Chapter 9 📖

56 6 1
                                    

Xiana's POV:

"Hindi ka pa nagugutom? Magpapahanda ako ng pagkain kay manang" nandito parin kami ngayon sa sala. Nakakailan narin kami ng napapanood na movies. Magkatabi kaming nakaupo sa sala habang kumakain ng popcorn. May nakalapag din na iba't ibang snacks at drinks.



Napapansin ko nitong mga nakalipas na araw na hindi na kami madalas na nagbabangayan ni Rix hindi katulad ng dati na ang init init ng ulo ko sa kanya dahil nakukulitan ako sa kanya.  Pero ngayon, parang may nag iba sa kanya. Minsan ay nagiging caring siya sa akin. Hindi niya rin ako iniinis o pinag tritripan.



"Hindi. Ayos lang. Hindi pa naman ako nagugutom. Ikaw ba? Gutom ka na? Gusto mo ipagluto kita?" umiling ako bilang sagot.



"No need. Ayaw ko mag cacancer" pagbibiro ko bigla naman sumeryoso ang mukha niya.



"Ayaw mo bang ipagluto kita?" bakas sa boses niya ang pagiging malungkot nito.



"Ikaw naman hindi mabiro. Hahah " tumawa naman ako kahit pilit. Hindi ako sanay sa mga kinikilos ngayon ni Rix.



"Ang galing talagang kumanta ni gabriella at troy. Bagay talaga silang maging couple" ang tinutukoy ko ay ang pinapanood namin ngayon na high school musical kung saan nag duduet si troy at gabriella sa isang music room at ang kinakanta nila ay breaking free. Ilan beses ko na ito napanood pero hindi parin ako nagsasawa dito. Basta talaga mga musicaly na movie nagiging favorite ko na. Sana may ganun din nagaganap sa school namin yung tipong lahat ng mga estudyante ay nahihilig sa musika. Minsan na iniimagine ko na ako si gabriella at yung taong gusto ay katulad ni troy na maganda ang boses na kumakanta habang pinalilibutan kami ng mga tao.



May sinasabi si Rix pero hindi ko yun narinig dahil mahina ang boses niya.



"Hmm. May sinasabi kaba Rix? Hindi kita marinig" tanong ko. Na curious ako eh.



"A-ano uuwi na ako. Nawiwili ka namang kasama ako" panunukso nito sa akin. Hayst ayan na naman siya. Balik na naman sa dati.



Hindi ako umimik. Inalis ko ang pagkakasabak ng cd at inayos narin ang iba niyang gamit. Ibinigay ko ito sa kanya.



"Oh ayan. Wili na akong umalis ka. Kainis ka. Ayan ka naman. Ang hilig mo na naman akong asarin" walang pagkairita ang boses ko bagkus ay natatawa ko itong sinabi sa kanya.



"Ihh. Ayaw ko. Baka mamiss moko" sabi niya at ngumuso sa harap ko. Hala! Bakit ganun ang cute niya. Nakapikit pa ang mata nito habang nakapout. Kaya may naisip ako.



Dahan dahan ngunit mabilis na hakbang ang paglalakad ko yung tipong hindi niya marinig ang yapak ng mga paa ko. Nasa labas na ako ng pintuan. Muli ko siyang sinilip at nanatili parin itong nakapikit ngunit ngayon ay makasama na yung pag galaw ng kanyang katawan na tila mo'y nagsasayaw. Muntik na akong matawa sa pinagagawa niya. Nang mag mulat siya ay luminga linga pa ito sa paligid na parang animo'y may hinahanap. Tumalikod ako at pigil ko ang aking tawa para hindi niya ako mapansin at marinig. Narinig kong papalapit siya kinaroroonan ko.



Pinilit kong mag seryoso nang makarating siya sa harap ko at tsaka lang uli nagsalita.



"Aba wiling wili ka naman dito sa bahay namin. Aba ay uso din ang umuwi" napakamot siya sa kanyang batok sa sinabi kong yun.



"Ikaw naman, hindi mo na appreciate yung ginawa kong pagpapacute doon. Nagsayaw pa ako tapos iiwan mo lang ako doon" may pagtatampo sa boses nito.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon