"Minsan sa sobrang excited natin hindi na natin masabi ang exact words"
Thei's Pov
"Babye na Beshiee!!" Nagwave pa ako ng hand kay Kylah ng pagkasakay nya ng kotse, nakangiti naman syang nagbabye din sa akin.
Nang makaalis na ang kanilang sasakyan ay naiwan akong naglalakad mag isa at walang kasabay.
Napatingin naman ako sa aking relo, Shemay! Si Papa mukhang hinihintay na ako sa may kanto malapit sa amin!
6:30 na ng gabi ang uwian namin plus para akong naglalakad sa buwan kaya mag aalasyete na!Binilisan ko ang paglalakad kasabay ang ilang estudyante papunta sa waiting shed, since doon madalas tumigil ang mga jeep.
Nang may tumigil ay nakipag unahan ako sa pagsakay since ayokong malate umuwi.
Nakagawian na kasi ni Papa na sunduin ako kapag nasa may kanto na, malapit sa amin simula nung may nangyari sa akin na di ko malilimutan, well hinabol lang naman ako ng mga Aso malapit sa amin, napagkamalan ata akong buto sa payat ko at sa sobra kong taranta tumakbo pa ako kaya ang ending hayun nadapa pa ako buti na lang hindi ako nakagat, dahil kung nakagat ako talagang kukunin ko ang lamang loob nila grr.charott lang.Dali dali akong naghanap ng barya sa bag at nag abot ng bayad.Saka bigla akong napatingin sa couple na kaharap ko dito sa jeep.
Awww...
Nakakainggit!
Napapikit ako at naimagine si Jave❤
Hawak nya ang kamay ko, tapos ang lapit lapit ng mukha nya, to the point na amoy ko yung pabango nya! Shemay!
Tapos nakatitig pa sya sa akin kyahhh! Ang pusoooo kooo
Tapos...."Manong paraaaa!!!"
"Para daw pooo"
"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko na, pango na ata dahil sa tumama sa likod ng katabi ko.
Pano ba kasi si Manong, kung makapagpreno kala mo emergency, pango na nga ilong ko, pango na siguro lalo."Ms.Kumapit ka naman!"
Biglang reklamo nung katabi kong lalaki.*Pout
Gagalit? Birthday mo po?
Birthday mo?
Charot lang. Shempre di ko sasabihin yun baka ilaglag nya pa ako dito sa jeep."Sorry po" hinging paumanhin ko sa katabi ko na malapit ng mag super sayan.
Napatingin naman ako dun sa couple na kaharap ko,na magkayakap na ngayon...
Wahhh....Balang araw sana ganyan din kami ni Javeee...
Pero teka? Napatingin ako sa may bintana....!
Wahhh!"Wahh.Manong paraaaa!!"
Natataranta kong sabi...Shemay! Nakalagpas ako!
Dali dali akong bumaba, to the point na, muntik nang sumabit yung backpack ko dun sa bakal basta muntik na.
Idagdag pa si Manong driver na paandar na agad samantalang hindi pa ako nakakababa ng tuluyan argh.Hayy...
Mga limang bahay pa ang madadaanan ko bago makarating sa aming kanto.
Kaya binilisan ko na lang ang lakad ko, since medyo creepy yung lugar pano ba naman kasi yung ilaw sa may poste kala mo nasa disco, patay sindi huehuee...Irereklamo ko talaga ito sa barangay.Hanggang sa makarating ako sa may kanto at natanaw ko si Papa na nakasuot pa ng sombrelo at nakasuot ng makapal na Jacket at may kausap sa Cellphone.
"Papa!" Nakangiti kong tawag sa kanya habang sya naman ay napailing iling na lang, nakakatuwang isipin na hinihintay nya ako palagi.
Dali dali ko syang nilapitan at ngumiti.
"Thei, nakalagpas ka na naman siguro sa babaan ano? Tsk.tsk.Ikaw talagang bata ka, palaging lutang ang isip"
Naiiling pa nyang sabi saka hinaplos ang ulo ko, kaya napasimangot na lang ako, ginawa nya na naman akong aso eh.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Teen FictionHighschool is time for what? Many expectations, many experiences and many unforgettable moments. Ang Magkaroon ng Crush ay isang normal para sa isang Makulit at Maingay na si Theireen. When she first saw Jave ay masasabing malakas na ang kanyang tam...