lumapit ako sa kanya.



"Rix hindi ako payat. Sadyang sexy lang ako" pag bulong ko sa kanya. Natawa siya kahit hindi wala naman nakakatawa.



"Mas maganda na yung chubby ka para mas lalo kitang maasar" bulong din niya pabalik. Tuwang tuwa na naman ang loko sa pang aasar sa akin. Napatingin tuloy ang iba sa pwesto dahil sa pagtawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at dahil dun tumigil siya sa kakatawa niya.



"Hoy kayong nga dalawa ay mahiya hiya ha. Nasa harap kayo ng pagkain. Mamaya na kayo maglambingan pagkatapos kumain" pag suway sa amin ni Heshey na katabi ko lang at nakabusangot ang mukha. Gusto ko tuloy matawa sa pagkakakita ko sa mukha niya. Papaano kasi ay gusto niyang katabi si Seven pero hindi niya magawa dahil nandito ang daddy niya.



Tumingin naman ako kay Seven na relax na relax na kumain ng barbeque. Sa loob looban nito ay masaya ang lalaki nito dahil hindi siya kinukulit ni Hershey. Nadako naman ang tingin ko sa katabi niya. Nakatingin din ito sa akin. Dahil sa pag kailang ay umiwas ako ng tingin sa kanya.



Madalas ko na siyang nahuhuli na nakakatitig sa akin.



Pangit ba suot ko? O baka naman hindi bagay sa akin ang may make-up?



Magkatapat kami sa lamesa kaya hindi talaga maiiwasan ang pagtatagpo ng mata namin.



"Oh bro asan na daw si Xeriq?" tanong nito kay Zelix na kakabalik lang dahil tinawagan nito si Xeriq. Umupo ito sa tabi niya.



"On the way na. Natagalan siya sa pagsakay sa taxi kaya malalate pa siya ng 15 minutes" sagot niya at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa palato niya. Marami rami siyang nilagay na halos lahat ng nasa mesa ay kumuha siya. Hindi ko alam na malakas pala kumain ang pinakamatanda sa magkakapatid na Allejo.



Susubo na sana si Zelix ngunit pinigilan siya ni kuya Clinton sa kamy na nakahawak sa kubyertos at ibinaba muna ito.



"Bago tayo kumain kantahan muna natin ang little sis ko ng happy birthday" masayang sambit ni kuya Clinton. Napatakip naman si Chersey sa kanyang mukha na animo'y nahihiya.



"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Chersey!" masayang pag awit namin at haluan pa ng nakakatuwang pag awit nila Rix ng happy birthday na pang acapella ang mala boses. Tinakpan naman ni Chersey ang mukha niya na tila ay nahihiya. Lumapit sa kanya si kuya Clinton at hinawakan ang kamay nitong tumatakip sa mukha.



"C'mon princess huwag mong takpan yang mukha mo. Huwag ka ng mahiya!" aniya ni kuya Clinton.



"Dalaga na ang bunso namin. Happy birthday princess! Ito ang gift namin sayo ng mommy mo!" bati naman ng dad nila at may binigay itong maliit na box at hinalikan sa noo ni Chersey. Binuksan niya naman ito at tuwang tuwa siya na makita niya ang laman ng box. Isang bracelet na silver at may design na hugis mukha ng pusa sa gitna. Mahilig talaga si Chersey sa mga pusa.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon