Chapter 7

40 9 1
                                    

"When they were both humble and snobber in a different way"

Thei's Pov...

Lipad pa rin ang isip ko habang nag lalakad sa may corridor papuntang classroom ko.
Gusto ko sana umabsent kaso ayaw ni Papa, ngayon daw na napapunta na ako sa first section kailangan perfect ang attendance ko.

Hay nako.
At sya na lang daw ang bahala sa paghahanap ng apartment.
Napatungo ako habang nag iisip,
Pag tuluyan kayang nagsara yung company na pinag tatrabahuhan ni Papa, need ko na ba na mag part time na din?

Ano naman ang papasukan ko?
Mag iisda sa Palengke?
Tingala sa taas, sabay Imagine
Malaki ang kita duon...balita ko.

Dispatcher sa Jeep? Tingala ulit at imagine,
Sakto malakas boses ko, kaso
Lugi ata ako.
Wag na lang.

Waitress? Imagine ulit,
Ang cute siguro ng may suot na apron sa bewang tapos mag tatake ng order, kaso paano pag nakabasag ako? Lagot, hindi ko na kayang buuin yun, tapos pagagalitan ako, wahh..
Yun ang madalas kong mapanuod sa mga drama anla.

Ahm, ano pa nga ba?
Cashier? Paano naman pag pilahan? Ang daming customer anlaaaa.
Nape pressure akooo.
Part time lang naman Thei,
No ka ba!

Assistant Cook? Lalong hindi pwede, sunog ako magluto.
Special Dish ko ata ang mag luto ng sunog na itlog, isda, hotdog.
Alam kong basic lang ang mga iyon, pero pagdating sa akin, walang basic except sa Sinaing.
Pero fast learner naman ako, pramis out of focus nga lang ako lagi.
Psh.

Ano na lang kaya, Tutor?
Well Mahilig ako sa mga bata, kasundo ko sila, shempre isip bata din ako, slight lang.
Kaya kong mag turo ng English subject o kaya about sa mga nursery rhymes basta lahat ng basic at sa mga bata.
Pero pag matanda na, tapos math ayoko na, magtatago na lang ako.
Ayt. Ang dami kong reklamo,
Magtitinda na lang ako ng taho, isang sigaw lang siguro maraming bibili tapos ang cute ko? Kunwari.
Yay.
Bahala naaa..
Napabuntong hininga na lang ako.

"Thei!"
Biglang may humigit ng bag ko mula sa may likuran at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ay, Snatcher!" Naisigaw ko.
Kita naman na malalim ang iniisip ko.

"Wow. Anong snatcher? Lagpas ka na ng classroom natin oh."
Natatawa na saad ni Kylah.
We? Seryoso? Nakalagpas ako?
Napatingin ako sa kinapupwestuhan ko.
Heto ang dulo malapit sa may hagdan paakyat papunta sa may rooftop.

"Ahahahahahaha. Ano kasi, nililibot ko lang ang ano,
Ang ano, ang bawat sulok nitong school hahaha"
Wala sa sarili kong sabi.

"Iniisip mo pa rin ba yung tungkol sa paghahanap ng bahay nyo?" Seryosong tanong ni Kylah.

"Huh? Bakit nawawala ba ang bahay namin?" Tanong ko.
Hindi ko sya nagets lalo ng bigla syang napa face palm,

"Seryoso, Thei"
"Bahay nyo na malilipatan"
Dugtong ni Kylah.
Alam nga pala ni Kylah, kachat ko sya kagabi at nasabi ko nga pala sa kanya.

Medyo lutang lang sadya ako ngayon hahaha.


"Si Papa na daw ang bahala dun" saad ko at sumabay sa lakad nya papasok ng classroom.

"Nagtanong ako kay Mama, kung may alam dun sa amin malapit sa may subdivision, may apartments daw dun na nirerentahan yun ang sabi nya, meaning sabihin mo kay Tito para magkapit bahay tayo at isa pa, dun din malapit sa subdivision na yun malapit ang bahay ng Jave mylabs mo" pahina ng pahina nyang sabi.
Tipong kami lang dalawa ang makakarinig.

Omo! Nabuhay na naman ang puso ko.
Landee, narinig ko lang ang pangalan ni Jave mylabs, potek!

"Ngiti agad eh, narinig nya lang haha. Alam mo ba na halos kasabay mo sya kanina? Nasa may likuran mo sya, kanina kaso mukhang malalim ang iniisip mo te, at hindi mo sya napansin ang bagal mo maglakad to the point na naunahan ka nya, akala ko nga sinadya mo,pero ang bagal talaga and It seems your not with yourself, to the point na nakalagpas ka na at maging ako na nasa pintuan hindi mo pinansin, Hay naku Thei!"
Sobrang dami ni Kylah na sinabi, pero ang nagets ko lang talaga yung sabi nya na nasa may likuran ko si Jave kaninaaaa!

The Gap Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon