Chapter 14📖

30 7 2
                                    

Xiana's POV:

Kakababa ko lang kanina sa sasakyan ni Rix. Nandito na ako sa labas ng gate namin. Pumasok na ako at nakita ko si manang na palabas ng bahay bitbit ang itim na plastik na naglalaman ng basura.



"Oh Xiana dumating kana. Kumain kana sa loob nagluto ako ng paborito mo" ngiting ngiting sabi sa akin ni manang. Nilagpasan na nito ako. Ano kaya meron ngayon at parang ang saya ata niya ngayon. Pailing iling na lang akong pumasok sa loob ng bahay.



Na curious ako sa luto ni manang kaya nag diretso kaagad ako sa kusina. Papalapit pa lang ako eh naaamoy ko na kung ano yun.



Pagpasok ko sa may dining area, naabutan ko dun ang isang lalaking matangkad. Nakatalikod ito sa akin habang umiinom ito ng tubig. Kilala ko ang may ari ng likod ng lalaking ito.



Nang matapos nito mainom ang kanyang tubig ay humarap na ito sa akin. Nabigla ako nung una. Tama ang hinala ko.



"Kuya kailan ka pa dumating?" nagtataka ako ng una pero di kalaunan ay kumunot ang noo ko.



"Halika nga dito pa hug ako. Kakadating ko lang nakanuot na yang noo mo. Ang pangit mo tuloy!" lumapit ako sa kanya at inihug siya. Tawa parin siya ng tawa.



"Hindi mo ba ako na miss?" nagbago ang boses nito at tila naging seryoso.



"Syempre namiss" hinampas ko siya sa likod at natawa narin. Ganito kami ka close ni kuya. Mas kaclose ko pa ata siya sa kambal ko.



"Kumain kana ba?" umiling ako. "Sumabay kana sa akin. Alam ko naman na paborito mo ang sinigang kaya ayan ang pinaluto ko kay manang" bukod kasi carbonara, paborito ko rin ang sinigang. Umupo na kami sa harap ng mesa. Pinagsandok niya pa ako ng kanin at ng sinigang. Ganun kasweet si kuya. Kaya swerte ang magiging girlfriend niya pag nagkataon. Mabait, Sweet, Caring, Gwapo at  higit sa lahat napaka talino pa.



"Kuya may girlfriend kana ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Nabulunan siya sa kanyang kinakain kaya dali daling inabutan ko siya ng tubig.



"Sorry" ani ko at nag peace sign.



"Bakit mo naman naitanong yan?" tanong nito habang ngumunguya. Mukhang gutom na gutom si kuya.



"Kasi wala ka pang naipapakilala sa akin na kahit sinong mang babae na nilililigawan mo or naging girlfriend mo.  Ang huling naikwento mo sa akin ay yung first love mong si tintin pero hindi ko naman siya kailan na memeet" sa huli ay nag pout ako. Naglagay na ako ng kanin sa plato ko. Kumain narin ako at tinikman ang favorite kong sinigang.



"Wala akong time para diyan Xiana lalo na't gustong ipa handle sa akin ni daddy ang business natin. Hayaan mo pag hindi na ako busy makikipag date ako. Ikaw ba may boyfriend kana ba? Siguro ang dami na namang manliligaw ng bunso namin" pag dating sa pakikipag relasyon, hindi na nagagalit si kuya dahil tumatanda na ako. Hoy hindi katulad ng mga senior citizen. Ang ibig kong sabihin ay alam ko na ang tama at mali. At alam ko ang limitation ko pag nasa isang relationship na ako. Magagalit lang siya unless na saktan ako nung guy physical man or emotionally.



"Wala ah" sagot ko na lamang at nagpatuloy sa pagkain.



"Nga pala kuya, bakit ka pala napauwi?" wala naman kasing okasyon, hindi ko naman birthday.



"Nagpaalam ako kina dad at mom na uuwi muna ako dito sa pilipinas para maka bonding kayo. Sinubukan ko ring isama si Lianne pero busy siya sa school kaya solo lang akong umuwi dito. Sabay narin kami ni Clinton pabalik ng States. May nabanggit ba sa iyo ang kuya Clinton mo kung kailan sila bibisita sa rest house nila? Hindi naman pwedeng wala ako doon. Miss ko na ang mga tropa kaya napa uwi ako" mahabang sagot nito. Naalala ko nga pala nung niyaya kami ni kuya Clinton na mag bakasyon dun sa rest house nila nung birthday ni Chersey.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon