Chapter 12📖

33 7 1
                                    

Xiana's POV:

"Anong problema ng lalaking yun?" tanong ng nagtatakang si Hershey. Lahat kami ay naguguluhan ngayon sa ikinikilos ni Rix.



Basta na lang siya pumunta dito sa condo ni Migo. Kaya pala niya hiningi ang address ng condominium nito. Pagkadating niya dito ang ang sama ng tingin ang ibinungad nito kay Migo. Seyosong seryoso ang mukha nito at basta nalang hinila palabas si Eiza. Hindi ko tuloy mawari kung bakit ganun



"Magkakilala na ba kayo dati ni Rix? Bakit parang ang sama ng pagkakatingin niya sa iyo simula pa lang kanina?" tanong ni Hershey kay Migo.



"Siguro, dahil nasa iisang subdivision kami dati nakatira at simula noon laging maiinit ang ulo niya sa akin sa tuwing magkasama kami kahit hanggang ngayon pa din ata" natawa pa eto ng mahina na parang wala lang.



"Ahh.. Maghuhugas lang ako ng pinagkainan natin" nasabi ko na lang.



"Ay naku huwag na. Bisita ko kayo kaya ako na lang" pigil nito sa akin ng hahakbang na ako papunta sa kusina. Hinila niya kami papuntang living room. Pinaupo niya kami doon ni Hershey.



"Ako ng maghuhugas ng pinggan. Stay put lang kayo dito. Intayin niyo ako dito para maihatid ko na kayo pauwi" ani nito.



"Nakakahiya sa iyo kung wala manlang kaming ginawa. Hayaan mo na kami ang maghugas" tumingin ako kay Hershey pero dinedma niya ako sa halip ay may kinukuntingting ito sa phone niya. Napairap na lang ako sa hangin.



"Huwag kanang makulit ako na ang bahala" nag pout ako habang siya naman ay natatawa ng mahina papunta ng kusina.



After 20 minutes ay natapos rin sa paghuhugas ng pinggan si Migo. Nagpalit muna ito ng damit dahil hindi pa kasi ito nakapag palit kanina at naka uniform parin ito habang nagluluto. Matapos noon ay lumabas na kami ng unit niya. Sumakay kami sa elevator at doon ay nagpasalamat sa kanya sa pag papakain sa amin ng dinner sa unit niya at syempre sa paghatid na rin sa amin pauwe.



Nang makatating kami sa baba ay dumiretso kami sa sasakyan ni Migo. Doon sana ako uupo katabi ni Hershey sa backseat pero sinaraduhan niya ako ng pinto at sinabihang doon ako maupo sa unahan. Mauuna daw kasi siyang bababa kaya ako na daw ang  umupo sa passenger seat.



Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Muli kong sinilip si Hershey. Naka airphones ito habang may pinapanood sa kanyang phone.



Tiningnan ko naman ang oras sa phone ko at 8 na ng gabi. Tinext ko naman si Eiza kung okay lang ba sila ni Rix.



To Eiza:

Eiza, okay ka lang ba? Ayos lang ba kayo ni Rix? Nasaan ka?



Replay ko sa kanya. Isang minuto din ng mag replay siya.


Eiza:

Ayos lang ako. Nandito na ako sa kwarto ko. Naging okay narin si Rix nung makauwi kami. Siguro ayaw niya lang na kasama ko si Migo kaya siya nagkakaganun.


To Eiza:

Hmmn. Mukhang nagseselos lang ata yang si Rix.



Eiza:

Sa tingin mo nagseselos talaga siya?



To Eiza:

Siguro...



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon