"Crush, may distract us but also may inspire us at the same time"
Thei's Pov...
"Ang bulok mo naman tol!!"
"Tang**! Ang noob mo naman!"
"Yay.Patay na koooo!"
"Ano ba iyan panalo na naman ako sa pustahan!"
Tumigil ako sa pagtatype dahil nadidistract ako sa kaingayan ng mga ibang dota player dito sa computer shop.
Kung bakit ba naman sobrang hyper nila gayong kamay at mata lang naman gamit nila dinaig pa ang mga nagbabasketball sa ingay.
Tinignan ko sila baka naman makaramdam sila na hindi lang sila ang tao dito sa comshop.
And I'm the type of girl na madaling madistract at mawala sa concentration, lalo na siguro pag nasa harap ko si Jave ay grabeee!!Nawawala ako sa concentration ang totoo nga nyan may katalinuhan naman talaga akong taglay medyo slow lang ako.
Bat ba kasi nasa comshop ako? Well nasira lang naman laptop ko at nasa pagawaan pa rin hanggang ngayon kaya heto nakatingin pa rin ako sa mga batang nagdodota.
Wala naman akong pakialam kung matangkad o mas malaki pa sila sa akin dahil ang katotohanan ay Junior Students pa lang sila lalo at nakikita ko sa mga ID lace nila.
Since Senior Student naman ako makikinig naman siguro ang mga ito.
Magsasalita na sana ako pero parang nahiya ako bigla
Kaya napanguso na lang akong napatingin sa kanila.Baka lalo pa silang mag ingay.
Wag na na lang.
Napatingin na lang ako sa kanila."Tol kanina pa sayo nakatingin oh, may gusto ata sa iyo"
"Hindi sa akin ha! Baka sayo!"
"Hindi nga sabi sa akin! Sa iyo nga! Banlag ka ata eh!"
Nanlaki yung butas ng ilong ko sa narinig na usapan nila.
Abat ang mga batang ito di ba nila alam na loyal ako kay Jave? Psh.
Si Jave mylabs kooooo!!Hay kailangan kong magfocus.
"Ya, Pwede ba tumahimik kayo ng kahit konti? May mahalaga lang akong ineedit para sa defense ko kaya please lang...."
Mahinahon kong sabi saka tinalikuran sila at humarap sa monitor at ipinagpatuloy ang pagtatype at pag eedit ng kung ano ano pa.Maya maya lang may narinig akong tumitiling babae
Luh? Wag mong sabihin na nagdodota din ang isang ito?
Psh.Concentrate...
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate..."Yes! Inaccept ni Jave yung friend request ko ngayon mismo! Kyahhh!!!"
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate..."Youre so lucky....kahapon ka lang nagfriend request di ba? Ang bilis naman"
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate...
Concentrate..."Cyross Jave Arranez is on messenger say hello"
Concentrate...
Concent--ano daw?!Hindi pwede ito!
Dali dali akong nag new tab at nag log in sa facebook account ko malay mo lang iaacept nya!
Eto na naman ang libangan ko
Ang mag isang umasa!
dakilang assumera talaga ako kahit kailan.Yadaayadaaaa!! Pumikit pa ako saka dahan dahan na nagmulat at......................................................!
Bang!
Aray ha.
psh.Naka friend request pa din...
Bakit ba Jave? Nakakasakit ka na!
Wala ata syang balak iaccept friend request ko."Your PC no.8 will shut down after 2 minutes"
Dali dali akong naglog out at nagsign out ng account.
Ipapaedit ko na lang kay Rusten since isa sya sa kamember ko at for sure dala nya laptop nya.
Huehueee.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Novela JuvenilHighschool is time for what? Many expectations, many experiences and many unforgettable moments. Ang Magkaroon ng Crush ay isang normal para sa isang Makulit at Maingay na si Theireen. When she first saw Jave ay masasabing malakas na ang kanyang tam...