Chapter 22 📖

78 9 1
                                    

Xiana's POV:

"Ate doon naman tayo sa pool mamaya" ani ni Chersey habang ngumunguya ito ng inihaw na barbeque.



"Okay" sagot nito at uminom na ng juice.



"Tapos kana agad?" tanong ko. Tumango ito. Katabi ko lang kasi si Hershey at pansin kokonti lang ang kinain nito.



"Ay ganyan talaga yan ate Xiana. Kapag kasi ganitong may outing kami lagi niyang dinadahilan nag didiet daw siya" sagot ni Chersey. Maya maya ay umalis si Hershey at lumapit sa kanyang kuya.



Tapos narin akong kumain kaya nanatili muna ako sa kinauupuan ko at pinanood ang iba na hanggang ngayon ay kumakain parin. Nakita kong iniabot ni Xeriq ang bote ng ketchup at talagang nakapagpakunot ng husto ng aking noo sa kung anong mang maari niyang gagawin sa ketchup. Napansin rin iyon ni Rix at mababakas sa mukha nito ang pagtataka sa ginagawa ni Xeriq.



"Bro anong trip mo at nilagyan mo ng ketchup ang saging? Nababano kana ba o sadyang malabo yang mata mo kaya napagkamanlang mong hotdog ang saging!" sa huli ay natawa na lang si Rix sa kanyang nasabi samantalang parang napaka inosente naman ang mukha ni Xeriq at tinitigan ang saging niyang may ketchup. Bumaling ito kay Rix at sinagot niya ang tanong nito.




"Nakita ko kasi na nakalagay sa bote ng ketchup banana ketchup daw iyon kaya nag try ako at gusto ko malaman ang lasa kapag pinag combined ang lasa ng banana at ketchup" weird na sagot ni Xeriq at tinikman nga nito ang kanyang banana ketchup kuno. Napangiwi sa maaring lasa noon. Para itong buntis na pinaghahalo ang mga pagkain kapag naglilihi sila.




"Hmmn. Masarap ah. Gusto mong tikman?" inilapit nito ang may bawas na saging sa bibig ni Rix ngunit iniiwasan niya ito.



"Ang weird mo bro saan ka ba galing planeta?" inignore lang ito ni Xeriq at muling kumuha ng saging at naglagay ng ketchup dito.



••••




Now playing: 🎼Dance the night away by twice🎵🎶



Nakalublob ang paa ko ngayon sa pool habang umiinom ng juice. Mangilan ngilan lang ang tao dito dahil karamihan nang tao ay nasa tabing dagat.




"Ate tara dito hindi naman masyado malalim ang tubig" pangungumbinsi ni Chersey. Inubos ko muna ang ang juice na ininom ko bago tumayo. Plano ko sana na na dumaan sa may hagdan pababa ng pool ng magulat ako ng may humawak sa bandang beywang ko at bigla ay sabay kami nahulog sa pool.



Pagkaahon ng mukha ko sa tubig, hinanap ko kaagad ang kasama kong nahulog sa tubig.



Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa likuran ko. Tinaas nito ang kanyang mga kamay bilang pag surrender sa nagawang kasalanan.



"Xiana that not my fault! Si Xeriq tinulak niya ako kaya napadamay ka. I'm sorry" pag kokombinse nito para maniwala ako sa kanya.



"Sorry daw. Pasimpleng manyakis ka lang" sigaw sa kanya ni Xeriq. Pagkasabi niya noon ay mabilis itong tumakbo paalis.



"Aba't ang gagong yun!" mabilis na umahon sa tubig si Rix at patakbong sinundan nito si Xeriq. Nakasalubong pa nilang dalawa si kuya na papunta rin dito sa swimming pool.




"Bakit naghahabulan ang dalawang iyon?" nagtatakang tanong ni kuya.



"Hay naku kuya Exon. Huwag mo ng pansinin ang dalawang childish na iyon. Baka eto ang huling araw na magsasaya ang mga iyon dahil bukas balik eskwela na naman tayo nito" kung makapagsalita itong si Chersey para ang matured na.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon