"Too much happiness can turn out into sadness"
Thei's Pov...
Habang naglalakad ako papasok ng building ay napatingin ako sa mga istudyanteng nagkakagulo sa may dulong bahagi ng building at bago ko pa maisip na baka may nag away na estudyante sa bahaging iyon
Ay napagtanto ko agad na ang ang announcement sa may bulletin board ang pinagkakaguluhan nila.Shems! Ngayon nga pala ang result ng sa Exam namin this first quarter meaning malalaman kung saan talaga ang official na section namin for this whole year!
Wahh.Excited na akoooo!
Dali dali akong lumapit sa maraming estudyante at ipinagsiksikan ang maliit kong katawan sa kanila.
Worth it naman pramis!
Makita ko lang ang result masaya na ako. Ilang araw akong nagpakapuyat para lang makapasa! ilang maletang eyebags na din ang naipon ko."Ano ba yan!"
"Excuse me po"
May nakatapak pa sa sapatos ko pero may natapakan din naman ako. Quits lang.
And finally! Napatingala ako at nagsimulang basahin ang mga pangalan sa may ibaba pataas.
Wala ang pangalan ko, kaya dahan dahan akong tumingala pataas....Ng biglang?!
Bastos neto ah.
Bigla na lang may humarang na katawan mula sa harapan ko.
Kanino ba ang likod na ito?
At bigla na lang sumulpot sa harapan ko?
Ehem. Hindi nya ba napapansin ang mga estudyante? Na nagbabasa din?
Pero bakit parang wala lang sa ibang estudyante? At parang ako lang ang nakapansin sa kanya?
The heck!
Bastos to ah.
Ahm..."Ehem, ehem"
Di nya talaga ako napansin ah.
Kahit ata anong drama ko dito di effective sa kanya, no ba yan!Dali dali akong sumiksik sa gilid nya naglakad sa unahan nya para makita ko ang listahan sa may bulletin.
Dahan dahan akong tumingala at nagbasa ng mga official listed names.
Section 1
Arrañez, Cyross Jave
!! Omo..
Dali dali akong nag iskip sa ibang names dahil hindi ko naman sila kilala saka si Jave lang naman talaga ang kilala koooo!!
Rodriquez, Kylah.
Wahhh! Ang beshieee ko!
Thayer, Thei Reen
Omo! Wahhhh..After 4 years, sa section 1 na ako, hindi lang sa kaklase ko si Kylah kundi kaklase ko na din si Jave, ang Jave mylabs koooo!
Shems! Maiinspired ako lalo netooo!"Yes! Yes! Wooo! Finally!"
Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa nabasa ko sa bulletin board.
Dali dali akong tumalikod at nakikipagsiksikan sa mga estudyante para makaalis na din dahil sa sobrang sikip at masakit matapakan sa paa.
At kapag sinuswerte nga naman hindi ko alam kung sinadya ba o hindi.
Bigla na lang may tumulak sa akin at sa takot kong madapa napahawak ako sa dibdib ng isang lalaki na unang nasalubong ko.At Natulala ako, dahil sa bahagya pa syang nakatungo na nakatingin sa akin.
Hanggang sa may chin nya lang ako, meaning matangkad pa din sya at palagay ko sya rin yung lalaki na nakaharang sa harapan ko kanina."Aren't you going to say sorry?" Suplado nyang sabi.
May tumulak lang naman sa akin feeling ba nya sinadya ko? Bat ba sya ganyan makatingin? Porque Gwapo sya at maganda ang mga mata nya, matangkad sya pero payat naman...Saka duh. Loyal ako kay Jave alam nya ba yun?
Baka iniisip nya may Crush ako sa kanya katulad ng ibang babae dito. Alam kong sikat sya, oo familiar kasi mukha nya pero nalimutan ko ang pangalan nya dahil ang name lang ng mga taong mahalaga sa buhay ko ang pinaka tatandaan ko.
Including Jave, mylabs ko! Charooot.
*PoutKailangan ko na makalabas dito.
"Ahm.Sorry" mabilis kong sabi at ngumiti sa kanya tipong mapapansin nya ang ka cute-an ko.
Oha oha. Galawang Thei!
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Teen FictionHighschool is time for what? Many expectations, many experiences and many unforgettable moments. Ang Magkaroon ng Crush ay isang normal para sa isang Makulit at Maingay na si Theireen. When she first saw Jave ay masasabing malakas na ang kanyang tam...