Chapter 5

27 12 2
                                    

"Tamang sulyap lang"

Thei's Pov...

Dahan dahan akong umupo sa upuan ko at inilapag ang bag ko sa may table at binuksan ang bag ko dahil alam kong sabog na naman ang laman ng mga iyon lalo't higit sa sobra kong taranta kanina basta ko na lang inilagay ang uniform kong medyo basa sa bag.
Hayy.
Saktong labas ko ng uniform ay basta ko na lang ito inilagay sa plastic na kulay pula at itinali ng ayos saka dali dali na ipinasok sa bag ko.

"Hoy! Ano yan shabu?"
The eee??
Napatingala ako kay Rusten sa sobrang gulat bigla na lang sumulpot at nanlalaki pa ang mga mata.

"Huh? Ano ba ang sinasabi mo dyan? Mukha ba kong nagdadrugs ha?"
Nakanguso ko pa na tanong sa kanya.

"Oo, lalo na pag nakikita mo si Jave yung eyebag mo pa lang!"

Ngingiti na sana ako kaso ewan ko ba sa lalaking ito at eyebag ko agad lagi ang napapansin.

"Grabe ka sa kin ha! Magjojoke ka na lang sakit pa sa bangs psh"
Tampo tampo ko pang sabi pero tumawa lang sya.

"Wala ka naman bangs, nag iimagine ka na naman haha. Baliw" saad nya pa.

Kaya napatingin ako sa table ko at napapangiti.
Hahaha. Baliw? Kay Javee charot lang yun. I am not that Obsessed to be called a crazy girl.

"Alam mo ikaw?" Saktong tingala ko wala na si Rusten eh?
Ang bilis naman nya.
Nakita ko kasi ang pagmamadali nya na makaupo sa kanyang upuan.
Napakunot lang ako ng noo saka napatingin sa umupo sa tabi ko.

"Hay, muntik na kong malate dun ah" saad ni Kylah at inayos ang pagkakalagay ng bag nya sa upuan at akma ko na sana ganun din ang gagawin ko sa bag na nakapatong pa din sa mesa ko ng bigla ko itong natabig kaya nalaglag sa sahig.
Kaya dali dali ko itong nilimot at pinagpagan saka maayos na inilapag sa may likuran ko.

Kakausapin ko na sana si Kylah kaya akmang nakanganga ako at nakaharap sa kanya ng biglang ang maiingay kong kaklase ay biglang tumahimik.
Kaya nakanganga akong nagtataka??

Kasabay ang biglang pag pasok ni Ms.Irish ang Math terror teacher namin at nananitili akong nakanganga ng makita ko ang kasama nya.
Si Jave mylabs shemay!!!
Ang gwapo gwapo nya talaga at kagalang galang nyang aura, yung uniform nya na nasobrahan pa ata sa plantsa, saka yung buhok nya na maayos tignan tapos yung mata nya! Bat ba sya nakapoker face? Ay okey lang pala, baka hindi na naman magkaintindihan ang mga kaklase kong babae pag ngumiti pa sya. Tama yan Jave!

"Ang gwapo nilang dalawa ano!"

"Kaya ngaaaa"

"Shet, Ideal Boy sila"

Nanatili akong nakatulala kay Jave at iniimagine na nakangiti sya sa akin saka kumakaway, shemay!

"Beshiee! Woy nakikinig ka ba?"
Niyugyog pa ako ni Kylah.
Panira din ng moment ang isang ito e.
Nagiimagine pa naman ako.

"Whut?" Inosente kong tanong at tingin pa sa kanya, at ramdam kong nakatingin sa akin ang ilan kong kaklase.
Ano ba ang ginawa ko?

"Kanina ka pa tinatanong ni Ms."
Bulong ni Kylah.
Kaya napatingin ako kay Ms. At parang kinilabutan pa ako dahil sa titig nya.

"Yes, Ms?" Napalunok pa ako ng ilang ulit dahil sa titig nya at mukhang hindi ko ata kayang tagalan ang titig nya lalo na ang kilay nya na nakakilay goals nga pero malapit ng magkasalubong ang mga iyon at mukhang bad trip na naman sya huhuhu.

"Why, are you not in your Proper Uniform? It's not our PE today right? Give me a valid reason Ms.Thayer"
Seryoso nyang sabi na halatang nagtataka pa dahil naka PE uniform nga ako.
Sana umalis muna si Jave at kung sino man ang lalaking kasama nya natatakot talaga akong mapahiya sa harap nila.

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon